Chapter 17

1.6K 59 19
                                    

Chapter 17

Talagang sinusubokan nito ang kaharutan ng isang Yesenia Lai Ruiz...tignan natin.

Warning kalandian activate...

Di na lamang ako nagsalita dahil patuloy lamang siya tumatakbo papalayo sa mga humahabol sa amin samantalang nasa likod niya ako at karga niya.

I smiled devilish as i lean my face to his ears and slowly bite it. Malalasap mo na ang landi na matagal ko ng tinatago....hahaha.

"The fuck!"

Napahinto ang Prinsepe kasabay naman nun ang paglagapok ng puwet ko sa lupa....

"Putsa!" Napaigik akong napahawak sa puwet....bakit ba lagi nlng ang puwet ko?! Di ba porque na may hugis itong puwet ni Eloise dapat lagi nalang ito nakasalampak nako maawa naman kayo mahirap din kapag nakapasa ito.

"The hell did you do??" Madilim ang mukha na sumbat niya sa akin pero imbes na kabahan ay napangiti ako ng makita kung gaano ka pula ang mukha nito maging ang tenga niya.

Kahit gaano pa katago ng nararamdaman mo Prinsepe nakikita parin ang epekto ko sayo buhaha.

"Virgin kapa Prinsepe Ace?"

Tanong ko sa kanya at binalewala ang masamang titig nito sa akin.

'the hell Yesenia, paano mo natanong iyan?! Patay ka na talaga!!!! Kalapastangan Yung ginawa mo!' my angel side said

'so ano naman ngayon...kita ko naman ang tagumpay ng landi na epekto ko sa kanya buhaha..' my evil side said.

Ang madilim nitong titig ang biglang lumiit at dahan dahan siyang lumapit sa akin. Siyaka ko lang naalala na nakaupo pa pala ako sa lupa.

"Don't you dare to try me woman! Stop it while I can keep my self calm." Diing sabi niya at walang pasabing hinila ako nito at sabay na kami tumakbo. Tiniis ko na lamang ang sakit ng binti ko para lang makalayo sa nalalapit na mga kalaban.

Anong ibig niyang sabihin na tumigil? Like duh, Wala sa vocabulary ko tumigil. At Isa pa siya kaya Yung gumigising sa kaharutan kong natutulog...hmp.

Someone Point of View:

"Doc, ano ba ang binabalak ng kaharian natin? Hindi ba na hindi maganda na mangialam tayo sa dalawang kaharian?!"

Tanong sa akin ng aking secretary na nasa likod ko lamang na si Rolando. Nakatayo ako habang pinapanuod ang mga taong nagkakasiyahan sa siyudad sa ilalim na pamamalakad nang aking ama. Malamig ang matang lumingon ako kay Rolando na agad naman namutla.

Ang ayaw ko sa lahat ay ang pinapakiaalaman ang binabalak ng mga magulang ko.

"Prinsepe parin ako ng kaharian Rolando at hindi bastang Doctor lang. Kung ano man ang binabalak ng kaharian labas kana dahil ang trabaho mo lang ay ang magbigay ng impormasyon sa akin! Maliwanag?!" Seryusong giit ko sa kanya na agad niya naman kinayuko.

"Patawad  Prinsepe Byron, Hindi na mauulit pa!" Nanginginig na sambit niya. Hindi ko na lamang siya pinansin at muling humarap sa terrace ng palasyo na kinatatayuan ko.

"Iwan mo muna ako." Matigas ang salitang sabi ko Bago ko narinig ang mga yabag niya papalayo at ang pagbukas, Sara ng pintuan.

Huminga ako ng malalim nang ako na lamang mag Isa ang naiwan sa silid..... Darating din ang panahon na mamumunoan ng kaharian na ito ang napakalaking isla.

Ngumiti ako at dinadamdam ang malamig na hangin na dumadampi sa pisngi ko.... darating din ang panahon na makakaharap ko na ang bawat anak ng mga matataas na opisyales at makakaharap ang mga number one na naghahariang mga mafia.

Ako, si Bylon Delvalle Georgia nag iisang anak at Prinsepe sa Kaharian ng D
Georgia.

Matagal na din ang panahon ng hindi ko muli nakaharap ang dalawang kaharian.

Kamusta na kaya ang mga ito....nakarating ngaba ang email na pinadala ko?

Napangisi ako ng maalala ang babae na iyon...kamusta na kayo iyon?

Tanga parin ba Yun hanggang ngayon? Kawawa nga naman ang mga babae na nagpapatanga sa isang lalaki na walang ginawa kundi ang paghirapan at di binigyan halaga....kamusta kana kaya?

Eloise......

Eloise/Yesenia POV:

Taas baba ang dibdib ko ng makahanap kami ng Prinsepe na mapagtaguan na kweba na natatabunan ng mga halaman...umupo ako at napahak sa binti kong dumudugo....PANO naman kasi pinatakbo ako ng Prinsepe kaloka!

"Hoy!" Hinihingal na tawag ko sa kanya. Napasimangot ako ng makitang hindi man lang nakikitaan ng pagod at hingal ang buang dahil maliwalas padin ang mukha niya kahit basa ng pawis....sanaol fresh!

Tinaasan ako nito ng kilay sabay sumandal pa sa kweba na pinasukan namin habang nakaupo.

Inirapan ko siya habang hinihimas ang dibdib ko. Napatingin naman siya sa ginagawa ko.

"Wala ka talagang puso!" Reklamo ko dahil hanggang ngayon hingal na hingal padin ako.

"Seducing me, hmm?!"

Nangunot ang noo na natigilan ako sa paghimas sa dibdib at paghagilap ng hangin na napatitig sa kanya. Nakita ko pa kung paano pa siya napakagat sa ilalim ng labi at napaiwas sa akin ng tingin.

Anong seducing? Ang sabihin niya nalili- ehemmm ang isip mo Yesenia ayusin mo.

Di ko na lamang pinansin ang sinabi niya at pinahinga ko na lamang ang sarili sa sinasandalan at pumikit.... Sana ayus lang ang nga kasama namin.

Kamusta na kaya si Rose? Ang Ama ni Eloise? Ang stepsis Niya? Si Ash?

Ang-

"Hoy! Kala koba ikakaasal kana?! Nilalandi mo yang Prinsesa ng Orienbo Nako, wag nalang Sana matuloy kasal niyo ni Lady Eloise." Saad ko sa kaharap na malamig ang matang nakatitig sa akin.

"Say who?" He coldly said.

Napangiwi naman akong umirap.... Ang lalaki talagang ito minsan Hindi maintindihan ang takbo ng utak ano, kung pwede lang sana na habaan din Niya ang sinasabi para naman makaintindi kami diba!

"Say who edi ako.ako nagsabi temang!" Iritang Sabi ko. Hindi na lamang Niya ako pinansin at pinikit niya ang mga mata.

"I can read you. Also, I know you." Aniya dahilan para matigilan ako.

Anong ibig niyang sabihin na alam niya?

Alam ba niya na ako ito???? Si Eloise?

"Rest woman. I'll call for backup." Aniya bago siya tumayo at may kinuwa sa bulsa... nagtataka man ay nag stay na lamang ako dahil lumalala na ang lagay ng binti ko. Muka yatang may inilagay sila sa Pana kaya grabe nalang ang lagay ng binti ko ngayon.

"Sana makauwi muna ako." Bulong ko na lamang bago ipinikit ang mga mata.

Sana pagmulat ko nasa isa akong kama at nakahiga....mukang napagod ako ngayong Araw hays.

--------------------------------------------------
Bernz: thank you sa support I really appreciate it thank you muahh.









Reincarnated As an Unica Hija Of Genovese Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon