RIANA POV."PAHIYA yang Sargent na yana hahaha" tawa ni Christine, ikweninto kasi ni Fiona sa kanila ang nangyari, nalaman niya kay Inspector Jera, magbestfriend kasi silang dalawa, sana nga magkatuluyan eh...
"Oo nga, pinahalik mo sana sa sapatos mo Riana para madala" gigil na wika ni Chinse...
"Tumigil na nga kayo para kayong mga baliw diyan" natatawa kong wika...
"Masyado ka kasing mabait eh kaya palagi ka tuloy inaaway nong mukhang bakulaw na yun" anas ni Fiona...
"Grabi ka naman Fion, gwapo naman si Danillo ah" kontra ni Chinse, di ko alam kung may gusto ba ito kay Dan o wala eh...
"Gusto mo lang siya eh" tukso ni Fiona...
"Kung sapakin kaya kita" wika naman ni Chinse...
"Tumigil na kayo" saway ko sa dalawa, napailing-iling nalang si Christine, sa aming magkakaibigan silang dalawa ang palaging nag-aaway...
Sa totoo lang gwapo talaga si Danillo, moreno ang balat na may maliit na ulo o baby face, makapal na kilay, malalim na mata pero di nakakatakot tignan bagkos yun ay isa sa nakakapagpa-attract sa kanya, makinis rin ito na medyo mabalahibo, matangkad at makisig rin kaya ewan ko ba kung bakit sa maamo at inosente niyang mukha ay kabaliktaran sa ugali niya, mabait naman ito sa iba eh pero sa akin hays palagi akong inaasar, inaaway at palaging nakikipagkompetensya, pareho lang naman kami ng posisyon SPO4 sargent pero ewan ko sa kanya...
"Guys celebrate tayo!" sigaw ni Fiona...
"Ang hilig mo talaga sa party" ngiwing ani ni Christine...
"Anong party, icecelebrate lang naman natin ang pagkapanalo ni Riana no at ang pagbabalik niya" pumalakpak pa siya na ikinailing ko nalang...
"Fiona tumig--aray" mabilis akong napahawak sa aking ulo ng sumakit ito at napapikit ng mariin...
"Rina anong nagyayari?" nag-aalalang dinaluhan ako ng tatlo...
"Chinse kumukha ka ng tubig dali" rinig kong ani ni Christine...
*Baby sis i miss you*
*Come with us lil sis*
*I love you always, kuya always love you baby*
*Your the only one princess we have*
*Sweetie come here*
*Be careful princess*
*No don't touch her!*
*Let our lil sis go!*"Riana" napabalik ako sa ulirat ng marinig ang matinis na boses ni Chinse, napahabol ako ng hininga pagkatapos marinig ang mga boses na yun, iba't ibang senaryo ang nakita ko ngunit pareho-parehong malalabo ang kanilang mukha...
"Inumin mo muna ito Rina" alalang wika ni Christine at inabot sa akin ang tubig, maging ang ibang malapit sa mesa ko ay lumapit na rin sa akin...
"Ano bang nangyayari Riana?" tanong ni Fiona...
"Wala to Fion, pagod lang ata ako" pagsisinungaling ko...
"Hatid ka na namin, tapos na rin ang trabaho namin" Ani ni Christine...
"What happening here?" napatingin kami sa taong nagbukas ng pinto ng opisina namin, iginala nito ang tingin hanggang mapako sa akin, humahangos itong lumapit sa akin na binigyan naman siya ng daan para lumapit siya...
"Riana I heard what happened to you, are you now okay?" hinablot niya ang isang upuan at umupo sa harapan ko, ang lapit niya masyado kaya ako na ang umatras...
"Yeah sargent, I'm fine, why are you here pala?" nagdadalawang isip kong tanong, tumingin muna ako sa tatlo at tumango...
"Back to work guys" sigaw ni Chinse at pumalakpak ng tatlong beses kaya nagsibalikan naman sila...
BINABASA MO ANG
KNOWING WHO I AM: I'M THE MISSING PIECE
FantasíaMuling pagbabalik ngunit alaala'y di nananatili, Mga bagay na ikinabigla ngunit nangyari na... Nabura nga ba o sadyang di pa panahon para maalala, Ang nakaraan ay malalaman at mababatid sa bawat pahina... Nakabalik sa tunay na katauhan subalit sa...