Meetup 18

1.7K 55 3
                                    

Meetup 18: New journey.

Property of Momo_Ayren

Date updated: July 11,2015

(Nike's POV)

Its been a week since lagi na naming kasa-kasama si Airi. Ayun, naga-adjust pa kami pero OK RIN kasi may kinakatakutan na sina Black sheep tapos si Zeus...sabihin natin na nagbago siya ng konti. Nagiging tahimik na siya pero alam ko magiging ok din siya. Si Athena? Ayun nagbago din. Di na siya na masyadong naging maarte? Tapos, masaya naman kasama si Airi. Kagaya lang siya nina Black sheep, walang commonsense. Hindi naman sa nabo-bohan ako sa kanya, napaka-seryoso niya din paminsan tapos may pagka- isip bata din siya. Basta!

Kasama ko si Airi ngayon. Andito kami sa lobby ng school. Nasa POD kasi ang GG. Bakit? Ayun may kalokohan na namang ginawa. MGA WALANG UTAK!

Akalain niyo, napagkamalan nila ang girls CR na classroom namin? Oh diba ang babaw ng rason kung bakit na POD ang mga yun.

Habang nagpaikot ikot sa paglalakad dun sa lobby ng dahil sa pagkabagot eh may nakita akong posters doon sa bulletin board at isang poster ang umagaw ng attensyon ko.

RANK OF MOST WANTED GIRLFRIEND IN PARTSON ACADEMY:

1. Athena Partson

2. Kiara Cocoa

3. Nike De Castro

O____O Agad lumaki ang mata ko.

NAK'NG! PANO AKO NASALI JAN?!

Binasa ko pa yung sa baba.

RANK OF MOST WANTED BOYFRIEND IN PARTSON ACADEMY:

1. Apollo Frank

2. Poseidon Taylor

3. Nikko Partson

EH?!

Nilapitan naman ako ni Airi. Na-shock nga din siya eh pero napatawa nalang kalaunan. Parang nakakita daw ako ng multo eh. "Nike,ganyan talaga yan dito. Masanay ka na. This poster was from the Weekly Partson Magazine and so maybe this will be shown in the magazine and every week they changed the rank naman eh.",sabi niya. Tumango nalang ako. Ba't ngayon ko lang 'to nalaman?

Sakto naman lumabas ang apat sa POD. Wala si Athena at Artemis, natanggap sila bilang model ng isang clothing company at pictural nila ngayon kaya ito. Kami lang ni Airi ang kasama ngayon ng GG.

Nagtataka lang ako. Bakit parang nagiging mabait na ata si Black sheep? Hinayaan niya yung sarili niya na mapagalitan eh.

"Next time, babasahin ko na talaga yung mga karatola at aalamin ko na talaga kung classroom ba talaga natin yung mapapasukan natin.",sabi ni Zeus. Natawa naman kami ni Airi.

"Nike, baka iniisip mo na two timer ako ah, pero hindi. Nag-iisa ka lang sa puso ko.",sabi ni Black sheep.

BALIW.

"Eto naman, kayo ata yung pumalit kay Artemis at Apollo ngayong araw.",sabi Poseidon. Si Apollo? Ayun, ang tahimik. Nami-miss niya ata si Artemis. Kawawang Apollo.

Nabigla nalang ako ng biglang gumawa si Black sheep ng ngiting nakakatakot. Smirk kung tawagin. Lord, please. Save me! May masama atang balak 'tong si Black sheep eh!

"So Nike, nabasa mo na ba yang nasa likod mo?"

Huh?

Tumingin ako sa likod at nakita ko yung poster kung saan nakalagay dun yung most wanted bf,gf chuchu.

HA?!

"Bla--Nikko,may kinalaman ka ba dito?",tanong ko. "Bakit ba? Eh bagay naman tayo diba?"

Anong konek nun? -___-

"Anong konek nun? Atsaka, tao ako! HINDI AKO BAGAY!",sigaw ko. Tinakpan naman nila ang mga tenga nila. "Grabe ka Nike ah, nakalunok ka ata ng isang daang megaphone at ang lakas lakas ng sigaw mo.",sabi ni Zeus. Nag-peace sign nalang ako.

"Sorry."

------

Andito ako ngayon sa trabaho ko. Waitress ako ngayon.

"Ma'am, Sir...Can I take your order?",tanong ko sa dalawang matanda na nagde-date ata. "Ahhh...isang capuccino, isang espresso and... dalawang mocha cake.",sabi ng lalaking matanda. Sinabi ko uli yung sinabi niya habang sinusulat ito sa papel.

"Coming right up!",sabi ko at aalis na sana para i-diretso sa kusina ang order nila ng hinawakan ng matandang babae ang kamay ko.

"May magaganap na fateful encounter sa iyo bukas.",sabi ng matandang babae. Na-shock ako. "Po?"

"May bago kang makikilala na babago ng buhay mo.",dagdag niya pa. "Ok po.",yun nalang ang nasabi ko at pumunta ng kusina. Manghuhula ata si Lola.

"Cheria eto yung order ng table 5.",sabi ko. "K.",maikli niyang sagot.

Bumalik na ako sa labas at hiningi ko pa yung ibang order nila tapos kapag may luto na eh dinadala ko sa table nila yung mga order nila. Ganun.

"Nike, nasaan bf mo?",tanong ni Cind. "Nasa bahay niya. Busy sa assignment."

"Nike, pano ka ba niya niligawan?"

O__O

NILIGAWAN?

DI NAMAN NIYA AKO NILIGAWAN EH.

"Ha?"

"Pano ka ba niya niligawan?"

"Uh...yung napapanood mo sa mga teleserye o sa mga pelikula. Yumg bibigyan ng mga tsokolate...ganun.",nagsinungaling ako. Bahala na. Alangan namang sabihin ko na peke lang yung relasyon namin?

"How sweet. Eh pano ba siya nag propose?"

"Uhh...gaya lang din sa mga napapanood mo sa mga pelikula."

"Pano siya nag confess?"

"Ganun lang din sa pelikula."

"Bakit mo siya nagustuhan?"

"Dahil ang dami mong tanong. Bumalik ka na nga lang sa trabaho mo.",sabi ko.

"Eto naman. Basta, ang gwapo ng BF mo. Grabe, ang swerte mo.",sabi niya.

Natapos ang araw na pagod ako. As in. Ang dami kasing costumers kaya ayun. Si Black sheep? Wala. Busy sa assignment namin. Nag volunteer pa nga siya na gawin niya daw yung assignment ko. Syempre di na ako tumanggi. Pang once in a lifetime lang yan.

Ngayon, pauwi na ako ng bahay. Si Apollo yung hahatid sa akin pauwi. Napansin ko, ang lungkot lungkot niya pag wala si Artemis. "Huyy Apollo! Alam mo bang pang-MMK yung mukha mo ngayon?",sabi ko.

"Eh kasi naman --"

"Dalawin mo nalang kaya si Artemis pagkatapos mo akong ihatid?"

"Wag na. Papunta naman sa bahay mo ang buong barkada."

"Huh, bakit?",tanong ko.

"Kasi trip namin?"

"BALIW."

"Hehe, wala lang kasi sigurong magawa si Nikko kaya ang sabi pumunta daw sa bahay mo."

BALIW TALAGA YUNG MAITIM NA TUPANG 'YON. -____-

Pagkadating dun imbes na ang barkada ang madatnan namin eh may isang babae ang nasa harapan ng bahay ko at ang dami niyang dala.

"Uh Miss, kamusta...Sino ka?"

Umiyak naman siya ng parang bata at tumutulo yung sip-on niya.

"Uwaaaa...di mo na ako naaalala Ate?"

O______O

HAAA?!

ATE?!

------
Sorry kung short. Na-bwisit ako eh. Ako ba naman ang pinili ng adviser namin para maging kandidata sa isang pageant namin sa school?!

Pero ok lang, pang once in a lifetime lang 'to.

Maika? Sino siya?

UP NEXT!

Cry baby,talkative and annoying. Just great.

-Ayrenxx

I Met A Gangster Whose Name Is NikkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon