Chapter 5 - His World
Nung una ay nakatingin lamang ako kay Hermed habang nararamdaman ko ang pagkahulog ng aming mga katawan. Ngunit nahihilo na ako kaya naman mariin kong pinikit ang aking mga mata. Ramdam ko na hindi pa rin naghihiwalay ang aming mga kamay.
Ngayon ko lamang nahawakan ang kamay n'ya na ganito kahigpit. Malamang dahil kailangan ko kumapit sa kan'ya at baka mapahamak kaming parehas.
Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagkalas ng kan'yang kamay sa akin at ang malamig na tubig. "Are you okay?"
Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Hermes. Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid palutang lutang kami ngayon sa gitna ng dagat. "Why are we here?!" I asked habang pilit na hinahabol ang aking paghinga.
"Follow me," he instructed.
I tried swimming towards his direction, but a huge wave caught me. I lost my sight to Hermes. Ilang tubig alat na rin ang nainom ko. Pakiramdam ko ay mauubusan ako rito ng hininga.
Grabe naman— hindi pa nga kami nakakapag simula ni Hermes ay papatayin na ata ako ng kalawakan.
Hindi ko na alam. Hahayaan ko na lang ang sarili ko na malunod na malaking tubig na ito. Muli ay natangay ang katawan ko ng napakalaking alon, wala na yata akong pag-asa.
Pinikit ko ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwala na muli ay sa tubig ako mapapahamak.
"Angel!"
"Angel!"
"Angel!"
Tatlong beses kong narinig nang paulit ulit na pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses.
"Angel!"
Pinipilit kong ibuka ang mga mata ko ngunit hindi ko kaya. "Nasaan ako?" tanong ko habang pilit pa rin na binubuksan ang mata ko.
Ilang saglit lang ay bigka kong naramdaman ang isang malakas na pagpitik sa aking noo dahilan upang magising ako't mapabangon.
"Aw!" reklamo ko.
Agad na bumungad sa akin walang iba kundi ang mukha ni Hermes na nakatingin at habang nakangiti sa akin. Inirapan ko ito, pati ang ngiti n'ya ay nakakainis nang tingnan ngayon.
"Manang mana ka kay Proserpina. May plano ka bang bumangon d'yan?"
"N-nasaan ako?"
Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng lugar. Nasa isang malaking bahay kami ngayon at sigurado akong hindi ito kastilyo at lalong sigurado ako na wala kami ngayon sa Olympus.
"We're in a different world," sambit ni Hermes bago lumagok ng pulang wine na hawak hawak n'ya.
Nanliit ang mata ko habang tinitignan niya. Bakit parang may bago sa kan'ya ngayon? Hindi ko mapunto kung ano ngunit alam kong kakaiba ang itsura ni Hermes ngayon.
"Wag kang tumitig nang gan'yan alam kong magagwapohan ko lang sa akin—"
At ayan na naman siya at pakiramdam ko ay tatangayin na naman ako ng hangin ni Hermes dito.
"Feeling mo naman! Tinitignan ko lang dahil pansin kong may bago sa'yo."
"Mas lalong gumwapo?"
I rolled my eyes. I hope the universe will give me enough strength to withstand his winds.
"Nag-iba ata ang suot mo."
He chuckled and poured wine on the glass. "I'm wearing a tuxedo—" he said and held the glass on me.
BINABASA MO ANG
Myth 6 - Hermes: Messenger of Gods (On Going)
FantasyMyth 5 Hermes: The Messenger of Gods Like cats and dogs, the nymph, Angel, and the messenger, Hermes, have a friend-and-enemy relationship. But with Universe's oracle, they have no choice but to join forces to conquer adventures and solve their pro...