Agad na hinanap ng paningin ko si Aileen sa room pero hindi ko naman ito matanawan. Hindi ko alam kung saang sulok ng university nag-suot ang babaeng ‘yon.
Maingay ang bawat hallway at puno ng mga booth ang mga bakanteng field sa may gitna. Kaya naman simula ng makarating ako ay kung ano-anong mga junk foods na ang nag mix sa tiyan ko.
Feeling ko talaga anytime magiging kaibigan ko ang inidoro kapag hindi ako tumigil.
Mag-isa nalang akong naglibot dahil paniguradong nasa kung saang lupalop ang magaling kong pinsan. Nag chat na ako sakanya pero ang sabi niya ay nasa gilid gilid lang siya.
Sa sobrang lawak ng university na ‘to hindi ko alam kung sang gilid gilid ang sinasabi ni Aileen.
Hindi ko na’rin sinubukan magpunta sa gym dahil paniguradong hindi ‘rin naman din ako makakalapit kila Dalton, lalo naman kila Zillex dahil hindi ko naman kakilala halos ang mga kagrupo niya.
May mga photo booth, horror booth, jail booth, dating booth at may nakita pa akong marriage booth sa paglilibot ko. Meron ‘din naman mga booth na about sa subject na hindi ko na sinubukan pasukin.
Attendance ‘raw. Bahala sila.
Pati ba naman intrams nag-aaral pa ‘rin ako? kung hindi lang dahil kila Dalton at Zillex hindi ako papasok eh. Mas gusto ko lang humilata sa bahay at manood kesa ang pumasok.
Pero dahil supportive nila akong best friend promax ay kailangan nan’don ako.
Alam ko naman na marami silang tigahanga pero, magpapakabog ba ako? syempre hindi!
Nine magsisimula ang laban nila Dalton habang hapon pa ang kila Zillex. Kaya naman target ko ng hanapin si Zillex, para may makasama akong manood dahil paniguradong wala yatang planong magpakita sakin ang magaling kong pinsan.
Isasantabi ko muna ang ilang ko, lumaki naman akong makapal ang mukha.
At mukhang wala ‘rin naman itong ginagawa bukod sa baka bigla silang nagkameeting ng mga kagrupo nila na paniguradong mangyayari dahil ngayong araw ang laban nila.
I tried to text him but he's not online. Malabo naman maghanda na sila, mamaya pa naman hapon ang laban.
Next time talaga hihingin ko na number nila. Ang hirap nilang i-reach out kapag chat lang. Baka magsimula na ang laro ni Dalton bago ko pa mahanap si Zillex.
“Saan ba ‘yon?” bulong ko sa sarili at napalabi habang lumilinga sa paligid.
Nagpunta na ako ng gym kaso ang dami namang tao. Imposible ‘ding nan’don si Zillex dahil sa tagal na naghiwalay kami kanina ay paniguradong tapos na siya sa dapat niyang gawin. Wala ‘rin sa library. Alangan namang mag-aral ‘yon habang may intrams diba?
Saan ko ba hahanapin yong lalaking ‘yon?
“You're looking for me?”
“Ay kabayo!”
Napatalon ako sa gulat at napahawak pa sa dibdib ng maramdaman ang pagdantay ng braso ni Zillex sa balikat ko.
Ngumisi siya sakin at pinisil ang pisngi ko. “Cute.”
It was only whispered but I still heard it. Napatikhim ako para itago ang pag-iinit ng pisngi ko.
Umagang-umaga ang harot.
Habang nakatayo siya sa harapan ko ay ‘don ko napagmasdan ang suot niya. It was black polo shirt na naka tucked in sa black niyang pants. Kumikinang ang suot niyang relo dahil sa sinag ng araw. Bahagyang tumaas ang kilay ko ng may makita pa akong glasses sa likod ng ulo niya.
BINABASA MO ANG
Their Unrequited Love
Roman d'amourA spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university. But a college boy named Dalton came into the picture. A cold and mysterious man that has his own wo...