Hi Guys! This chapter is dedicated to all my followers most especially to cheeterom marialourdescsantos brinette1517. Thank you so much for supporting my story.
Araw ng Sabado ngayon kaya naman nakahiga pa rin si Beatriz sa kanyang maliit na kama. Minsan lang 'to usually kasi lagi siyang kinakatok ng kanyang nanay pagsapit pa lamang ng alas singko para tumulong sa pagtabas ng tela o di kaya sa pagbuburda. Tila walang gawa si Aling Martha. Walang gawa ang kanyang nanay kaya naman medyo mahaba-haba ang kanyang tulog.
"Hoy Beatriz! Kanina ka pa diyan nakahiga. Kanina ka pa nakatitig diyan sa papel na yan. Parang nakakapanibago huh? Nag-aaral ka na ngayon. Baka naman sumobra na ang talino mo niyan. Hala, bitawan mo na yan kung ano man yan at bumangon ka na. Tanghali na! Magsaing ka na rin doon. May pulang itlog sa ibabaw ng ref. Pumitas ka na rin ng kamatis sa likod.", ang utos ni Aling Martha kay Beatriz na ikinagulat niya. Akala naman niya hahayaan lang siya ng kanyang nanay na nakahiga maghapon. Hindi pala.
Itlog na naman? Walang sawa sa itlog? Nilagang itlog sa umaga, pulang itlog sa tanghali at scrambled egg sa hapunan. Itlog ng pugo sa meryenda. Wala naman kaming poultry pero... Hay! Kaloka talaga 'tong buhay ko oh! Hindi na kasi nagpakita si tatay. Kung nasa'n man siya ngayon, siguro masarap ang kinakain niya. Itlog siguro ng ostrich o di kaya dinosaur!
"O pagkatapos natin dito, hayun yung mga natapos ko kagabi, burdahan mo. Nasa ibabaw ng makina yung sample.", ang utos na naman ni Aling Martha habang nginunguya ang pagkain nito.
Nabulunan si Aling Martha. Napaubo. Mapapansing hindi na siya tumigil sa pag-ubo. Inabutan siya ng tubig ni Beatriz. Pagkatapos inumin ang baso ng kanyang nanay ay patuloy pa rin ang pag-ubo. Tumayo na ito nang hindi nauubos ang pagkain.
"Nay! Napapadalas po yata ang pag-ubo ninyo. Nagpatingin na ba kayo sa doktor?", ang pag-aalalang tanong ni Beatriz sa kanyang nanay.
"Naku naman Beatriz! Wala ka na ngang pangkain, magpapadoktor ka pa."
"Nay naman. Libre naman sa center. Tara samahan ko kayo."
"Tapos ano? Reresetahan ako ng gamot? May pambili ka ba?"
"Nay! Tingnan niyo nga, hindi na tumigil yang pag-ubo niyo."
"Pabayaan mo na'ko!", ang malakas na sigaw ni Aling Martha sa anak.
Tumigil na lamang siya sa pagsagot para hindi na lumaki ang gulo. Hindi pa rin nagbabago ang nanay niya. Matigas pa rin ang ulo. Hindi rin nagpapatalo. Kapag sinabi niyang hindi ay hindi talaga. Iniligpit na niya ang kanilang pinagkainan. Hinugasan ang mga plato at nagligpit ng konti sa bahay. Matapos magligpit ay dumeretso na sa kanilang maliit na shop para magburda.
"Waaaahhhhh! Nanay ang dami naman nito! Ako lahat gagawa nito?"
"Madami talaga. Isandaang piraso yan. Tutulungan kita mamaya. Magpapahinga lang ako ng konti."
"Hindi ok lang Nay! Ako na bahala dito. Pahinga lang kayo!"
Malipas ang isang oras ay sampu pa lamang ang nagagawa niya.
"Tama! Maitext nga 'yung baklang 'yun para mapakinabangan naman."
BFF BEATRIZ: BFF, may ginagawa ka ba?
BFF PAULA: Meron bakit?
BFF BEATRIZ: Ay gano'n? Anong ginagawa mo? Importante ba yan?
BFF PAULA: Oo eh. Ano ba yun?
BFF BEATRIZ: Ah sige di bale na lang? Andito kasi si Webster.
BFF PAULA: Talaga? O sige muk-up lang ako. Punta na'ko diyan.
BFF BEATRIZ: :-)
"Alam ko na kiliti mo BFF.", ang nakangiting wika ni Beatriz kay Paula.
"BFF naman eh! Inilabas ko from baul ang mga muk-up kong pang Ms. Universe tapos wala naman pala si Webster! Nakakainis ka na talaga Beatriz! Tapos ang lakas mo pa makatawa diyan!"
"Hahahahahaha. Si Webster lang pala katapat mo eh."
"Naman! Ang gwapo kaya nun! Bagay kami!"
"Weh? Saang banda? E parang bampira sa puti!"
"Alam mo kung hindi mo siya type ibigay mo na lang siya sa'kin. Sige na BFF!"
"Sayong sa'yo na siya! Ang yabang kaya nun!"
"Ah basta siya pa rin ang dream boy ko!"
"In your dreams. Tigilan mo na 'yang pagpapantasya mo diyan. Tulungan mo'ko dito magburda."
"So pinapunta mo'ko dito para magburda lang?"
"Anong lang? Pera 'to noh! Sige na BFF please. Tulungan mo na'ko. May sakit kasi si nanay. Saglit lang naman 'to."
"Ah talaga may sakit si Aling Martha? Kamusta na siya?"
"Hindi mo naririnig ang ubo niya? Hayan pakinggan mo. Ayaw naman magpadoktor. Ang tigas ng ulo."
"Naririnig ko ang usapan ninyo mga bata! Parehas lang tayong matigas ang ulo!", ang singit ni Aling Martha na ikinagulat ni Paula.
Sinenyasan ng kaibigan si Beatriz na tumahimik na at ituloy na ang pagbuburda. Alas singko na ng matapos ang magkaibigan. Hindi nila akalain na matatapos nilang dalawa ang isandaang piraso. Kaya naman nagyaya na si Paula na maglakad-lakad muna sa parke. Nang makapagrelax sila ng kaunti ay nagpaalam na sila sa isa't isa.
"Hoy BFF! Salamat talaga huh? Hindi ko alam ang gagawin ko 'pag wala ka!"
"Feeling mo naman libre? 'Wag mong kalimutan ireto si Webster sa'kin."
"'Kaw talaga bakla ka! Siya uwi ka na! Thank you ulit BFF!"
"Ikaw pa! Malakas ka sa'kin! Bye! Mwaah!
Nakarating na si Beatriz sa kanilang bahay. Pumasok kaagad siya sa kanyang kwato para magpahinga. Napansin niyang may malaking paper bag sa ibabaw ng kanyang kama. Mukhang mamahalin ang laman nito dahil napakaganda ng paper bag. Kaagad niyang hinanap ang kanyang nanay para magpasalamat kahit hindi pa niya nakikita ang laman nito.
"Nay! Salamat!", ang tuwang-tuwang sambit nito habang nakayakap siya kay Aling Martha.
"Hindi yan galing sa'kin. Ano naman ang ipambibili ko niyan?"
Nagtaka si Beatriz. Kung hindi galing sa nanay niya? E galing kanino? Kaagad niyang tiningnan ang loob nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang laman ng kahon. Isang napakagandang running shoes.
"Aba'y buhay pa pala yang tatay mo!"
"Kay tatay galing 'to?"
Pumasok siyang muli sa kanyang kwarto. Muling tiningnan ang kahon at nakita niyang may isang sobreng nakalakip dito. Binuksan niya ito. Hindi niya pinansin ang laman nitong pera. Kaagad niyang binuklat ang binasa ang sulat ng Ama.
Beatriz,
Nagustuhan mo ba? Alam ko kung gaano ka kasaya ngayon dahil sa sapatos na yan. Kung alam mo lang din kung gaano ko nais makita kang suot yan. Dalaga ka na anak at napakaganda gaya ng iyong nanay. Patawarin mo ako anak at hindi kita nasusubaybayan sa iyong paglaki. Alam kong maiintindihan mo rin pagdating ng panahon kung bakit kailangan kong lumayo. Pero ako'y patuloy na nananalangin sa Diyos na makapiling ko kayong muli. Hindi man tayo buo bilang pamilya sa ngayon, sana'y hindi ito makaapekto sa iyong buhay. Nais kong ikaw ay palaging masaya. 'Wag iiyak! Matanda na ang nanay mo. Ikaw ang magpalakas sa kanyang loob. Alagaan mo muna siya habang wala ako. Konting tiis pa Anak. Babalik din si Tatay.
Mahal na mahal Kita.
Tatay
Tumulo ang luha ni Beatriz habang niyayakap ang bagong sapatos niya. Umaasang ang lahat ng pangako ng kanyang ama sa sulat na ito ay maging susi para pagbuklurin ang kanilang pamilya.

BINABASA MO ANG
OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?
Teen FictionMahirap para kay Ben ang pagiging overweight. Tampulan siya ng tukso sa kanilang campus. Ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala siyang girlfriend. Walang nagkakamaling pumatol sa kanya. Makikilala na kaya niya ang magiging first girl...