IKAWALONG KABANATA : SALAMISIM (TAGPO 91)

19 2 0
                                    



"MAGHINTAY KA LAMANG...AKO'Y DARATING"

Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang Azul

IKAWALONG KABANATA

SALAMISIM

Ikasiyam-na-po't Isang Tagpo

Masisiglang nagsidating sa 'renovated old house' ang mga nagsipag-jogging sa Padre Pio sa pangunguna ng mag-asawang Ernie at Ine kabilang na si Dr. Montelibano na abot ang ngiti sa mga dinatnan. Naroon na si Louie na naka-sur fit at naka-t-shirt ng puti at naka-black chaleko na napasabihan din. Abalang-abala sa pagbi-video sa bawat dumating.

Nakagayak na ang "Inang Ko Po Catering Services" na kausap ni Ine ang manager nitong si Bennie na kaagad na masayang sinalubong siya at nakipagbeso-beso sa kanya.

"Nakagayak na ang agahan natin Madam..." ang masayang bati ni Bennie kay Ine.Tuwang-tuwa namang pinagyayakap ni Ernie ang mga ka-tropa niyang bikolanong trabahador sa balotan na matagal na panahon rin niyang nakasama sa pagtulog at pamimili ng itlog ng itik sa Pampanga at iba't ibang lugar sa bansa.

"Ernie...iba ka talaga...di ka pa rin nagbabago kahit sobrang yaman mo na hahaha," ang bati ni Baldo na isa sa mga naging sanggang dikit na tropa ni Ernie.

"Di naman hahaha...di ka pa rin nagbabago Baldo...kailan ka ba manganganak hahaha lalo 'atang lumaki pa ang tiyan mo..." biro ni Ernie.

"Miss ka na namin Ernie...kailan ba tayo mag-iinuman ng tropa hehehe" ang kantiyaw naman ni Berting Kulugo.

"Kayo? hahaha anytime..." ang masayang tugon ni Ernie, "basta ba...huwag ninyong pababayaan ang balotan natin...suportahan ninyo sina Ate Liling at Mang Damian sa pangangasiwa sa ating balotan...kami ng magkakapatid ang mamumuhunan...".

"Oo ba? Ikaw pa!" ang sahog naman ni Pong Poknat.

Lalapitan naman ni Mang Damian at pagkakamayan isa-isa ang mga bikolanong trabahador na bumugbog sa kanya noong panahong magwala siya habang lasing na lasing at sugurin ng itak si Liling.

"Pagtulong-tulungan natin mga kapatid ang pagbuhay muli sa balotan...kung may kinikimkim pa kayong galit sa mga ginawa kong kagaguhan noon...sana mapatawad na ninyo ko..." ang buong pagpapakumbabang nasambit ni Mang Damian.

Mapapansin agad ni Ernie ang pagdating nina Althea at Jershey. Lalapitan ni Ernie agad ang mag-ina. Lalapit na rin si Ine. Kukuhanin ni Ernie kay Althea si Jershey. Buong pananabik na hihilig sa balikat ni Ernie. Magbebeso-beso naman sina Ine at Althea.

"I miss you so much Ninong!" ang sabi ni Jershey.

"Miss na miss na rin kita anak..." ang wala sa loob na nasambit ni Ernie.

"What do you say?" ang nagtatakang pag-uusisa ni Jershey.

Babaguhin ni Ernie ang usapan.

"Where is your Papa Adonis?" sinadyang tinanong ni Ernie para ibaling sa ibang bagay ang isip ni Jershey.

"Mama Althea and Papa Adonis have LQ today?" ang pagsusumbong ni Jershey sa amang nakilalang ninong.

"What is LQ?" usisa ni Ernie.

"Love Quarrel..."paliwanag ni Jershey.

Matitigil ang pag-uusap ng mag-ama nang maaagaw ang pansin ng lahat sa pagdating ni Padre Tinio. Unang lalapitan ng pari ang kakambal na si Dr. Montelibano habang kinukunan sila ng bidyo ni Louie. Buong kasabikang magyayakap ang magkapatid.

"Kailan ka pa dumating? Di ka man lang nagpasabing darating ka..."ang manghang-manghang nawika na lamang ni Padre Tinio.

"Alam kong masyadong busy ka hahaha Kuya Tinio...aksidenteng nagkakilala kami ni Ernie sa Padre Pio...inanyayahan ako rito...sabi niya darating ka rito kaya sumama na ko para magkita tayo..."ang masayang pagkukuwento ni Dr. Montelibano sa kanyang kakambal na si Padre Tinio.

Ilang saglit pa, magdaraos ng maikling misa si Padre Tinio bilang pasasalamat sa Diyos at para sa ikapagtatagumpay ng negosyong sisimulan ng Pamilya Santos. 

Habang ginaganap ang misa, abot naman ang linga ng paningin ni Liling sa kabuuan ng 'renovated old house', pilit na pinipigil ang tinitimping damdamin. Maya-maya pa'y di na niya napigilang maluha sa mga alaala ng kahapon na muling nananariwa sa kanyang isipan. Aabutan ni Efren ng panyo ang ina na aabutin naman para pahirin ang kanyang mga luha. Palihim na mapapaluha si Beet na nahawa na rin sa ina.

Nagbubulungan naman sa isang sulok sina Atong at Luisa na parang mga tin-edyer na walang pakialam sa kanilang paligid kundi ang sayang dulot ng kanilang pagkikita.

Di naman mapakali si Ernie sa sumbong sa kanya ni Jershey na nag-away si Dr. Adonis at Althea. Wala siyang pagkakataon para usisain ang ina ng kanyang anak na si Jershey.

Pagkatapos ng misa, masaya nang nagsisikain ang lahat. Naging usap-usapan ang magandang 'homily' na ibinahagi ni Padre Tinio sa misa tungkol sa "Be Kind with the Purest Intention of the Heart na may kinalaman sa mabuting pakikipagkapwa, pagpapamilya at pagnenegosyo.

All reactions:3Maria Digna Ramos, Carol Palomo Legaspi and 1 other2LikeCommentShare

"MAGHINTAY KA LAMANG..AKO'Y DARATING"Kathambuhay na Nobela ni Zampagitang AzulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon