Maki's P.O.V
"You're now, Karma Silvestre. All the documents are now legalize, Iha. Nothing to worry about."
Mataman lang akong nakikinig kay Don Frederick at pilit ina-absorb ang kaniyang sinabi. Mabilis ko ring binabasa at iniisa-isa ang pahina ng mga dokumentong ibinigay niya sa akin.
"Eh?" tanging nasambit ko. Ikinakunot naman ng noo ko nang humalakhak ito, tila aliw-na-aliw sa reaksyon ko.
Nandito kami sa Opisina ni Don Frederick Cadieux. Yes! Sa lolo ni Maldits.
Si Maldits? Ewan ko, 'di ko alam kung sa'ng lupalop siya naroroon.
Basta lang naman kasi ako pinatawag ng Lolo niya na malakas ang trip, bigyan ba naman ako ng apelyido.
"You heard me right, Iha. Hindi pwedeng wala kang apelyido...
Todo explain pa rin siya, samantalang ako'y mataman lang na nakikinig, habang binabasa pa rin ang mga hawak kong dokumento.
I also complete all your legal documents. Another one, ikaw ang isasama ko sa lahat ng mga meetings ko as part of your training. You'll be my protegee and my company will be your training grounds," paliwanag pa nito at pagkuwa'y sinimsim ang kape.
"If you have questions, you can ask Aries."
Lalong nangunot ang noo ko, "Pero... I think it's too early? Besides, I'm not really part of your family, Sir. I think I can't accept such big offer. Baka po tayo naman ang ma-k'westyon niyan."
Tumikhim muna ito, pinagsiklop ang dalawang kamay at ipinatong ang baba. Napalunok naman ako nang biglang naging seryoso ang atmosphere ng opisina.
"You see, Iha. I'm not getting any younger. Konti lamang ang pinagkakatiwalaan ko at isa ka na ro'n. My family built business empires, even though we're a big clan hindi pa rin sasapat ang mga miyembro nito," paliwanag niya habang ang mata'y direktang nakatingin sa mga mata ko.
"Pero... bakit po ako?" sa daming katanungan na umikot sa isip ko ay 'yan lang ang nasabi ko.
Ngumiti ang Don bago inilapag ang tasang mukhang wala ng laman, "bakit hindi?"
Napaawang na lang ang labi ko sa naging tugon niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa loob lamang ng walong buwan ay parang ang laki na ng tiwala niya sa'kin.
"Hindi po ba tayo makukukwestyon ng pamilya niyo kung sakali?"
Unang pumasok sa aking isipan ay si Maldits. Kahit isang semestre ang lumipas ay hindi pa rin kami magka-sundo. At sa tingin ko lalong mas lalong matindi ang galit niya sa'kin dahil lumabas na naman ang resulta ng Examination.
BINABASA MO ANG
MHC-007: KARMA
Dla nastolatkówWhatever you do, there are always a consequnces, and that is what you called KARMA. They say, "Life is full of aesthetics, it is just a matter of appreciation, and contentment." But, the series of nothingness puts me in the abyss of darkness. Tatan...