Chapter 34
Ilang oras kami nasa himpapawid at nagstopover kami sa Hongkong na nagtagal kami ng tatlong oras sa loob ng airport. Habang naghihintay naka upo lang kami sa isang upuan. Tska pinabalik kami ulit sa loob ng eroplano. Nakakabagot sa loob ng eroplano, ginawa ko natulog lang ako ng natulog. Hindi ko alam Ilang oras akong nakatulog paggising ko may nakita akong nagbibigay sila ng pagkain sa bawat pasahero. isang Italian bread loaf, chicken cordon bleu at caesar salad optional coffee, tea or wines..sa akin pinili ko ang tea at huminge na lang ako ng water. Pagkatapos kong kumain nakinig ako ng music sa maliit na TV sa harapan ng upuan ko to kill the boredom maraming choices na kanta any languages at movie in different languages and countries din.
Pinili ko ang kanta ni Celine Dion.
Nakakabagot talaga sa eroplano. Masakit na rin ang puwitan ko sa kakaupo. Wala ka ring makita na kahit ano. Nahirapan rin ako sa pabalik ko sa cr at maya't maya akong naiihi na di naman ako dating ganito.
12 pm time in Italy ng dumating kami. Napakalaking airport ang sumalubong sa aking mga mata, ang lapad ng runway na kayang ipasok ang buong NAIA sa laki at lapad nito. Pumasok kami sa elevator at dinala kami sa 2nd floor ng loob ng airport paglabas namin ni Rain hinanap namin ang conveyor kung saan kukunin namin ang aming luggage. Naghintay kami ng ilang minuto bago ito nag-operate at isa isang naglabasan ang mga baggage sa umiikot na conveyor. Pagkakuha namin ni Rain ay pumunta na kami sa arival. area. Hindi naman kami makatawag dahil ang number ng Pilipinas ay di na gumagana pagdating sa Florence Italy.
Ilang saglit nakita na ni Rain ang Tita niya. Napa payat niya pero bagay naman, ganito ba talaga ang mga ramp model. Pinakalala ako ni Rain tita niya.
"Ikaw pala ang sinasabi nitong si Rain na kaibigan niya ", sabi nito
"Dito sa Italia kung gusto mo tumagal kelangan mo makisama lalo na sa mga matandang babaeng Italiana.", tumango tango naman kami habang naglalakad kami sa kahabaan ng eskinita papunta sa isang restaurant na malapit lang sa airport, napansi ko sa kanya ang bilis niya kumilos ang bilis niya ring maglakad.
Pumasok kami sa isang restaurant na nakalagay sa itaas ang pangalan "Firenze Baccanale." Pagkapasok namin sinalubong kami ng isang guwapo na Italiano na waiter.
"Buon pomeriggio, signorina " salitang Italian na ibig sabihin ay good afternoon ladies
"Signore, Per favore portaci al tavolo per tre persone", In tagalog ( Kuya pakidala po kami sa lamesa na pantatluhan, paki-usap)
At dinala nga kami sa lamesang pang three person at binigyan kami ng menu
"il menù" sabi nito at inabot na
ang menu book
Ang hirap ng salita nila , wala kaming nauunawaan tanging ang Tita lang ang nakipag-usap. Pero pansin ko sa waiter tingin ng tingin sa akin kaya nagkunwari akong binabasa ang menu na kahit anong tingin ko diko ma-intindihan. Nakakaloka lang talaga. "Anong gusto niyong kakainin?", tanong sa amin ng tita ni Rain. Nagkatinginan kami ni Rain bago sabi ko Pizza total sikat naman ang Italy sa pizza at nag order din pasta carbonara.
"Shit! ang gwapo nang waiter besh, panay pa tingin sa iyo",
"Huwag kayong pahalata! ", saway ng Tita niya
"Marami pang mas guwapo kesa doon ", paliwanag nito
"Besh hindi naman 'yan ang ipinunta ko dito, tska ang mga gwapo na iyan ay mga manloloko ", sabi ko
" Ano ka ba Besh sa Pilipinas lang ang guwapo na manloloko, no?! pagtatangol nito
"Pareho lang sila", sagot ko naman
"Ayy ampalaya!", sabi ulit
"Di no, I am stating the fact ", diin ko
Tumigil na lang kami sa amin small argument ng dumating na ang aming order
2 plated pizzas at 2 different kind of pasta nakita ko carbonara ang isa .Nilalagay nila ay hindi Eden cheese o kaya ay quickmelt cheese kundi ang parmesan cheese .
"Besh may papel na may nakasulat na pangalan at number", sabi ni Rain Niccolo 06455523745 (taglio de capelli corto)... Tita anong ibig sabihin ng nakasulat jan?",
"Taglio de capelli corto is short hair or short haircut ", paliwanag nito
"Besh ibig sabihin para sa iyo ito, ikaw lang ang may short hair sa ating tatlo.
"Nako besh , hindi ako interested sa kanya.", paglingon ko sa unahan kinawayan pa ako ng loko.
"Ang ganda ng name niya, sa pangalan pa lang yummy na..Niccolo amore mio", Kinilig na sabi nito
"Besh sa iyo na ", at tinabi nga ang papel
BINABASA MO ANG
Ang Pakikipagsapalaran at Buhay Pag-ibig
RomanceSiya si Jamillah Elisa pero tinatawag siya sa kanyang palayaw na Elisa . Isang babae na palaban , may paninindigan, madiskarte, may puso sa karapat dapst at matapang sa lahat ng hamon ng buhay. Lumaki siya sa pagmamalupit ng kanyan Mama bata pa la...