Chapter 49
Kinabukasan maaga nga siyang nagising at hindi na sila umakyat sa itaas ng bahay ng kanyang Mama, nanatili na lang sila sa basement kung saan kompleto naman sa gamit. Nag-ayos siya ng kanyang sarili sa banyo at nagsuot lang siya ng simpleng tee shirt na floral printed bodyfit at isang walking short na kulay blue.Suot niya ang kanyang black leather boots. Paglabas niya gising na rin ang mga anak niya kaya, nilabas niya ang mga damit nito tee shirts na lang sila pareho. Sa anak niyang lalaki ay white plain shirt at walking short na kulay black sa anak niyang babae ay pink shirt white walking short. Si Mama Tess naman ay naka jeans at polo shirt na de tali sa baywang. Pagkatapos lumabas na sila ng kuwarto nadatnan nila nasa salas na ang lahat nagkakape kaya lumapit siya sa mga ito.
"Good morning everyone," tawag pansin niya dito
"Good morning Ric", bati niya kay Signore "Good morning, too Jam ", sagot ng Signore na tangan tangan ang papaer cup sa kamay na may lamang kape
at nginitian niya naman ang babaeng kasama
"Hi, good morning ", bati niya din dito at lumapit pa siya dito
"Hi ,ako nga pala si Elisa", at en-extend niya ang kanyang kamay dito
"Gessille, nice to meet, Elisa!", magiliw na sabi nito at nakipag kamay ito sa kanya
"Kumusta ang tulog niyo?", tumingin naman ito kay Signore na namumula ang mukha kaya gets niya na. Sa klase ba naman ng Signore, kahit noong sinusuyo pa siya ni Signore, clingy na nga to sa kanya ahh basta
"Besh, gising na ba si Allen?", tanong niya kay Rain
"Oo Besh, nasa banyo lang ", sagot nito sa kanya na humigop ng kape
"Ang lamig pala dito besh, parang Baguio lang ..", saad dito na nakahalukipkip ang mga sa dibdib nito,
"Malamig talaga dito ,Besh dahil nasa mataas na bahagi ito e", sagot niya na naglalakad papuntang kusina at nagtimpla ng kape nila ng Mama Tess niya.
"Besh , itanong mo kay Allen kung okay lang sa kanya na siya magdrive papuntang City", sabi niya kay Rain na pabalik na sa salas at bitbit ang dalawang cup ng kape para sa kanila ng Mama Tess niya.
"Okay Besh", sagot nito na tapos na sa pagkakape at papasok na sa kwarto na tinutuluyan nito
"Salamat Besh!",pahabol niyang pasalamat nag thumbs up naman ito sa kanya nang okay. Ibinigay niya kay Mama Tess ang kape nito na kalalabas lang ng kwarto. Maaga pa naman 5am pa lang. Kaya may time pa para makapag ready. Nakita niya si Gessille at si Signore nag-uusap habang nagkakape at ang sweet nito sa isa't isa. pero ang ikinagulat
niya na sa paglingon niya sa may hagdanan nakita niya ang Mama na pababa sa kinaroroonan nila na may dala pang supot at tingin niya rito ay pandesal.
Kahit sila ni Signore ay napalingon na rin sa dereksyon nito
"Buenas diaz ,Mama.", bati ko sa kanya at sinalubong ko ito at nagmano.
"Buenos días y también en buenos dias también ustedes dos", Ganting bati rin sa akin ng Mama na mukhang maganda ang gising.
"Buenas dias y Signora ", ganting bati ng Signore nakakaunawa pala ng Español.Ang aking lola na Mama ng aking Mama, Español ang salita kaya natoto rin kami ng salita nila pati sa pagdadasal Español din ang dasal ng lola sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.
"Buenos días para ti también", sagot nito kay Signore, na nakalapit sa salas at inilapag ang supot na pandesal nga ang laman.
Umakyat na ito pabalik sa hagdanan pero bago tumuloy sa pag-akyat sinulyapan muna ang mga anak ko nakaupo sa sofa na uminom ng kanilang hot choco.
Yan ang ugali ng Mama niya, hindi 'yan marunong umiyak pero noong pinapapak ang kanyang paa ng mga pulang langgam,grabi kung makaiyak.
Nakakatawa pero totoo.Nag-asawa ang kanyang Mama sa edad labing anim na taong gulang, samantalang ang kanyang Papa naman ay labing apat na taong gulang. Kaya pala may pinagmanahan naman pala kami.
Ang kwento ng aking kung bakit naging asawa ang Papa kahit hindi niya naman ito gusto at hindi niya ito naging kasintahan dahil ang Papa ay pinaka playboy sa kanilang lugar noong kapanahunan nila.
Pinakilala ito ng kanyang bestfriend na si Soledad, at iyon nga niligawan ng Papa niya ang kanyang Mama, pero bago niligawan ng Papa niya ang Mama niya una muna nitong sinuyo ang kanyang abuela upang madali na lang sa kanyang makalapit sa Mama.
BINABASA MO ANG
Ang Pakikipagsapalaran at Buhay Pag-ibig
RomansaSiya si Jamillah Elisa pero tinatawag siya sa kanyang palayaw na Elisa . Isang babae na palaban , may paninindigan, madiskarte, may puso sa karapat dapst at matapang sa lahat ng hamon ng buhay. Lumaki siya sa pagmamalupit ng kanyan Mama bata pa la...