Chapter 54
Matthew Behind Story
"Mama naman kung nangyari man na pineperahan ako ni Elisa, karapatan niya na iyon bilang asawa ko pero for God's sake wala po na ganung nangyari Kahit piso walang kinuha sa akin ang asawa ko.
At hindi rin po totoong bininta niya ang kanyang sarili sa mga naging boyfriend niya, mom! nakuha ko ho siyang birhin pa", napahilamos niya ang mga palad sa mukha dala ng prostration sa sinasabi ng mommy niya."Patawarin mo 'ko anak.. hindi ko naman alam kung bakit kayo nagkakahiwalay ni Melanie, 'yon pala huhuhuhu.. Patawad anak ko huhuhuhu", iyak nito
"Napakalaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya,", sabi pa nito sa sarili pero sapat na narinig ko
"A-anong sabi niyo,Mom?.. si-sinaktan mo si Elisa!?" hindi ako makapaniwala na tanong ko rito
"Patawarin mo'ko anak, dala ng galit ko dahil nangangatwiran sa akin ng kasinungalingan", pahayag nito"Hindi po sinungaling si Elisa ,Mom.. Kung mayroong nagsisinungaling dito si Melanie 'yon.", sobrang nanlumo kong sabi
"Alam ko na ngayon, anak.. sobrang pinagsisihan ko na ang ginawa ko sa kanya huhuhuhu sana okay lang siya ngayon, dala ng galit ko pinandiliman na ako nang galit at napokpok ko ng sapatos ang kanyang ulo at ngkasugat siya dahil nakita ko may dugo... pero anak maniwala hindi ko sinasadyang gawin 'yon sa kanya", sa pagkarinig ko sa sinasabi ng mommy parang tumigil ang mundo ko ,ginawa talaga ng mommy na saktan ang asawa niya
"Asan ngayon asawa ko.. Mom!", mahina kong sabi na may diin dahil sa naramdaman kong galit sa ginawa niya sa asawa ko. Alam ko hindi magagawa ni Elisa na manakit. Dahan dahan akong lumingon sa mommy na umiiyak ng umiiyak na nakasubsob sa mga palad nito
"Asan ang asawa ko!", nagulat naman ito sa sigaw ko at tumingin sa akin na lugmok sa luha ang mga mata nito, pero wala na siyang pakialam sa mga oras na ito kung anong naramdaman niya ang importante sa akin ang asawa ko kung nasaan na ito."Hi-hindi ko alam sa ngayon, anak.. Hinabol siya ng mga bodyguard pero hindi daw nila ito nakita huhuhuhu", iyak nitong nagsasalita
"You're so unbelievable, Mom!.. hindi ko akalain na magagawa mo ang lahat nang iyon sa inosenteng tao at sa asawa ko pa?!", saad ko dito na hinawakan naman nito ang braso ko
"Wag kang mag-alala anak tutulong akong hanapin ang asawa mo..Patawad anak, ko!",
"Hi-hindi ko alam Mom kung paano kita pakitunguhan ngayon sa ginagawa mo sa asawa ko.". saad ko rito na hindi ko ito tinitignan, ang saklap ng ginawa niya sa asawa ko.
"Handa kong tanggapin ang galit ng asawa mo ,anak..dahil ang laki ng kasalanan ko sa kanya.", napatingin ako rito"Sana mahanap ko ang asawa ko Mommy, kung hindi iwan ko kung anong magagawa ko, wag ka ring mag-expect na mapatawad kita.. dahil hindi madaling tanggapin ang ginawa mo kay Elisa.", nakita niyang umiiyak na naman ito
"Nerespito pa rin kita bilang ina ko at utang ko sa iyo ang buhay ko pero masakit Mom e, ini -imagine ko ang ginawa mo kay Elisa na pananakit, ako ang nasasaktan Mom, ako ang nasasaktan!", naisip niya rin si Melanie na ang sarap saktan kung naging lalaki lang ito kanina pa niya ito sinugod at bugbog sarado na ito sa kanya.Tumayo siya at pumunta sa may malapit sa bintana at dinukot ang kanyang cellphone sa bulsa niya at sinubukan na tawagan ang asawa pero out of coverage ito.
Hindi siya puwede na nakutanganga lang siya dito sa hospital na walang ginagawa.
Kelangan niyang mahanap ang asawa niya. Kaya walang paalam siyang lumabas ng kuwarto ng ina. Narinig niya pa itong tinawag siya pero binalewala niya lang .Tuloy lang siya sa elevator.
Makarating siya sa ground floor lumabas siya kaagad at nakasalubong ang nakakatandang kapatid pero hindi niya ito pinansin, tuloy lang siya sa kanyang paglalakad papunta sa kanyang kotse alam niyang naguguluhan ito sa inaakto niya.
BINABASA MO ANG
Ang Pakikipagsapalaran at Buhay Pag-ibig
Roman d'amourSiya si Jamillah Elisa pero tinatawag siya sa kanyang palayaw na Elisa . Isang babae na palaban , may paninindigan, madiskarte, may puso sa karapat dapst at matapang sa lahat ng hamon ng buhay. Lumaki siya sa pagmamalupit ng kanyan Mama bata pa la...