AY! TANGA! (one shot)

195 15 2
                                    

Ang lahat ng mga pangalan, pangyayari, lugar o kung ano pa man na nabanggit sa istoryang ito na may katulad sa totoong buhay ay di ko po sinasadya at pawang nagkataon lamang. Kung may kahalintulad man ang kwentong ito sa iba, di ko po sinasadyang mangyari yon. Isang hamak na writer lamang din po ako na gusto lang maglabas ng saloobin, opinion at kawalang hiyaan na nagmula sa baliw kong pag-iisip.

Paki-enjoy na lang po ng kwento ko. Vote, comment, recommend or follow me and my stories kung baliw din kayo gaya ko. Haha! Nandamay pa? Echos lang.

AY! TANGA!
All rights reserved 06/21/15.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

"Jillian! Bilis! Anjan na sya!" Pabulong na sigaw sakin ni Oscar.

"Oo na! Alam ko! Naghahanda na nga e!" Bulong na sigaw ko pabalik sa kanya.

Ako nga pala si Jillian Nervaez. Isang high school student. At ang best friend ko naman ay si Oscar dela Joya. Jekis lang! Haha! Sya si Oscar Batumbakal. Gara ng apelyido no? Ang macho! Pero bading sya. Haha! Kaya ko sya best friend.

"Bilisan mo! Ano pa bang ginagawa mo jang babaita ka?!"

"Ito na nga po, o? Atat lang? Ikaw kaya dito?" Pamimilosopo ko.

Tina-timing-an kasi namin yung crush kong si Gypsy Ford. Syempre para mapansin nya ako! Haha! Katulong ko sa acting ko si Oscar, syempre.

"*cough* Kaya mo 'to, Jillian. Wag kang magpapadaig sa mga babaeng nakadikit sa kanya." Pagpapalakas ko ng loob ko.

Si Gypsy kasi ay hindi ganoon kasikat sa school namin pero aaminin kong maraming may kilala sa kanya. Patunay na jan ang mga babaeng nakapulupot sa kaliwa't kanan nyang braso.

Kung yung braso na lang kaya nya ang kunin nyo? Wala ba kayong mga braso para pag-interesan pa yung kay Gypsy?! Kalerki ang mga haliparot na 'to, 'te! Sarap ilublob sa dry ice para tigas sila!

Lumakad na ako sa daraanan nila suot ang 5' inches na heels. Syempre keri kong maglakad gamit 'to basta mapansin lang nya no!

Pagdaan ko sa harap nya mismo, nagkunwari akong natapilok para lapitan nya ako. Isa rin kasi sa mga dahilan kaya lapitin sya ng mga babae ay dahil gentleman sya kaya alam kong lalapitan nya ako.

AY! TANGA! (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon