Buong biyahe ay kumakain ako ng Japanese xiomai at umiinom ng macha. Wala naman ibang binili si Ryder kundi iyang pinabili ko sa kanya, siopao para kay manong, at tubig naman para sa kanya.
Wala ba siyang gustong kainin? Bakit 'di siya bumili ng para sa kanya? He has money, right?
"Really, you have no money then? Hindi mo na kami maiilibre?" tanong sa akin ni Shovie habang nagkukuwento ako sa kanila.
I told them everything, aside from earlier—Ryder bought me Japanese xiomai and macha—parang ayaw kong ipaalam sa mga kaibigan ko iyon. I wanted to keep it to myself, but I don't know why.
Kinuwento ko sa kanila ang nangyari sa loob ng dalawang buwan habang nasa puder ako ng grandparents ko at ikinuwento ko rin sa kanila na nakita ako ni daddy na nag-bar ako at may kasayaw na lalaki. I even told them that my dad cut all my cards.
"One hundred na lang ang baon mo kada-araw? Bakit ka naman tinitipid ng parents mo ngayon?" Miley asked. "Naghihirap na ba kayo ngayon?"
Umirap ako. "Like I told you, pinaparusahan niya ako dahil lang ginagamit ko raw sa mga walang kuwentang bagay ang cards ko. Kaya raw madaling nauubos ang pera ko dahil daw sa pagba-bar ko, kaya iyon ang ginawa niya."
Marami pa akong ikinuwento sa kanila. I recalled everything and told them every detail that happened. Hindi ko pa rin talaga kayang tanggapin na five hundred lang sa isang linggo ang aking baon. Sobrang baba niyon! Hindi ko alam kung may mabibili pa ako nito, eh! Everything is expensive now! Ayaw ko sa mga mumurahin dahil ang cheap!
Nilubos-lubos ko na ang oras na pakikipag-usap ko sa mga kaibigan ko. And in just a blink of an eye, I have no money anymore. Inubos na namin ng mga kaibigan ko na ipambili ng kung ano-ano ang five hundred ko. Pinagkasya lamang namin iyon dahil kulang na kulang talaga iyon. Ngayon lang kasi kami nagkita-kita ulit kaya nilubos-lubos ko na rin. Bahala na, wala na akong baon for the next few days. Hindi pa naman nagsisimula ang klase ay wala na akong pera.
Dumapit-hapon na nang naisipan na namin na mag-ayos na para umuwi. Wala pa talagang pasok sa ngayon dahil checking of sections pa lang at mayroon pang iba na naghahabol sa enrollment.
"Ikaw sana iyong valedictorian natin, 'no, kaso hindi ka pinayagan ng daddy mo na umakyat ng stage," malungkot na sabi ni Joshua.
"I wanted to do a speech for our moving up that time, kaso pinagkaitan nga ako ni daddy," I said.
"Minsan na nga lang iyan sa buhay natin na makapag-moving up ay pinagkait pa sa 'yo," si Coth. "Sobra na talaga ang parents mo, Yuna, hindi na talaga maganda iyan kasi kahit sa pag-aaral mo ay sila pa talaga ang pumili kung ano ang para sa 'yo."
"It's okay with me though. Kahit anong strand naman ay kakayanin ko. Ayos na sa akin iyong ABM kasi someday alam kong magagamit ko iyan kapag ipasa sa akin nina mommy ang kompaniya namin."
"Businesswoman 'yan?" Tumawa si Joshua.
Ngumisi ako. "Bagay ba? Well, lahat naman talaga ay bagay sa akin, eh?" I even flipped my hair as I said those.
"Is that president?"
Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ni Miley, and then I saw Ryder. He's with Jasharee, Astride, and Seth again. Iyang Jasharee na 'yan ay may kasalanan pa iyan sa akin. Hindi ko na kasi nakita iyan matapos iyong nangyari sa ospital, medyo malabo na rin sa isipan ko iyong nangyari, pero humanda talaga sa akin iyang babaeng 'yan.
Ryder is smiling while Jasharee is telling him something. Si Astride ay nakatitig kay Ryder. Ang huli kong tiningnan ay si Seth at natagpuan ko itong nakatitig sa akin. Now that we're now seniors, I am sure na madalas ko na silang makikita dahil iisang building lamang kami at pareho pa kaming academic strand, but they are under Humanities and Social Sciences while I am under Accountancy, Business, and Management.

YOU ARE READING
Chasing the Wild Waves (Student Series #1)
RomanceStarted: January 22, 2024 Ended: March 14, 2024 SS #1: Chasing the Wild Waves The differences between Gen Z, the Alpha Generation, and previous generations like the Lost Generation and Millennials are notable, mula sa pananamit hanggang sa pananaw...