𝗥𝗮𝘄 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 6

78 5 0
                                        

Taliana

"Magandang gabi po, warden." Bati sa lalaking nakaupo sa sofa.

Nakasuot ito ng itim na roba, kakaligo niya lang siguro base nalang sa basa nitong buhok.

May hawak siyang isang kupita ng wine sa kaniyang kanang kamay, habang ang kaliwa niya namang daliri ay nakahawak ng sigarilyo. Humithit ito ng tatlong beses tsaka niya ito ibinuga sa kawalan at tumingin sa'kin ng marahan na para bang pinag-aaralan ako.

Kakaiba ang tingin nito. Pinagmasdan niya ang mukha ko pababa sa tiyan at ang exposed kong hita dahil sa suot kong boxer, nakita kong umalon ang kanyang adam's apple.

Nailang ako sa mga titig niya kaya naman ibinaba ko ang tingin sa kanyang basang dibdib. Pumasok tuloy sa isipan ko ang nangyaring pagsubsob ko ng mukha sa dibdib niya kanina, nakaramdam tuloy ako ng hiya. Sana lang ay hindi iyon ang dahilan kung bakit niya ako pinapunta rito sa opisina niya.

Patulog na sana ako kanina nang bigla akong ipatawag ng isa sa mga tauhan ni warden na puntahan ko raw ito rito sa kanyang opisina. Akala ko ay pagsasabihan niya ako ng malala o hindi kaya naman ay paparusahan ako dahil sa mga nangyari kaninang umaga ngunit iba ang nadatnan kong nangyayari.

Nadatnan ko siyang may kinakandong na babae sa kanyang hita. Hindi ito si Viviene, ibang babae ito at mukhang may lahi base nalang sa mukha niyang hindi pangkaraniwan sa filipino.

"Who's this girl, Dos?" May bahid na accent ang pananalita nito. Humithit muna ng sigarilyo ang lalaki tsaka niya sinagot ang babae sa kanyang hita.

"She's no one." Matigas nitong saad.

Medyo nakaramdam ako ng sakit sa sagot nito sa babae, ngunit tunay namang wala lang ako. Isa lang akong kriminal.

"Then what is she doing here?" Tinaasan ako ng kilay ng babae tsaka mapanuyang pinagmasdan ako. "Is she your new pet?"

Agad naman akong tumalima at humindi agad.

"Ay hindi po, ma'am. Kriminal lang po ako rito. Pinapunta lang ako ni warden dito." Paliwanag ko sa takot na maging dahilan ng pag-aaway nila kapag nagkataon.

"Don't ask anymore and get out! I can't afford to have a trouble with the president is he knew I was fvcking his daughther in this filthy prison!"

Tumayo si warden, buhat-buhat ang babae tsaka niya ibinaba. "Get your things. Kunin mo lahat, including your shampoo." May bahid na irita sa boses ng warden tsaka ito pumasok sa bathroom, lumabas din ito agad hawak-hawak ang isang bote ng shampoo na noon ay ginamit ko. Kung gano'n ay sa babaeng ito pala ang may ari sa mga pambabaeng gamit rito.

"This is unbelievable, Dos. Ano ang gagamitin ko kapag bumalik ako rito?" Parang na-aasar na tanong ng magandang babae.

"Nothing, 'cause you're not allowed to come here anymore."

"Why are acting like this? You've change!" Sigaw na aniya. "Is is because you have found new pet to play with?!"

Bigla ay itunuro niya ako. "Ito ba? Itong badoy na babae'ng 'to?"

Umiling-iling naman ako, "Hindi po 'yan totoo, ma'am. "

Ito na nga ang sinasabi ko. Pinapunta niya ba ako rito upang maging dahilan ng away nila ng kasintahan niya? Hindi ko maintindihan.

"Ikaw ba 'yan, Dos?" Tumikhim ito at tsaka nanlalaki ang mga mata. "A-are you Cly?"

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa kaya naisipan kong lumabas muna para makaiwas sa gulo ngunit naramdaman ko nalang ang malakas na kamay na humapit sa likod ko palapit sa kanya, dumikit tuloy ang aking likod sa matigas niyang dibdib.

WARDEN'S PETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon