NEVE GWYNIt's saturday and I'm going to school later dahil Clarence and Kennie will be there also. Actually almost half the school will be there because today is the semi finals baseball competition between our school and LKU. Need namin suportahan ang school namin when it comes to this events dahil nakasalalay ang image ng school namin sa laro na 'to.
Kung sa ibang lugar, ang main sport nila ay basketball, then in this region, baseball ang labanan. Halos lahat din kasi ng mga universities dito ay may mga sobrang lalawak na fields kaya it all made sense din.Anyway, bago ako pumunta ng school ay dadaan muna ako saglit sa coffee shop ni Boss Math dahil as usual, ipapabantay ko ang alaga kong si Wiggles and kukuhain ko rin ang aking sweldo. It's already the end of the month so it's my pay day baby.
Wala akong pasok sa coffee shop ngayon dahil nagpa-rest day muna ako. Besides, balak na rin maghanap ni Boss Math ng mga bagong staff doon sa coffee shop since nagiging busy na siya lately with Milo and other stuff sa kaniyang life.
Tsaka isa pa, magdadagdag din siya ng mga bagong putahe sa menu. Halos puro pastries lang kasi ang pagkain namin sa shop, Boss Math likes to add something na nakakabusog din like mga pasta dishes and other food na babagay sa coffee and teas. We need an experienced cook to do all of those hays.
Nag-ayos na ako kasi tapos na naman na akong maligo kanina. Hapon na rin kasi and around five magsisimula ang game mamaya.
Kinuha ko na si Wiggles na mukhang excited na naman lumabas. Favorite na niya si Milo hahaha. Kahit ako rin nakyukyutan kay Milo eh. Napakabibong bata kasi and active siya sa class nila which is good kasi he is excited and eager to learn new things at a very young age.
Lumabas na kami ng apartment at nagsimula ng maglakad. It's kinda chilly right now, mabuti na lang at mahilig ako magsuot ng hoodie kaya hindi ako ganoon lalamigin.
Pagkarating namin sa coffee shop ay naabutan ko si Boss Math na nagpapaskil ng wanted signage sa labas ng glass wall ng shop.
"Hi boss!" kuha ko ng atensyon niya kaya napalingon naman siya sa akin.
"Uy Neve, ikaw pala. Iiwan mo na ba si Wiggles?" tanong niya kaya tumango naman ako sa kaniya.
"Opo eh, five po kasi umpisa ng game and balak ko po sanang agahan ng kaunti para may time pa po ako hanapin sila Kennie at Clarence." Saad ko pa kaya ngumiti naman siya sa akin bago siya tumango.
"Oh siya, akin na 'yang bulinggit na 'yan para makalarga ka na. Gusto mo ba magbaon ng kape para sa inyong tatlo?" Alok pa ni boss kaya syempre hindi na ako tumanggi.
Kinuha na niya si Wiggles sa akin at pumasok na sila ng shop. Sumunod naman ako sa kanila sa loob para kuhain ang drinks na ibibigay niya sa akin.
After a few minutes ay binigay na sa akin ni Boss Math ang isang supot na may lamang tatlong drinks. Kaagad ko namang tinanggap 'yon at nagpasalamat sa kaniya.
"Thanks boss! I'm gonna go na since need ko rin pumunta ng maaga aga doon para matulungan ko pa sila Clarence mag ready." Saad ko kaya tumango naman si boss sa akin at nag paalam.
Lumabas na ako ng café at nagsimulang maglakad since hindi naman sobrang layo ng school and ayaw kong dalhin ang bike ko kasi panigurado ay maiipit lang 'yon sa parking lot ng campus.
Sa dami ng estudyante na pupunta ngayon, eh halos lahat 'yon mga naka auto or motorcycles, magigitgit ang kawawang bike ko doon. Kaya best option is huwag na lang dalhin para safe ang aking cute na bike.
By the way, casual fit lang ang suot ko ngayon. A pair of sneakers for my footwear. Maong pants na wide legged for my bottom fit and a polo shirt with our school's logo on it. I'm a supporter so of course I'm going to use our logo.
YOU ARE READING
7 DEADLY SINS
RandomMeet Neve Gwyn, a girl with an uncanny resemblance to Snow White-her skin as pure as snow and lips as red as plums. But unlike the fairy tale, Neve's life takes a thrilling turn when she encounters not seven dwarfs, but the enigmatic and seductive f...