CHAPTER 19
JANERIKA'S POINT OF VIEW
Pinanood ko lang ang doktor na asikasuhin ang walang malay na katawan ni Onyx. Nakakrus ang mga braso ko habang nakasandal sa pinto ng kwarto at walang emosyong nakatitig sa kanila. Paulit ulit na sumasagi sa isip ko ang tanong na, bakit umabot sa puntong 'to ang pagmamakaawa sa'kin ni Onyx? I thought he wasn't that crazy enough to try taking his own life just so I wouldn't go away.
He is really out of his mind! I'm torn between feeling pity for him or be more frustrated because of his persecution of my conscience in this way. Para bang sinasadya n'yang usigin ang konsensya ko upang 'di ko s'ya iwanan o layuan, sa akala n'ya ba talaga ay madadaan n'ya ako sa mga kabaliwan n'yang 'to?! Mas lalo lang nadadagdagan ang poot na nararamdaman ko sa kan'ya.
I will not forgive him, I never will! Kahit pa anong mangyari, wala na sa sistema ng katawan ko ang magpatawad lalong lalo na sa taong 'to.
"Are you the patient's relative?"
Nabalik ako sa wisyo ng marinig ang boses ng doktor na nagaasikaso kay Onyx. His slang in his words indicates that his of a different foreign race.
"A-ah, yes. Y-you can say so" Nauutal kong sagot
After all I don't consider that jerk as my husband or even part of my family!
"I've tended to his wounds, and he's currently in stable condition. The uncertainty of when he'll regain consciousness is unknown, as the substantial blood loss could lead to irreversible consequences if not addressed promptly. Your timely call proved crucial in averting a potential tragedy. Well, I'll be off now call me if there's anything you need involving the patient's situation"
"Thank you doc."
Sinenyasan ko ang isa sa mga tauhan ni Onyx na samahan palabas ang doktor, nang makalayo na sila ay isinara ko ang pinto. Lumapit ako sa kamang kinahihigaan ni Onyx at tinitigan s'yang mabuti. Surprisingly, he looks harmful when asleep but cruel, demeanor and unpredictable when awake.
Mukha lang s'yang maamo at anghel pero sa totoo lang malayong malayo ang itsura ng pisikal na anyo n'ya sa panloob n'yang ugali.
Inilapit ko ang mukha sa kan'ya at pinapakiramdaman ang paghinga nito.
"Kasalanan mo ang nangyari sa'yo, kung ikinamatay mo man ang bagay na 'to wala iyong kinalaman sa akin. Bakit ba kasi hindi mo maintindihan na kahit ano pang gawin mo walang magbabago sa sagot ko? Hindi kita kayang mahalin, ni-hindi ko kayang makasama ka gaya ng gusto mo. I've reassessed everything. Ive reassessed my life Onyx. I wasted lots of years, months, days, hours, minutes of my life on you. The best years of my life! Hindi mo alam kung anong klaseng trauma at bangungot ang pinaranas mo sa'kin nun. Leaving you is to easy for me to do, I don't feel anything towards you"
Napahimas ako sa aking sintido at tulirong naglakad palabas ng kwarto. I must take advantage of this oppurtunity now that his unconcious. Kung anumang kakalabasan ng desisyon kong 'to ay hindi na mahalaga, wala namang masama kung susubukan ko. Kung gumana, ede mas maganda. Ibig sabihin, makakaalis ako sa lugar na 'to ng walang inaalala.
Kumuha ako ng kutsilyo sa kusina at lumapit sa isa sa mga lalaking nagbabantay sa main door ng Casa.
"Ikaw! May gusto akong ipagawa sa'yo" Pagtawag ko sa atensyon n'ya
Kyuryuso lang itong tumingin sa'kin kaya nagtaka ako. Huwag mong sabihin na hindi sila nakakaintindi ng tagalog rito?
"Oh I mean I have—"
"Naiintindihan ko po kayo" Seryoso n'yang sambit saka lumapit sa'kin at yumuko "Ano po ang kailangan n'yo?"
Huminga ako ng malalim bago nagsalita "Gusto kong tumawag ka ng private chopper para sa akin ngayon na mismo"
"Pasensya na po ma'am, pero hindi ko po maaaring gawin 'yan ng walang permiso ni Mr. Aestone. Mahigpit n'yang bilin sa amin na kung may gusto man kayong ipagawa o iutos sa amin, kailangan n'ya munang malaman at aprubahan bago kami sumunod sa inyo"
I expected this to happened anyway. Walang alinlangan kong itinutok sa leeg ko ang kutsilyong nakatago sa likuran ko, napaatras pa s'ya dahil doon pero nanatiling walang ekpresyon ang mukha ko.
"Gagawin mo ba o hindi? Sa tingin ko naman mas lalong magagalit ang Boss mo kapag may nangyaring masama sa'kin hindi ba? Magisip ka ng mabuti, oras na idiin ko ang patalim na 'to sa leeg ko at mawalan ako ng malay—lahat kayo mananagot sa pagpapabaya, you'll take responsibility. Kaya mas mabuti pang gawin mo na lang ang sinasabi ko, sige ka—baka pagsisihan mo"
Paulit ulit s'yang napalunok at ilang minutong walang imik.
"T-tawag na po ako agad ng private chopper para sa inyo ma'am"
Agaran nitong kinuha ang telepono sa bulsa at saka nag-dial ng numero. Nanatili ako sa tabi n'ya at nakinig sa usapan nila ng taong nasa kabilang linya upang masiguro na hindi n'ya ako lolokohin.
Ilang oras din akong matyagang naghintay hanggang sa dumating na ang chopper na pinatawagan ko. Agad akong tumakbo palabas ng Casa, hindi na ako lumingon pa at mabilis na sumakay roon.
Finally, I escape from him. Now, I'll make sure that he wont find me again.
Nang makabalik sa pilipinas matapos ang mahabang biyahe ay tinawagan ko ang sekretarya ko at nagpasundo rito. Napakarami n'yang tanong habang nasa loob kami ng kotse pero nanatiling tikom ang bibig ko. I order her to book me a flight on a speicifc country as early as possible.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng mansyon na pagma-may-ari ng pa—pa ko. Matagal-tagal na rin mula ng makapunta ako rito at makita s'ya kaya naman, nakaramdam ako ng kaba at bigat ng loob pero wala akong oras para magdalawang isip dahil alam kong kapag nagising na si Onyx ay gagawa agad s'ya ng hakbang para mabilis akong mahanap.
Pagpasok sa sala ay sumalubong agad sa akin ang gulat na ekpresyon ng ama ko.
"Janerika?!" Mahigpit n'ya akong niyakap pero mabilis din akong kumalas sa pagkakayapos n'ya
"Huwag mong isipin na bumalik ako para sa'yo. Gusto ko lang kunin ang mga gamit at dokumento na naiwan ko sa pamamahay na 'to"
Nagmamadali akong umakyat sa pangalawang palapag at pumasok sa dati kong kwarto. Binuksan ko ang dalawang maleta na malapit sa kama ko at isa isang inilagay roon ang mga damit ko. Lahat ng nga valid documents at titulo na nasa locked case ay isinama ko rin.
As I went down my father block my path, with a solemn face.
"Janerika, ano ba talagang nangyayari? Nag-aalala na ako sa'yo ng sobra. Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko, may ginawa ba sa'yong masama ang Onyx na 'yon?"
"Sally, pakipasok na ang mga 'to sa kotse" Utos ko sa sekretarya kong nakatayo sa likuran, agad naman n'yang kinuha ang mga maleta ko at lumabas
"Anak, sumagot ka. Saan ka ba pupunta? Ano ba talagang nangyayari sa'yo?"
"May pakialam ka pa pala sa'kin? At saka tama ba ang narinig ko, tinawag mo akong anak? Akala ko kasi nung panahon na ipinagpalit mo ako para sa isa sa mga business deals mo ay pinutol mo na rin ang ugnayan natin bilang mag-ama. Hindi ba pinilit mo akong maikasal sa taong 'yon, para lang makakuha ng malaking investment sa kompanya? Ngayon tinatanong mo kung anong nangyari sa akin? Well let me tell you, you surrender me—no, you sold me to a devil and I've suffer a lot 'DAD'. I hope you're satisfied now"
Padabog akong lumabas ng mansyon at pumasok sa sasakyan na nakaparada sa entrada. Paulit ulit akong bumuga ng hangin para pakalmahin ang sarili ko, pero 'di ko pa rin maiwasang kabahan at magkaroon ng agam-agam.
"M-ma'am s-saan na po tayo pupunta nito?" Saad ng sekretarya ko
"Sa condo ko. Ngayon, dapat maasikaso mo na ang flight ko. Kailangan ko ng makaalis ng bansa, bukas na bukas rin. No more delays"
"Noted ma'am"
Isinandal ko ang likuran sa headrest ng upuan. Gusto kong maiyak dahil sa wakas magkakaroon na ako ng pagkakataon na lumayo sa taong nagparanas sa akin ng malaimpy*rnong buhay na ayoko ng balikan.
I hope that I won't met you again, ONYX AESTONE!
YOU ARE READING
His Psychotic Obsession
CasualeIn the gripping tale of obsession and control, Onyx Aestone emerges as a manipulative force, trapping Janerika in a loveless marriage bound by business deals. As Janerika finds the strength to break free, Onyx's obsession with her spirals into a rel...