Chapter 3

54 24 14
                                    

There are only a few of us left.
Sa wakas ay nakaabot na kami sa last round.

"Who is credited as the founder of Western philosophy?"

Nagkatingan kami ni Prince. Napanguso ako trying to voice out the word that I think is the answer and just a give it a little thought ay sigurado na' kami sa magiging sagot.

Nang ipataas samin ang illustration board ay awtomatiko na dumako ang paningin ko sa sagot ni del Reyes.

We had the same answer. Dun ko nasiguradong tama kami kahit na hindi pa sinasabi ni maam.

"Thales of Miletus is the correct answer" She announced "Congrats to all who got the correct answer and for those I'm sorry but you're not allowed to participate in the next question. Thankyou for your participation"

Payapang lumabas ng classroom yung mga hindi nakatama ng sagot. Only 3 pair left, us, Del Reyes and Herronian, marisole and her partner.

Mas tumahimik na ang paligid, mas kumunti ang tao, mas lumiit ang espasyo ng classroom gayung kukunti nalang kaming narito. Pasimple kong nahimas ang upper lip gamit ang hintuturong daliri para itago ang namumuong ngiti.

Whether we lose or not, ay hindi na mahalaga yun, because I already claim my award, iyung makasama siya ng matagal sa classroom, matitigan ng mas higit pa sa kung paano ko siya pagmasdan sa malayo sa maiksing segundo. This is more than enough. Oa man pero tangina panalo na' ko.

"Last question, hopefully . . . . "
Ma'am trailed off "In chemistry, what term describes a stable, long-lasting attraction between molecules or atoms resulting from the electromagnetic force?"

Ito yung part ng interviewer na inaral ko ng husto kagabi.

having a crush on someone can be likened to experiencing a temporary chemical bond. when someone develops a crush on another person, there's often a strong attraction and interest towards that individual. This attraction can create a temporary bond where the person feels drawn to the other, experiencing butterflies in their stomach, excitement, and a desire to spend time with them. While this crush may not develop into a long-lasting relationship, it showcases the power of chemical attraction and how it influences our emotions and behavior towards others.

Hindi ko lang minimorize, I understand and can relate to it very well.

Agad na tinaas ni Prince yung illustration board.

Lumapad ang ngiti ko nang makitang same kami ng sagot ni del Reyes pero agad ding napawi ng maisip kong habang inisip ko siya ay baka iniisip niya rin yung crush niya.

"Chemical bond is the correct answer"
Napatango lang ako at napangiti when Maam Liones gave us a nod and smile, a silence of congrats, ganun din kina del Reyes. Pero nang huminto ang paningin niya kina Marisole ay nawala lahat ng yun.

"Why didn't you answer the question?" Usisa ni ma'am. Mabilis na napatayo si Marisole, na siyang nagpatunog nang malakas sa upuan niya.

"Nablangko po yung utak ko. Sorry po"
Deretyo niyang sagot at mabilis na bumalik sa pag-upo.

May mga sinabi pa si ma'am na hindi ko na masyadong pinansin. Pasimple kong nilingon ang kabilang upuan.
Nakita ko na nakangiti si del Reyes  habang kausap si Herronian. Nakadantay ang siko niya sa arm chair at paminsan-ninsang sinusuklay ang mahaba at kumikinang niyang buhok gamit ang kamay.

Kahit saang anggulo ang guwapo niya. Pointed na pointed ang ilong. Haba ng eye lashes. Yung mapula niyang labi.

Ang guwapo tangina . . .

I took my phone out of my skirt pocket, pumunta ako sa camera ng phone ko at tinutok yun sa kaniya.

Napangiti ako na labas ang ngipin nang makitang kahit sa camera ay fresh na fresh ang tindig niya. I zoom it in to take a closer look. Hinintay ko na medyo humarap siya ng kunti at nang makakuha ako nang magandang anggulo ay nakagat ko ang ibabang labi nang pindutin ko ang shutter button. Lumikha yun ng ingay ng pagclick at pagflash ng camera na siyang dahilan ng paglingon niya sakin.

Bestow Your Affections On (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon