"Kamilla, Kamilla..hindi mo ba ako naaalala??"
"sino ka ba?"
"ako si..Mica!"
bigla syang nagising, paggising n'ya hindi n'ya alam kung nasaang lugar s'ya, tumingin s'ya sa paligid, saka lang n'ya na realize na hindi n'ya kwarto 'yon
"nasan ako?" sabi n'ya sa isip nya maya maya binuksan ni Mikaela ang pinto, si Mikaela ang bunsong kapatid ni Mica."Hoy ate, tanghali na bumangon ka na jan"
"Ate mo 'ko?"
"Ewan tulog ka pa yata, tumayo ka na jan!"
sabay sara ng pinto, dahan-dahan naman tumayo si Kamilla para tignan ang sarili n'ya sa salamin, pag tingin n'ya nagulat s'ya kasi alam n'yang hindi n'ya katawan 'yon, itinuring n'ya nalang yung araw na 'yon na isang panaghinip.
*Kinabukasan*
"Goodmorning"
"Goodmorning? tinanghali ka! nanaman!"
sumbat ng kapatid n'ya.
"ako magluluto ng breakfast bukas, I promise"
sabi n'ya habang nagsasandok s'ya ng kanin sa plato n'ya.
"sobra kaya 'to? dibale nalang"
"Mica? mukhang normal ka yata ngayon?"
sabi ng lola n'ya.
"huh?"
"HAHA, para ka kasing baliw kahapon ate"
"ako? huh?"
*Later*
"papasok napo kami!"
"pasok napo kami"
magkahiwalay ng dinadaanan si Mica at Mikaela kaya nagpaalam na sila sa isa't-isa maya-maya habang naglalakad s'ya narinig nya na tinatawag sya ni Jillane.
"Mica! Goodmorning!"
"Axel, Jillane, Goodmorning"
sabi n'ya sabay ngiti
"hayy! bumaba ka na nga lang!"
"suplado neto"
"HAHAHAH ganyan talaga ang magbestfriends, magkasundong-magkasundo"
"hindi kaya!"
sabi nilang dalawa habang tumatawa si Mica, nadaanan nila yung papa n'ya na president na may inaanounce sa bakanting lote na malapit lang din sakanila.
"Mica! ayusin mo nga ang paglalakad mo!"
sabi ng papa nya, binilisan nya nalang ang lakad nya tapos sinundan sya nila Jillane.
"Mica! sandali!"
"wow, magkasama pa talaga ang anak ng president at anak ng vice president ah"
"HAHA! eww!"
sabi ng tatlo nyang kaklase, nainis sya lalo kaya binilisan nya pa ang paglalakad nya.
"uyy Mica, ang ayos ng buhok mo ngayon ah"
"huh? buhok ko?"
pagtataka nyang tanong.
"buti naman, pinalayas ba ng lola mo yung nakasapi sayo kahapon?"
"pinalayas?"
"oo yung masamang espirito na nakasapi sayo kahapon!"
"tigilan mo nga ang pananakot sakanya! palagay ko stress lang talaga si Mica kahapon, diba?"
"sandali teka nga, ano ba sinasabi nyo?"
"bakit hindi mo natatandaan?"
"ang alin?"
*Later*
habang nagtuturo ang tc(teacher) nila napansin ni Mica na may nakasulat sa likod ng notebook nya.
"sino ka? huh?"
bulong nya, bigla namang tinawag ng tc si Mica.
"tignan nga natin, miss.Fernandez"
"yes ma'am?"
sabay tayo ni Mica.
"wow, himala naaalala mo ang pangalan mo ngayon?"
sabi ng tc nila sabay tawa lahat.
"huh?"
pagtatakang tanong nya sa sarili nya
*Skip* 'recess time'
nasa court silang tatlo, sa may ilalim banda ng puno, si Jillane at Mica naguusap habang si Axel nakikinig lang habang nagbabasa ng jaryo.
"seryoso? 'di mo talaga maalala?"
"hindi eh"
"angwierd mo kahapon kasi dimo maalala kung saan yung locker saka desk mo, tas bukod sa hindi ka nakaribbon parang hindi ka din nagsuklay"
sabi ni Mica habang iniimagine yung sinasabi ni Jillane.
"HEH?!! seryoso?!"
"grabe Mica para kang may amnesia"
"pero, kahapon para lang akong nasa ibang dimensyon eh, alam mo yun? yung parang ibang tao ka?"
"alam ko na!"
sigaw ni Axel.
"baka 'yon yung nakaraang buhay mo! o nakakonekta yung subscontion mo sa emerett multiverse at nagpapalipat-lipat sa ibang dimension!"
"manahimik ka nga jan Axel!"
"sandali! umamin ka nga! ikaw yung nagsulat ng kung ano sa notebook ko noh?!"
"ano?"
"mhh...dibale na nga"
"pero sa totoo lang Mica, parang wala ka sa sarili kahapon, masama ba ang pakiramdam mo?"
"hindi ko nga rin alam ih, parang ok lang naman ako"
"baka nga stress lang, kasi diba malapit na yung ritual na gagawin nyo?"
"HAH! wag mo na nga ipaalala sakin yon, nagsasawa na talaga ako sa bayan na'to, sa sobrang liit nakakasakal na! gusto ko nang grumaduate agad para makalipat na'ko sa Tokyo!"
"hayy, sinabi mo pa, wala naman kasi tayong mapapala dito sa Itomori, dadalawang oras lang ang daan ng tren"
"sarado na ang convenience store ng 9PM"
"wala man lang book store o sariling dentist"
"andaming wala, pero may dalawang beer house dito"
"walang ok na trabaho"
"walang mapapangasawa"
"nihindi matanaw ang araw pag medyo hapon na"
"grr..tumigil na nga kayong dalawa!"
"oh bakit?"
sabay nilang sabi.
715
_________________________________________________
yan muna 11:17 na ansakit na ng daliri ko T^T.
thankyou sa pagbabasa sana naenjoy mo^_^