Val's POV
"Ma! Bakit hindi pa kayo nag aayos? Aalis tayo naghihintay na si Wave sa labas." Inis ko sakanila.
Ngayon kasi ay bumalik na sila Jane sa Manila kasama rin nila si ate Cal dahil aayusin niya mga kailangan dito sa gagawing resort.
Kahapon kasi is natapos na namin ayusin mga ang contract kaya pwede na namin masimulan agad.
Mas mabilis pala talaga ang process pag sa mga ganitong lugar compare sa City.
1 week lang naayos na namin.
"Nako nak. Kayo na lang ni Ari gumala. Para makapagbonding kayo. Alam ko na ngayon mo lang siya masosolo." Saad ni mama.
"Sama na kayo Ma. Panget naman kung dito lang kayo sa hotel." Pamimilit ko.
"Matanda na ako pati si Myrna. Mas gugustuhin na lang namin dito na lang sa Hotel kaysa magpaikot ikot at matagal pa naman tayo dito." Explain ni mama.
"Sige Ma. Sama ko na lang si Ran." Saad ko.
"Wag na! Mag bonding na lang kayong mag asawa. Ilalabas ko na lang si Ran kapag na buryo siya dito." Giit ni Mama.
Wala na rin ako nagawa kaya umalis na ako.
Naghihintay na kasi si Wave sa Lobby.
"Asan sila?" Pagtataka ni Wave nung makarating ako.
"Ayaw sumama tayo na lang daw gumala." Kunwaring dismayado.
"Sure yan?" Tanong niya.
'Bakit parang masaya pa siya?'
Tumango tango ako.
"Magbrebreakfast ka pa naman diba?" Paninigurado niya.
"Oo nga pala." Gulat ko.
"Sabihan mo na sila na magbreakfast muna kayo sayang din libre lang yun. Aalis lang ako saglit." Paalam niya.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"May kukunin lang." Sagot niya sabay alis.
Bumalik na ko sa Villa para ayain sila kumain.
Buti na lang gising na sila lahat kaya nakapuntq kami agad sa buffet area.
"Saan niyo balak pumunta ni Ari?" Tanong ni Mama.
"Hindi ko rin alam eh siya naman lagi nagdedesisyon kung saan kami." Sagot ko.
"Basta mag ingat kayo." Habilin ni mama.
Sakto naman tapos na ko kumain dali dali ako bumalik sa Lobby.
Pagpunta ko dun nandun na siya kaya dali dali ako lumapit.
"Bakit may dala kang helmet?" Pagtataka ko.
"Diba sabi mo dalawa lang tayo? Kaya ito mag momotor tayo. Hindi buo ang Siargao experience mo paghindi mo nasubukan mag motor dito." Giit niya.
"May tiwala naman ako sayo na hindi mo ko mamatayin." Giit ko sabay kuha ng helmet sakanya.
"Kaya ko ibuhis ang buhay ko para sayo." Ani niya.
Nagulat ako sa sinabi niya.
Maski siya nagulat din.
Hindi niya ata expect na lalabas sa bunganga niya yun.
Lumabas ang inner Artemis.
Tumawa na lang kami ng awkward at nag ayaan na kami lumabas.
"Wow kaninong motor to?" Tanong ko.