TULUYAN iminulat ni Klaire ang mata, naramdaman niya ang sumisidhing kirot mula sa likuran niya.
Bigla ay naalala niyang, natamaan pala siya ng baril. Kahit hinang-hina ay pinilit niyang bumangon mula sa pagkakahinga. Iniikot niya ang buong pansin sa kinaroroonan silid. Halos puti at asul ang kulay ng mga bagay na nakikita niya. Sa tingin niya ay nasa silid siya ng isang hospital, dahil naamoy pa niya ang napakapamilyar na samyo.
"K-kailangan kong makalayo," usal ni Katarina na katal ng takot ang kabuuan ng maalala ang nangyari.
Kailangan niyang magmadali, dahil maaring pinaghahanap na siya ngayon ni Luis at kapag nalaman nitong buhay siya. Tiyak hindi ito titigil hangga't hindi siya napapatay, wala itong kasing sama!
"You're awake," a familiar voice said from the open door.
He was abruptly filled with panic. Nang makita niyang si Don Agoncillo iyon, ang tiyuhin ni Luis.
Kahit hinang-hina pa ay napilitan na siyang tumayo. Kailangan na niyang makaalis ngayon, dahil nanganganib ang buhay niya rito.
"I'm not a nemesis, Klaire. I'm a confidant. kung sino ang kalaban natitiyak ko si Luis iyon." Pagpapayapa ng Don sa babae.
Mukhang hindi pa rin ito naniniwala, kaya wala ng nagawa ito upang tawagin ang taong nagdala mismo kay Klaire.
Her eyes almost opened when she noticed the man who entered.
"R-Ruiz..." Halos hindi siya kumukurap habang tinitignan ito. Baka dinadaya lamang siya ng kaniyang mga mata.
"Yeah, it's me; just stay lying down, Klaire... Hindi pa lubos ang paggaling mo. Baka bumuka ang tahi mula sa iyong sugat at saka baka mabinat ka."
Biglang nagsalubong ang kilay ni Klaire sa mga salitang sinabi ni Ruiz sa kaniya.
"A-ano bang pinagsasabi mo?" Nagugulahan pa rin niyang tanong. Hindi naman nagsalita ito at tuluyan siyang nilapitan.
Habang ang matandang lalaki ay tuluyan lumabas ng silid at isinarado ang pinto. Upang mabigyan sila sa masinsinan na pag-uusap.
"A-ano bang nangyayari, ano iyong sinasabi mong mabibinat ako? Hindi naman ako buntis," sabi niya na may alanganin ngiti sa labi.
Ramdam niya ang magaan na pagdantay ng palad ni Ruiz mula sa ibabaw ng palad niya. Tila may naghahabulan na kabayo mula sa kaloob-looban niya sa tensyon na nadarama niya ngayon.
"I'm sorry for your lost Klaire," Bagsak ang balikat na bigkas ni Ruiz. Napayuko pa ito at hindi kayang salubungin man lang ang titig niya.
Habang siya tuluyan naging tuod. Parang gustong sumabog ang ulo niya sa sakit na biglang sumalakay sa kaniyang sistema. Nang napagtanto niya ng lubusan ang sinasabi nito.
Halos hindi niya kayang magsalita sa bigat ng nadarama niya ngayon.
"Kung nalaman ko lang sana ng mas maaga, sana hindi dumating sa puntong ito. Sana nailigtas ko kayo pareho, I don't want to lose the baby in the process." Paghingi ng sorry nito sa kaniya.
Unti-unting bumukal sa kaniyang mga mata ang luhang nagsisipaligsahan sa pagdaloy. She bit her lower lip para hindi makalabas ang hikbi mula roon. Klaire's hands were tightly clinched.
Hanggang sa hindi na niya mapigilan ang emosyon. Nag-umpisa siyang magsisigaw at humagulhol, the pain inside her are unbearable that time.
"Calm down Klaire, it will gonna be okay. I'm here, hindi kita iiwan," pakikipagusap naman sa kaniya ni Ruiz na pinipilit siyang pakalmahin sa pamamagitan ng pagyakap.
BINABASA MO ANG
Living With The Mafia Boss R18 (COMPLETED)
Любовные романы"I will not allow you to choose what days to love me." Klaire Hendoza has a simple and peaceful life. A man will come, and she will love him with all her heart. But... He will leave her while she's bearing his child. Five years later, Luis Mendrano...