Chapter 16

67 0 0
                                    

KARGA-KARGA ni Lime si Asher habang naglalakad sila papunta sa kusina. Kitang-kita niya ang tawanan ng dalawa. Mula ng magising, hindi na nagpababa si Asher kay Lime. Si Amora naman ay nasa kusina na, iniwan na niya ang dalawa sa kwarto dahil panay ang lambing ni Asher sa binata.

Hanggang sa makapasok sila ng kusina ay hindi pa rin maalis ni Amora sa isip ang mga katagang binitawan ng binata para sa kaniya at kay Asher.

There was a joy in her heart, but there was also sadness.

Ngayon lang ni Amora naisip na gusto talaga ni Asher na magkaroon ng ama. Amora could see how Asher clung to Lime's neck. Si Lime naman ay halatang natutuwa sa ginagawa ni Asher.

Nag request ang binata na hindi niya sabihin kay Asher ang totoo pero umayaw siya dito. But seeing her son happy, she didn't have the heart to take away the happiness from Asher. Hindi niya kayang saktan ang anak niya. Ngayon lang niya nakitang ganito kasaya si Asher. Amora wanted to tell Asher the truth, pero sa tuwing nakikita niya ang masayang ngiti sa mga labi nito, hindi niya magawang sabihin ang katutuhanan na hindi nito ama si Lime.

Naduduwag siya na baka masaktan ito na siyang iniiwasan niyang mangyari.

"Tapos? Anong sabi mo sa teacher mo?" Narinig niyang tanong ni Lime sa anak niya habang nakaupo ang dalawa sa mesa at nakakandong sa hita ng binata ang anak niya.

Nginitian naman niya ang anak ng magbaling ang tingin nito sa kanya na sinundan naman ni Lime ng tingin. Napalunok naman siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.

"My, ibibigay mo po ba ako kay teacher kapag gusto din ni daddy si teacher ko po?"Naputol ang titigan nila ni Lime sa tanong ng anak niya.

"Gusto mo ba?"Tanong niya rito na nakapagsimamgot sa anak niya.

"Hindi po my. Baka mag bebetime lang sila ni Teacher at hindi nila ako pakainin." Nakasimangot pa niyang tugon. Kaya hindi napigilang matawa ni Amora sa ka-kyotan ng anak niya. Bebetime? Saan na naman nito nakuha iyon?

"Paano po kapag nagugutom si Asher? Paano po ikaw? Paano po sila Tito ko po at Lala ko? Baka malungkot lang kayo kapag na kay teacher na po ako."

Nilagay niya sa mesa ang pagkain niluto ng ina niya bago ito umalis. Natigilan naman si Amora sa sunod na tanong ng anak.

"My, si Daddy po ba ibibigay niyo rin kay teacher?" Nakapalumbabang nakatingin ang anak niya sa kanya na parang hinihintay ang pagsagot niya.

Umiwas naman siya ng tingin ng magtama ang mata nila ng binata. "Gusto niya ba? Kung gusto po niya"

"Daddy, gusto mo po ba? Para hahanap po ulit ako ng bagong daddy."

Narinig naman niya ang pagtikhim ni Lime sa tanong ng anak niya. "Hindi po. Kay Asher lang po ako at kay mommy."

Humagikhik ang anak niya. "Mas maganda po ba si mommy ko kay teacher po?"

Si Amora naman ay hindi mapakali. Gusto rin niyang marinig ang sagot sa binata.

"I don't know, po. Hindi ko pa naman nakikita ang teacher mo."

Parang nainis si Amora sa sagot ng binata. Nilagyan niya ng pagkain si Asher at ibinigay niya ito.

"Thank you po, my" nginitian niya ito at inabot sa binata ang platong walang laman. Saka siya naupo sa harap ng mga ito at nagsimulang kumain.

"My, si Daddy po wala pong food sa plate niya po. Hindi niyo po nilagyan."

"Big boy naman po siya. Ikaw po kasi ay baby pa ni mommy."

Nginitian naman siya ng anak niya at kumain na ito.

OBS 3: Our Sweet And Sour LoveWhere stories live. Discover now