CHAPTER 6

100 1 0
                                    

Chapter 6

Matapos yung pagtatalo namin kahapon sa kotse ay 'di na kami nag pansinan. Pero malinaw sa'kin yung sinabi nya. No boys. Eh wala naman akong mga lalaki eh, kinausap ko lang naman yung lalaki kahapon. 'Di ko nga manlang naging kaibigan yun. Tsaka bakit ba sya nagagalit? Pinakialaman nya pa yung damit ko tapos mag mumura. Nababaliw na ba sya? Ah baka kaya sya nag pacheck up kahapon. Bwesit!

Padabog kong binuksan ang phone na binigay nya sa akin. Kalilipat ko lang ng sim card ko dun. Excited ako sa bagong cellphone na ito pero 'di ko pa rin maiwasang mainis lalo na at naalala ko yung nangyari kahapon. 'Di nya manlang ako pinansin hanggang sa maka uwi kami rito sa bahay. As usual, sya ang nag luto, ako ang nag hugas ng pinggan pero 'di nya man lang ako kinakausap. Hmp!

Sinimulan kong pagandahin yung phone ko, nilagyan ng fonts at theme at nag download ng mga apps na ginagamit ko. Nang mag sawa ay lumabas ako ng kwarto at pumunta sa salas. Nakita ko sya sa may sofa. Iiwas na sana ako at pupunta sa kusina nang mag salita sya.

"Come here Jianna". Naka nguso akong lumapit sa pwesto nya, umupo ako 'di kalayuan sa kanya. Tiningnan nya ako ng masama.

"W-What?", bulong kong tanong.

"Give me your phone", sabi nya kaya inabot ko sa kanya yun. Kagat-labi ko syang pinanood. Babawiin nya na ba yung phone? Pagagalitan nya kaya ako? May pinindot-pindot sya doon at maya-maya ay iniharap nya sa akin. Nasa contacts ko sya. What is he doing?

"Who's Kevin?", kunot-noo nyang tanong.

"Kaklase ko noon"

"Gino?"

"Kaibigan ko"

"Lester?"

"A-Ahm... m-manliligaw ko dati"

"Sinagot mo?", usisa nya.

"H-Hindi! Bakit ba?", takang tanong ko.
"Who's Franco?"

"Kapit bahay namin na kabarkada ni Kuya"

"Sir Warren?"

"T-Teacher namin sa Math", -yung poging teacher namin nung grade 9. Gusto ko sanang sabihin din yun pero wag na, too much information.

"How about Izaac? How come that you have a brother?"

"Pinsan ko yun. Anak sya ng pinsan ni Mama, namatay si Tita kaya ayun, inampon nya si Kuya"

"Really?", tanong nya na parang di naniniwala kaya inirapan ko na lang sya.

"No boys, Jianna", mariin nyang sabi na ikina angal ko.

"Eh hindi ko naman mga lalaki yan eh. Mukha ba akong nanglalalaki? Tsaka 'di ko nga manlang nirereplyan yan"

"Then why gave them your number?"

"Kasi humihingi sila. Tsaka para tumigil na sila"

"How will they stop if you gave them your number?!", inis nyang sabi na ikinatameme ko. Bakit ba sya nagagalit? Eh wala naman akong inientertain sa mga yan, kahit nga sa personal ay wala.

'Di na lang ako sumagot at hinayaan sya sa ginagawa nya sa phone ko. Napalingon na lang uli ako sa kanya nang iharap nya sa'kin ang phone ko. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Yun yung...

"What's this?", tanong nya. Napalunok ako. Binuksan nya lang naman ang Wattpad app ko at kitang-kita doon, saktong-sakto sa Prologue na may nangyaring kababalaghan sa mga character. Nag init ang mukha ko at napalunok uli.

"A-Ano y-yan?", tanong ko din sa kanya kaya pinanliitan nya ako ng mata. Napilitan akong sumagot sa kanya.

"Ahm.. ano.. s-story?"

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon