Shattered

38 1 0
                                    

Ako si Monique, 16 pa lang ako ng magkagusto kay Rowell. Sino ba kasing hindi magkakagusto sa isang katulad nya? Sobrang maalaga, mabait, maalahanin, at kung mangligaw sya ay parang prinsesa ka kung tratohin.

Mga apat na buwan niya din akong sinuyo tsaka ko sya sinagot ng matamis kong oo.

Naging masaya kami sa piling ng isa't-isa sa mga unang buwan, pero sabi nga nila may kapalit ang sobrang kasiyahan.

Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Ang bilis ng panahon, mag-iisang taon na pala kami?

Ang saya ko, di ko akalain na lalalim ng ganito ang mararamdaman ko para sa kanya sa loob ng isang taon.

Isa lang ang sigurado ako.

Mahal ko na sya.

Hanggang sa bigla nalang nagkatampuhan, tapos nagkaawayan. Rason kung bakit kami nauwi sa hiwalayan.

Ang sakit.

Iniyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko hanggang sa wala ng luhang bumuhos sa aking mga mata.

Ayoko ng ganito.

Gusto ko sya.

Mahal ko sya.

Ipaglalaban ko ang pag-ibig ko para sa kanya.

Pumunta ako sa bahay nila, naki-usap, nagmamakaawa. Na sana bumalik na sya sa akin.

Ayaw nya.

Di ako sumuko. Hindi ako umalis. At hindi ako aalis hanggat di sya papayag bumalik sa akin.

Hanggang sa napapayag ko sya.

Ang saya ko ulit.

Lumulundag ang puso ko sa saya.

Niyakap ko sya at umuwi na.

Naging masaya ulit kami hanggang sa dumating na ang relasyon namin sa ika-pangalawang taon nito.

Malaki ang binago namin, natuto na kaming magpa-kumbaba at umintindi. Dahilan kung bakit mas tumibay ang relasyon namin.

Ang saya ko sa piling ni Rowell.

Sa tuwing nakikita ko sya, nakikita ko rin ang kinabukasan at hinarap ko kasama sya.

Kung noon mahal ko lang sya, ngayon sobrang mahal ko na sya.

May malaking problema ang dumating sa pamilya ko, dahilan kung bakit nahinto ako sa pag-aaral.

Dalawang buwan kaming hindi nakapag-kita.

Sa mga unang linggo, naiintindihan nya pa.

Gusto na nya daw akong makita. Miss na miss ko na rin sya. Pero wala akong magawa, walang-walang talaga kami sa panahong ito.

Bigla ko nalang naramdaman ang kunting pagbabago sa kanya.

Nababagot na syang makipagtxt sa akin. Tiniis ko yun. Hanggang sa dumating ang mga araw na hindi na nya ako kinokontak samantalang ako, txt ng txt pa din sa kanya.

Nagbabaka sakaling naaalala nya pa kung ano at sino ako sa buhay niya.

Pinasahan ko sya ng load.

Ayun, nagtxt at tinanong kung ako daw ang nag load sa kanya at inamin ko din.

Sa halip na pasalamatan niya ako, nagalit sya.

Tinatamad at ayaw nya daw makipagtxt sa akin.

Ang lamig ng trato nya sa akin hanggang sa hindi ko matiis ang sarili kong tanungin sya kung ano ang problema.

Di nya sinagot.

Txt pa rin ako ng txt.

Walang reply.

Pinabayaan ko muna. Baka kasi mairita.

Tumunog cellphone ko.

Nag txt na sya!

Sa wakas!

Nakangiti ako ng buksan ko ang mensahe.

Ngunit saglit lang pala ang mga ngiti ko.

Napalitan ito ng mga luhang bumabagsak mula sa mga mata ko.

Nagsawa na daw sya.

Ang hapdi sa puso.

Bakit? Ano ba ang nagawa kong mali?

Di ko alam paano ko sya napuntahan.

Ang dami kong gustong itanong pero niisa doon wala akong masabi pagkatapos kong marinig mula mismo sa kanya na mag hiwalay na kami.

Biglang ang hirap huminga.

Naiwan ako doon.

Tulala.

Balisa.

Nag-iisa.

Wasak na wasak ang nararamdaman ko ngayon. Hindi lang puso ko kundi ang buong pagkatao ko.

Di ko alam anong gagawin.

Ngayon lang ako nagmahal ng sukdulan.

Ngayon lang din ako nasaktan ng lubosan.

Di ba pwedeng magka-gusto nalang sya ulit sa akin?

Di ba pwedeng suyuin nya nalang ako ulit?

Di ba pwedeng mahalin nya ako ulit?

Di ba maaaring maging masaya kami ulit?

Ang pag-ibig, madaling ispelingin at gawan ng meaning.

Pero ang totoo, sobrang komplikado nito.

Maaaring masaya ka ngayon, pero maaari ring pang-madalian lang yun.

Maaaring ikaw ang sentro ng buhay nya ngayon, pero maaari ring pagsawaan ka pagdating ng panahon.

Maaaring mahal ka nya ngayon, pero maaaring lilipas at mawawala rin ang nararamdaman nya sa kung anong rason.

Ang pait ng pag-ibig.

Lahat pala ng mga positibong nangyayari, may mga kapalit na kailangang ibalik.

Ikaw?

Ano ba ang mga naranasan mo tungkol sa magulong mundo ng pag-ibig?

Sana hindi katulad sa akin ang sa iyo.

~
A/N (MUST READ!):

Meron pong SHATTERED 2. It's about the side of Rowell. So if you like this oneshot story (SHATTERED), you'll definitely like the guy's POV.

Please VOTE/COMMENT!

Love lots😘

ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon