Kabanata 33

350 3 0
                                    

My tears are streaming down my cheeks while sitting on the couch, waiting for Ryder. Nakatingin ako sa kawalan dahil hinihintay ko ang paglabas ni Ryder mula sa opisina ni daddy. Naiinis ako sa kanya. Talagang ginawa iyon? Sa ganoong ka-simpleng dahilan?

Ang babaw ng dahilan! I really hate him so much! Bakit niya ba naisip iyon? Hindi niya na inisip iyong scholarship niya? Hindi niya man lang ba naisip na kapag pinagpatuloy niya ang pagpabagsak niya ay maaaring maapektuhan ang kinabukasan niya?

"Scarlet.."

Nanggigilid ang mga luha ko sa aking pisngi nang tumayo ako upang harapin siya. Puno ng pagsusumamo at pag-alala ang kanyang mga mata. He gently cupped my cheeks and wiped my tears. Marahas kong tinabig ang kanyang kamay at tinulak siya. Tuluyan nang kumawala ang hikbi sa aking bibig na kanina ko pa pinipigilan. I punched him in the chest.

"Nakakainis ka!" I bawled. "I fucking hate you!"

Patuloy ako sa pagsusuntok sa kanya, pero parang wala lamang iyon sa kanya, hindi naman siya umiiwas, at sa halip ay sinasalo niya pa ang panununtok ko sa kanya. Nanghina ang mga kamao ko sa panununtok sa kanyang matigas na dibdib. He took advantage of that to hold my hands. Marahan niyang binaba ang mga kamay ko bago niya ako niyakap at hinagod ang likod ko.

"Hush," he whispered. "Why is my baby crying, hm?" he asked huskily.

"Nakakainis ka!" bulyaw ko sa kanya at ibinaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. "Sobrang nakakainis ka!"

"What is it? What makes you cry like this?" he asked whisperily.

Inangat ko ang tingin sa kanya. "And you have the guts to ask me that, huh?! What made me cry like this?! Ikaw! You made me cry like this! Why, Ryder?! Why did you fucking fail the quiz bee?! Why did you fail your quizzes?! Even the chess game, you failed it! Why, Ryder?! Why did you fail all of it?!"

Mariin siyang napapikit at hinaplos ang aking mukha. Parang wala lang sa kanya ang mga narinig. Parang mga simpleng salita lang iyong ibinulyaw ko sa kanya. He just gently cupped my face and kissed the tip of my nose. Napapikit ako at muling bumuhos ang mga luha ko sa aking pisngi. Gusto kong itabig ang kamay niya, pero hindi ko magawa dahil sa paraan ng paghaplos niya sa aking pisngi.

"Ito ba.. ang pinag-usapan ninyo ni Seth?" he gently asked instead. "Siya ba ang nagsabi nito sa 'yo?"

"Oo!" I shouted. "Alam mo kung bakit?! Dahil alalang-alala siya sa 'yo, Ry! Natatakot siya na bumagsak ka! Ayaw niyang bumagsak siya kaya kinausap niya ako! He even asked me to convince you!"

He sighed. "I am sorry..."

"I am sorry?" I scoffed. "Are you fucking kidding me, Ryder?! Sa tingin mo madadala ng sorry mo iyong lahat ng mga ibinagsak mo?! Hindi!"

"Scar—"

"I know that it's because of me, Ry! You don't have to fail so that I could be on top! Hindi mo kailangang gawin iyon para sa akin! I never asked you to do that for me!" sigaw ko sa kanya.

"Scarlet, I did it on my own... It's my choice..."

"Kahit na!" I cut him off. "Hindi mo kailangang gawin iyon para sa akin, Ryder! Isipin mo kung ano ang maaaring mawala sa 'yo dahil sa ginawa mo! God! Nakakainis ka! Buwesit ka talaga!"

He catches all my punches. Hinayaan niya ako na pagsusuntukin siya nang paulit-ulit. Sa huli'y sumuko ako at niyakap ang aking mga braso sa kanyang baywang. He caressed my back and kissed the top of my head. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Niyakap niya lang ako habang patuloy sa paghagod ng aking likod.

"I am sorry, I am sorry, Scarlet. I just thought it was the best thing to do," he whispered.

"You thought wrong," I murmured. "I don't want you to fail, Ry.. especially that the exam is coming. I wanted to be on top, Ryder, but I don't want to be on top if it leads to pulling you down. Please.. I don't want you to fail again."

Chasing the Wild Waves (Student Series #1)Where stories live. Discover now