DEBATE FOR MS. NBSB (One Shot)

4.6K 145 90
                                    

DEBATE FOR MS. NBSB

Rei: Guys! Wala si maam, may meeting daw ang mga teachers today so.. Free time natin!!

Nagsigawan naman ang mga kaklase nito.

Rei: Hep Hep! Pero wag tayong magugulo ha? Tsaka nga pala dapat daw may gawin tayo para may maireport ako later sakanya. Hehe.

At dahil president ng classroom nila si Rei sinunod nila ito at nagkanya-kanya na ng mga ginagawa.

Nagsilapitan ang mga kaklaseng babae ni Rei, at ang mga lalaki naman ay nasa likod inumpisaan ng mag-laro ng chess.

Classmate: Ano nang gagawin natin? Boring kaya pag wala tayong gagawin.

Classmate: Kaya nga diba? Meron dapat tayong gawin sabi ni Rei. Tsk!

Classmate: Eh panu yung mga boys?

Rei: Tsk! Yaan nyo sila! Haha

Classmate: Haha! So ano na?

Classmate: Panu kung magdebate tayo? Hah?

Classmate: What?! Debate again? Di man lang kayo nagsawa! Halos ina'araw-araw nyo na yang ginagawa.

Napatingin sila sa likuran, bigla kasing sumabat sa usapan nila yung isang kaklase ni Rei na lalaki, ngunit sa pagtingin nya doon iba ang nadampot ng mga mata ni Rei.

Si Kiel.

Kiel is her first love. Simula't sapul pa lamang nang tumuntong sa hayskul si Rei ay gusto na nito si Kiel. Pero di nito naging kaklase noon. Kaya halos lumuwa ang puso nya nung malaman nyang kasection nya ito ngayong school year.

Rei is NBSB.

May hinihintay sya at si Kiel yun. Gustong-gusto nya si Kiel, pero takot syang magsabi. Mga kaibigan lang ni Rei ang nakaka-alam na may gusto ito kay Kiel.

Classmate: Pssh! Wag ka ngang mangealam rito! Girls! Debate na tayo! Wag nyo nalang pansinin yang mga nasa likod!

Classmate: Tama! Tara! Debate na!

Classmate: eh ano topic?

Classmate: May naisip ako! What if ang topic natin is "What is the reason kung bakit hanggang sa oras na 'to ay NBSB si Rei?"

Rei: Ano?! What?! No! Hoy! Hoy! Hindi magandang biro yan ha!

Pagmamaktol ni Rei.

Classmate: Game?!

All (Girls): Game!!

Rei: Hoy! Ansasama nyo!

Wala nang nagawa si Rei. Pinanuod nalang nya ang mga kaklase nya.

Classmate: Positive sa right, then negative dito sa left.

Di maiwasang tumingin ni rei sa likuran dahil nakaupo sya sa teachers table at tanaw nya ang mga tao roon. Kiel is handsome kaya marami itong ex-girlfriends. Isa rin yon kung bakit takot umamin ni Rei kay Kiel. Kasi daw pag umamin sya, oo baka maging sila kasi walang tinatalo si Kiel na babae, kung gusto sya ng babae, papatulan nya. Kaya, baka paglaruan daw sya, ayaw nyang maloko, ayaw nyang masaktan.

Classmate: NBSB si Rei dahil hindi pa sya handa sa lahat-lahat, sa commitments or kahit ano pa man na meron sa isang relasyon.

Classmate: Hindi handa? Kelan sya magiging handa? Pag'uugod-ugod na sya? Pag wala nang papatol sa kanya? Oh 'cmon guys!

Rei: (-_-?) Wow ha? May balak pa ata kayong ilaglag ako rito?

Nagdebate-debate na sila. Halatang hindi na masyadong nakikinig si Rei dahil nakay Kiel ang mga tingin nito.

Dahil sa pagtitig ni Rei kay Kiel di nya napapansin na nakatingin na rin pala si Kiel sa kanya.

(,^^)...........(^^,)

Umiwas sila parehas sa isa't-isa.

(~~,)............(,~~)

Awkward para sa kanila iyon dahil hindi naman sila madalas magkatinginan o mag-usap. Tsaka lang naman sila mag-uusap pag may kailangan sila sa isa't-isa. Para bang umuurong ang dila ni Rei tuwing nakakaharap nya ito.

*DEBATE-DEBATE-DEBATE*

??: Alam nyo ang iislow nyo ding lahat eh. Di nyo ba magets? Di nyo ba makuha? Hah? Pssh! Isa lang naman dahilan nyan eh.. Tsk! Tsk!

O.O

Nagulat silang lahat, pati si Rei dahil sa di nila inaasahan. Bigla-bigla nalang kasing nagsalita si Kiel.

Classmate: Huh? Ano naman dahilan nya Kiel?

Classmate: Oo nga pare, ano naman?

Kiel: (,--) Tsk! Siguro may hinihintay o kaya takot magmahal kasi ayaw masaktan.

Napatigil ang lahat. Napatulala si Rei sa sinabi ni Kiel.

Rei: Oo! Toong may hihintay ako at totoo ring takot ako masaktan. Ah ano naman sayo yun hah? Eh sino ba naman ang hindi matatakot masaktan kung sila mismo, alam nilang yung taong yun eh pag-nakarelasyon mo eh wala kayong patutunguhan? Ha?

Napatunga-nga ang mga kaklase nila. Napatayo si Rei sa pagsasalita.

Kiel: Eh panu kung yung taong yun eh nagging ganun dahil sa kaka'hintay nya sa babae? Eh manhid kasi nung babae kaya tinutuon nya yung sarili nya sa iba.

Napatigil sa paglalaro ang mga boys dahil sa pagsasalita ni Kiel. Pero si Kiel nagsasalita lang habang naglalaro ng chess.

Rei: Yan! *sabay palo sa table* Dyan tayo sumasablay eh! Dyan sa Manhid-manhid, dyan sa tuon-tuon na yan! Kung mahal mu, dapat matyaga ka! Tska hindi manhid yung babae, hindi lang showy yung lalaki sa nararamdaman nya kaya di nya napapansin.

Kiel: Ok! Fine! Sige, kung yan pinaniniwalaan mu. Ok lang. pero pano kung yung binabanggit mo eh gusto ka talaga at handing iwan lahat para sayo? Na kahit sa dami-dami ng babaeng naghahabol sakanya eh ikaw ang pinili nya?

O.O - Rei

*ngiti with smirk*- Kiel

Nagulat si Rei sa reaksyon ni Kiel. Tumayo ito at naglakad papunta sa harapan kung saan nandoon ang dalaga, saka sumandal sa pader. (^^.)

Rei: eh kung mahal talaga nya ako o kaming mga babae, edi ipakita nya! Iparamdam nya! Eh kaso walang pinapakita eh. Yun ang masama.

(-O-) Tulala ang buong klase sa bangayan ng dalawa.

Kiel: Nagpaparamdam naman sya hah? Bat di mu napapansin?

Nagulat silang lahat sa sinnabi ni Kiel. Si Rei ay naguguluhan sa mga sinasabi ni Kiel.

Rei: Hah? Ano? Te-teka nga! Anong nagpaparamdam? Ha? Sino?!

Lumapit si Kiel sa kinatatayuan ni Rei.

Kiel: Nagpaparamdam naman ako sayo hah.. Bat di mu napapansin?

❤❤❤

DEBATE FOR MS. NBSB (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon