Kabanata 30
"Ano'ng gusto mo?" Tanong ni Aoki.
Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay at isa lang ang masasabi ko- malaki.
Habang nililibot ng tingin ang loob, my eyes is pulled to the grandeur of the classic Victorian-style house that appears before me. The exterior of the house appears old and expensive, but it retains an aura of opulence.
It looks majestic...
Hindi ko alam kung bahay ba ang tawag dito o mansyon na dahil sa laki nito. At kung titignang maigi, halatang mamahalin ang mga materyales na ginamit sa pagtayo ng malaking bahay na 'to.
"T-tubig na lang ako... " sagot ko.
Natatawa akong nilingon ni Aoki at tinuro ang sofa hindi kalayuan sa hinintuan namin. Nawili ako sa kakatingin sa bawat sulok ng bahay kaya hindi ko napansin na hinihintay din pala ako ni Aoki.
"Well, I don't serve water to my guests, but perhaps you enjoy tea?"
Napalunok ako at umiling. "Okay lang. Kahit t-tubig na lang... "
Nakakahiya naman uminom ng kung ano na galing sakaniya. Parang hindi tatanggapin ng sikmura ko. Dahil baka pati ang tea na ino-offer niya nagkakahalaga na agad ng isang libo!
Nagkibit balikat si Aoki bago ako tinalikuran. "Well then, if you insist."
Muli kong nilingon ang paligid. Through the tall windows, I catch a glimpse of curtains that are gently swaying in the breeze, as if beckoning me to step inside. The overgrown ivy cascading down the sides of the house adds to its mystique, lending an almost magical aura to the scene.
While lost in thought, I found myself drawn to the old painting on the wall. Dahan-dahan akong lumapit dito. Nang makita ko na ito nang malapitan, namangha ako. It's a man with a gun in his right hand, looking directly at me. His eyes are deep and soulful, as if they're following me as I approach.
I wonder, who's this man?
Tinignan ko ang kabuuan ng painting at napansin ko ang maikling nakasulat sa baba nito.
Zhènshè, 1937.
Kumunot ang noo ko nang may mapansin.
Come to think of it, this man somehow resembles Aoki. It's almost as if the man in the painting is a mirror image of her. Could it be...
"That's my grandfather."
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Aoki sa tabi ko. Naibaba ko ang kamay ko na muntik nang hawakan ang painting. Ngumiti siya sa akin at inabot ang isang basong tubig bago ako inalalayan na maupo sa sofa.
"If you're wondering, he's still alive." Tumawa siya.
"Huh?"
"I'm talking about my grandfather."
"Ah, kaya pala hawig mo siya. Napansin ko lang. Medyo... pareho kasi kayong singkit. At hindi pasensya na kung mukhang ganoon ang itsura ko. Akala ko lang kasi..."
"Yeah, I heard that a lot. And it pleased my grandfather every time he heard it."
"Nasaan ang grandfather mo ngayon? Bahay niyo ba 'to?"
"I can't particularly tell where, but he's in China, living his remaining life." She chuckled. "Just kidding. And yes, but this is our rest house."
Hindi ko alam kung ngi-ngiti ba ako sa biro na 'yon o ano. Kimi tuloy akong nangiti na lang at muling ibinalik ang tingin sa painting.
"Anyway, he's still healthy and kicking, so no need to worry."
Tumango ako at hindi na binalak pang isa-tinig ang naipong kuryosidad. Masyado akong namangha sa lugar na nakalimutan ko na kung bakit ako nandito.
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
Ficción GeneralStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime