Chapter 7

346 18 2
                                    

thanks for reading!
_

"MINTY!" padabog niyang patid sa mga buhangin. Halos isumpa na niya ang kanyang sarili. Patid, sabunot sa buhok, sampal sa mukha. Isinigaw niya lahat ng kahihiyan niya. She would never trust herself again if she would be under the influence of alcoholic drinks.

What she had done was the worst nightmare? At sa kaarawan pa talaga niya ha? Her action wasn't right. May fiancee si Dash, kahit pa sabihin na wala naman itong ginawa sa kanya. Anong klaseng babae si Fauna kung ganoon siya sa lalaking pagmamay-ari ng iba?

Hindi na niya iyon gagawin. Starting today, she would never be in Dash's presence.

"Ang tangi ko lang nakita kagabi ay karga ka na ni Dash papalabas ng hall. Tulog na tulog. He carried you hanggang sa kwarto mo. Inasikaso ka niya for a minute, pero umalis din siya kaagad. He reminded me to take care of you until you sleep heavily."

"But you didn't see what I did to him?"

"What did you do to him?" nag-aalalang tanong ni Minty, niyugyog na ang balikat niya.

Madiin ang kanyang pag-iling at laylay ang mga balikat na yumuko si Fauna. She then folded her knees and rest her head and palms at the top of it. Her tears were falling because of that crazy mistake. Hindi niya iyon sinasadya, Kahit pa gusto niya si Dash, hindi niya sasadyain na halikan ang lalaki.

She thought that the possibility that Dash would now think na siya ang nagpadala ng mga love notes at libro na 'yon. Because of that kiss. Hindi ito ang hinahangad niyang memory para sa kanyang birthday.

Gusto niyang magkwento kay Minty pero baka ngayon...iba na maging tingin ni Minty sa kanya. Baka isipin na nito na masama siyang babae. Though...she was her bestfriend and supported her having crush on Dash. Baka madismaya na ito sa mga pinanggawa niya sa buhay.

"Hindi na sana dapat ako uminom. It was my first time so I didn't know how to handle myself. Bigla akong nahilo kagabi," she started to tell Minty because she didn't have a choice. Kung wala siyang mapag-share-an nito, mas mababaliw siya.

"And? Ilang minuto lang ako nasa banyo. May naging problema ka na agad."

"I kissed him, Minty. I'm so sorry. Hindi ko iyon sinasadya. Baka mag-iba na ang tingin mo sa akin kasi baka isipin mo, ang delulu ko na talaga. Ang lapit niya sa akin. Ilang inch na lang ang pagitan ng mukha namin. Binulungan ako ng alak...na gawin ko na. I will not do that again."

Nakatitig lang si Minty sa kanya na hindi alam kung matatawa ba ito o sisigawan siya. "Ang una mong gawin ay huwag na huwag ka nang uminom, Fauna Cleo Candreva. Mabuti ay si Dash 'yon na hindi papatulan. Hindi ka pagsasamantalahan. Paano kung...masamang tao ang nandoon? Edi...mag-ingat ka na sa susunod! Malalagot ka sa kuya mo kapag nalaman niya 'to!"

Siya naman ngayon ang napatitig sa kaibigan. Iba talaga kapag naging prangka na ang bibig ni Minty. Ang lala talaga ng hindi siya papatulan.

"Hindi na ako iinom."

"Dapat lang siguro. Dahil baka kung iinom ka ay lahat ng makikita mong lalaki ay si Dash at bigla ka na lang susugod. Hindi na tatablan ng dasal ang masamang espirito na sumapi sa'yo. Baliw na baliw ka 'don. Ikakasal na 'yon..."

"Magso-sorry ako kay Emerald."

"Huwag na! Baka mag-away pa 'yong dalawa!"

"Ako lang naman ang gumawa. Hindi naman gumalaw si Dash. Saka ilang segundo lang naman 'yon."

"Kaya huwag ka na lang mag-sorry! Kasi hindi naman 'yon big deal kay Dash. Sa'yo lang big deal kasi delulu ka!"

"Sobra ka naman!"

Carved Fantasy (Hacienda Alegre Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon