Kabanata 1: Ang Gamot Sa Takot Ay.....

15 1 0
                                    

February 15 2024 sa paaralan ng Cordova Fathom Academy. Ang section ng James of Fathom ay may ginagawang activity na kung saan ay gagawa sila ng infomercial at magshoshot lang sila ng scene sa loob ng school campus. Ang infomercial na gagawin nila ay tungkol sa product na may chemical reaction. Ang activity nila ay hinati sa limang grupo. Ang bawat grupo ay may anim na miyembro pero ang iba ay pito. Ang unang grupo ay sina Allen, Justine, Nino, Mike, Alliya at Queenjay. Nagshoot sila sa garden ng school campus. Ang produkto nila ay shampoo. Si Justine ang direktor nila.

Justine: Alliya dapat wag masyadong mabilis yung paglingon mo, yung medyo mabagal.

Mike: Yung script na memorize ko na.

Justine: Sige, pagkatapos nito doon tayo sa scene mo Mike.

Sa pangalawang grupo ay sina Ken Carpez, Blyte Anay, Cherlene Demafeliz, Glaiza Madsa, Chariz Caligid at Aldred Berdin. Ang produkto naman ng infomercial nila ay Eskinol. Sa canteen sila nag shoot ng infomercial nila dahil sa mga oras na yon ay walang masyadong tao sa lugar. Ang role ni Aldred Berdin ay isang bakla at si Glaiza naman ang pokus ng komersyal.

Cherlene: Lakasan mo boses mo Blyte.

Blyte: Mahina pala boses ko?

Chariz: Oo lakasan mo kunti at Ken adjust ka kunti wag kang dumikit kay Blyte.

Blyte: Ayusin nyo ha, dapat magmukhang maganda ako diyan.

Cherlene: Sige na! Bilisan na natin malapit na ang time ng next subject natin.

Chariz: Ayusin nyo ah, wala na akong storage.

Sa pangatlong grupo naman ay sina Psalm Mendoza, Eirl Diwatco, Althea Igot, Chermelyn Primacio, Zwyn Baguio at Abegail Cabardo. Sila naman ay nasa library at nageedit na sila sa kanilang infomercial dahil tapos na silang mag shoot sa lahat ng mga scenes.

Althea Igot: Anong Editor ang gagamitin natin? Mag cacupcut lang ba tayo?

Psalm: Wag yan, Kinemaster na lang. Ako na bahala sa pag edit.

Althea: Ayusin mo ha, yung tayo ang mananalo.

Van: Lagyan mo rin ng background music yung sasakto sa video natin.

Sa pang-apat na grupo ay sina Jamaica Bentulan, David Bentazal, Christlee Garcia, Christian Augusto, JC Gabunada, Gwen Allyson, Vickie Gorre. Ang infomercial naman nila ay green cross alcohol. Nasa science laboratory 1 sila nagfilm ng kanilang task.

Gwen: "Ito ay proven to be tough on germs by helping kill 99.99% of representative germs tested that cause 100+ diseases. Meron din itong nature-based ingredients formulated to be gentle on your kid's sensitive skin, with regular use!"

*Sa huli ng video ay hinawakan ni Gwen ang alcohol at sinabing "Happy ang playtime with your Trusted, Tested. Green Cross!"

Jamaica: Ok, Cut!! Nice Gwen! Dalawang beses lang tayo nag retake! JC ikaw na bahala sa edit ha, esesend namin ang mga video sayo.

Christian Augusto: Guys CR muna ako ah, babalik ako.

Pumunta si Christian sa CR. Habang umiihi siya ay may narinig siyang ingay sa kabilang parte ng CR. Ang pinto ay kuma kalabog. Lumabas siya at may planong buksan ang pinto ng isa pang banyo. Binuksan niya ito at inatake siya ng isang infected.

Balik sa panig nila Psalm, Eirl, Althea, Chermelyn at Abegail ay habang nagtutulungan sila sa pageedit ay may biglang pumasok sa library na isang lalaki na nanghihina at dumudugo ang leeg. May lumapit na isang guro upang tulungan ang lalaki ngunit namatay ito "Patay na siya" sabi ng guro habang tumitingin sa mga estudyante. Tinignan ulit ng guro ang lalaking estudyante at biglang bumukas ang mga mata nito at kinagat sa ilong ang guro. Natanggal ang ilong ng guro at pagkatapos ay umatake naman ang infected sa isa pang estudyante at dito ay sa mata niya kinagat. Nakita ito ni Psalm at ng kanyang mga kasama at lumabas agad sila sa library. Paglabas nila ay marami silang nakitang infected na kinakain ang mga tao.

Balik sa panig ni Christian ay sinakal niya

Ang infected gamit ang dalawang kamay ngunit malakas ang infected. Ginamit niya ang kanyang lakas at natumba ang infected at mabilis na nakalabas sa Comfort Room. Paglabas niya sa comfort room ay maraming nagtatakbuhan na mga estudyante.

Sa panig naman nila Ken, Cherlene, Chariz, Blyte, Aldred, Glaiza ay habang nag-shohoot sila ng scene ay may narinig silang malakas na sigaw. Tumingin silang lahat sa labas ng canteen at nakita nilang may babaeng pumasok sa canteen at nanghihingi ng tulong dahil kinakain siya ng isang infected.

Blyte: Uy ano yan? Tulungan mo Aldred!

Aldred: Oh bakit ako? Baka ako suntukin ng lalaking yan.

Ken: Wag umalis na lang tayo dito, para hindi na tayo madamay, tara na bilisan natin!

Cherlene: Mabuti pa, sige umalis na tayo dito.

Paglabas nila sa Canteen ay maraming tao ang nagtatakbuhan.

Aldred: Anong nangyayari?

Glaiza: Dae anong gagawin natin? Saan tayo pupunta?

May bumangga kay Aldred na isang estudyante at natumba, tinayo niya ito at nagtanong siya.

Aldred: Boi anong nangyayari? Anong Meron!

Estudyante: Tumakbo na kayo! May mga halimaw! Kakainin nila kayo, ayan na sila!

Tumakbo ulit ang estudyante at tumingin silang anim sa kanan at nakita nila ang maraming infected at hinahabol ang mga guro at estudyante. Bumaba sila sa 2nd floor ngunit maraming infected sa baba kaya bumalik sila at tumakbo at umakyat sa 3rd floor. Bumalik sila sa kanilang classroom at doon pumasok. Sinaraduhad agad nila ang mga pinto at bintana. Sa loob ng classroom ay nandoon sila Ken, Blyte, Claire, Cherlene Aldred, Eirl, Psalm, Althea at Chermelyn.

Eirl: Anong gagawin natin?

Aldred: Malapit ng mabasag ang mga bintana, makakapasok na sila.

Sa panig naman nila Justine, Nino, Mike, Alliya at Queenjay ay nasa loob sila ng seven eleven na malapit lang sa paaralan nila. Doon sa loob ay may kasama pa silang ibang survivors na si Sandra na isang cashier, Bobong na isang traffic enforcer, Rolando na isang security guard, Alfredo na isang businessman at isang eight years old na babae na nagngangalang Bea.

Alfredo: Kahit anong mangyari wag kayong magpa papasok.

Nino: Sir yung kamay mo may malaking sugat.

Alfredo: Oo, bwesit kinagat ako ng isang tambay doon. May gamot ba kayo diyan?

Justine: Maghahanap ako.

Mike: Ano ba talaga ang nangyayari?

Queenjay: Yung phone ko lowbat.

Alfredo: Ang sakit ng ulo ko! may biogesic ba kayo diyan?

Nakita ni Queenjay ang bata na natatakot at umiiyak. Lumapit si Queenjay sa bata at nakipag-usap.

Queenjay: Nasaan ang mga magulang mo?

Bea: Pinatay na sila ng mga monster.

Niyakap ni Queenjay ang bata at sinabing "Wag kanang matakot, nandito kami"

Sa panig naman ni Jamaica, Christlee, David, Christian, JC, Vickie at Gwen ay nasa loob sila ng laboratory at may kasama silang isang gurong nag ngangalang Reymart. Umupo si Reymart sa sahig.

Reymart: Nakapatay ako, inatake nila ako kaya pinatay ko sila.

Jamaica: Anong nangyayari?

Sumagot si Reymart habang siya ay hinihingal.

Reymart: Kumakain sila ng tao, wag kayong lumabas magiging halimaw kayo.

Christlee: Sir, may sugat kayo.

Tumayo si Reymart at pagkatapos ng ilang segundo siya ay nahimatay.

FarlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon