Alas 5 ng hapon ay nasa loob ng kanilang klasrom sina Althea, Eirl, Aldred, Cherlene, Chariz Claire, Chermelyn, Psalm, Ken at Blyte. Maraming mga infected sa labas at malapit ng mabasag ang mga bintana.
Althea: Ano ang gagawin natin?
Naisipan ni Ken na dumaan sa isa pang bintana. Sa ibaba nito ay malapit lang sa mga storage room o storage house. Walang infected sa ibaba kaya dito naisipan ni Ken na dito sila dumaan.
Ken: Dito tayo dadaan.
Althea: Tatalon tayo diyan?
Ken: Yung mga kurtina kunin nyo, hatiin natin. Aldred! Eirl! Itali niyo to sa lamesa! Bilis!
Tinali ni Eirl at Aldred sa lamesa ang mga pinunit ni Ken na mga kurtina.
Ken: Sige! Sinong unang bababa?! Bilisan niyo!
Blyte: Ako na lang.
Dumaan si Blyte sa bintana hawak ang kurtina. Tagumpay na nakababa si Blyte.
Ken: Althea ikaw na! Bilisan mo! OA mo tangina!
Si Althea ang sumunod at tagumpay din siyang nakababa. Pagkatapos ni Althea ay si Psalm at sunod ay si Chariz Claire at sumunod si Cherlene. Pagkatapos bumaba ni Cherlene ay nabasag na ang bintana at nakapasok ang isang infected. Hinablot nito si Eirl at tumulong si Aldred. Sinuntok niya sa mukha ang infected na humablot kay Eirl.
Ken: Chermelyn! Bilisan mo!
Bumaba na si Chermelyn. Tinulungan ni Ken si Eirl at Aldred. May nakitang gunting si Ken sa teacher's table, kinuha niya ito at sinaksak sa ulo ng infected. Nasira na ang pinto at nakapasok ang mga infected.
Alas 7 ng gabi sa panig nila Justine, Queenjay, Mike, Alliya at Nino.
Mike: Bakit lima lang tayo, nasan si Allen?
Nino: Nakita ko siya pumasok siya sa simbahan.
Si Queenjay at Alliya naman ay ginamot nila ang sugat ni Alfredo. Umupo si Alfredo malapit sa mga refrigerators ng mga softdrinks.
Alfredo: Ang sakit ng ulo ko.
Alliya: Ano ba talaga nangyari sa inyo sir?
Sumagot si Alfredo sa malumanay na boses. Hinihingal siya at umiiba ang kulay ng balat.
Alfredo: Sinabi ko na kanina yan, may kumagat sakin.
Queenjay: Yung balat niya.
*Dumating si Nino
Nino: Lumayo kayo diyan.
Alliya: Bakit?
Nino: Wag mo nang itanong, lumayo kayong dalawa diyan.
*tumayo si Alliya at Queenjay
Nino: Baka maging katulad din siya ng mga nasa labas kaya mas mabuting lumayo kayo sa kanya.
Alfredo: Gusto mo ba akong mamatay?
Nino: Mas mabuting mamatay kana lang.
Alliya: Bat mo sinabi yon?
Tinawag ni Sandra ang mga taong nasa loob ng Seven eleven. Siya ang cashier ng seven eleven.
Sandra: May magandang balita, sa roro may mga sundalong darating. Bukas ng alas siyete ng umaga.
Justine: Paano tayo makakarating don?
Sa panig naman ng bata na si Bea ay lumapit siya kay Alfredo at nakipag-usap.
Bea: Anong nangyayari sayo? May sakit kaba?
Alfredo: Malapit na akong mamatay.
Pumikit si Alfredo at nagtaka si Bea.
BINABASA MO ANG
Farlight
Science FictionAng kwentong ito ay tungkol sa mga estudyante na kailangan makasurvive sa isang apocalypse. Ang makakalaban nila ay mga infected, tao at mga iba pang halimaw. May plot twist ang kwentong ito! Alternate Version ito ng Forever Painful. Ang section ng...