"You can call me Mom or Tita-Mommy, whichever you like." Ms. V smiled shyly at me, reaching out for my hand across the table.
Agad kong inangat ang kamay ko at kinuha ang wine glass, refusing to be touched by her. I drank the wine in one take. "Sure, Ms. V," I answered her without even throwing her a glance.
Naramdaman kong nag-iwas siya ng tingin sa akin at bumaling na kay Daddy.
It's past 11PM and we're here at the gazebo. Nagsiuwian na ang lahat ng guests at kami na lang pamilya ang natira.
They are talking about work, studies and the wedding. Hindi ako nakikisali. Hindi ako kumakain. Kanina pa nila ako pinipilit pero hindi ako sumusunod. Why would I?
"I've had enough," I told them. Enough sa pagkain at enough sa mga surprises nilang walang sense.
I scoffed at the sudden realization. Kaya pala ang bait ni Dad kay Sonnet noong nalaman niyang kapatid siya ni Kuya Cart kasi anak sila ng babae niya. Kaya pala ayaw niyang dumadalaw kay Mommy kasi tatlong buwan na pala siyang engaged. Ang galing niya naman magtago.
Ang galing nila magtago.
It's not that I don't want my Dad to be happy pero why the hell would he want to re-marry? Alam naman niyang kasal pa sila ni Mommy. Nagrerecover lang siya sa ospital, hindi pa siya patay.
Humigpit ang hawak ko sa wine glass, dala ng mga naiisip. Hindi ko maatim na makitang may kasama si Daddy na ibang babae habang si Mommy ay naghihirap sa medication para lang makabalik sa amin.
Besides, he's fifty years old already! Bakit hindi na lang niya asikasuhin ang family at business niya? Bakit kailangan pa niyang pumasok sa bagong relasyon?
"Excuse me." Tumayo ako at tinignan si Dad. "I'm going to bed. Maaga pa bukas." I didn't wait for him to respond. Umalis na ako.
I removed my stilettos and was almost halfway to our hotel nang bagalan ko ang paglalakad. Pinagmasdan ko ang paligid. Marami pa ring turista ang naglalakad. Meron ding mga nakakumpol sa isang tabi ng buhanginan at nanunuod ng fire dance.
All of them were happy and enjoying their time here. Samantalang ako, parang pinagtripan ng panahon.
I sneered at the thought of Dad and that woman. Kaya pala gustong-gusto ni Daddy na sumama ako sa bakasyon na 'to imbes na magstay ako kay Mommy dahil pala may plano silang ganito.
Good thing for them na dito nila in-announce ang engagement nila dahil wala akong pwedeng pagtakbuhan dito. Hindi ako pwedeng magrebelde. Wala akong pwedeng puntahan. Wala dito si Mommy. Wala akong choice kung 'di tanggapin at pakinggan ang lahat.
Tumingin ako sa kalangitan. Masyadong makinang ang mga bitwin at buwan ngayon, ni hindi man lang nakisama sa nararamdaman ko.
Bukod sa ingay ng mga tao, ang alon sa dagat ang namayani sa pandinig ko. Parang gusto ko na lang maupo sa dalampasigan at unti-unting tangayin ng alon.
I thought of Mommy. Paano ko ba 'to sasabihin sa kaniya? Anong gagawin ko kapag nalaman na niya at hindi niya makaya 'yong balita?
Hindi ko kakayanin kapag nagalit siya sa akin. Siya lang ang makakaintindi sa nararamdaman ko.
I laughed, pitying myself. Kahit si Kuya Ali, hindi ako maiintindihan. Of all the people I love, bakit kailangang si Daddy at Kuya pa ang unang manakit sa akin? Bakit kailangan sila pa ang maglihim sa akin?
I heaved a heavy sigh, trying to calm my nerves. Gusto ko nang umuwi pero hindi sa bahay. Sana nasa ospital na lang din ako sa tabi ni Mommy.
Nang marinig ko ang tawanan nila Sonnet ay napalingon agad ako sa likod ko. They're heading in my direction. Hindi ko alam kung nakita nila ako o pauwi na rin silang lahat.
BINABASA MO ANG
Dis-Engagement Proposal
JugendliteraturIn a desperate attempt to mend her broken family, Olivienne hatches a daring plan: sabotage her father's impending wedding to another woman by dating the bride-to-be's son. As she navigates the delicate balance between love and loyalty, Olivienne gr...