Pilit kong iniiwasan si Klaxon buong araw. Mukhang naintindihan niya naman ang gusto ko kaya minsan nalang siyang sumusunod sa akin.
Nasa sala kami ngayon. Nanonood ako ng tv habang kumakain ng tsokolateng bigay niya. Tinanggap ko dahil mukhang masarap at natatakam din. Ito yata ang pangalang cravings ko ngayon. I do love chocolates, hindi nga lang lagi dahil nililimitahan ko ang sarili ko. Binigyan ko rin naman sina Maleng Sales at Juanito, sino na nagbigay kay Miya dahil nag walkout ito kanina nang makita sa akin binigay ni Klaxon ang mga tsokolate. Kahit kailan talaga napaka-arte ng babaeng iyon.
"Ayos naba ang pakiramdam mo, Kelra? Pasensya kana ah, akala ko kasi paborito mo parin ang paksiw kaya ko hinanda sayo." Ngumiti at tumango ako kay Manang Sales. Paborito ko parin naman ang paksiw kaya lang ayaw yata ng anak ko. Hindi ko naman puwedeng pilitin ang sarili na kainin 'yon baka mas lalo lamang sasama ang pakiramdam ko.
"Ayos lang ba sayo 'tong mga tsokolate?"
"Ayos lang naman po. Kakain lang po ako maya-maya kapag dinalaw ng gutom,"
"Anong gusto mo? Ipagbili kita ng pagkain sa labas." Singit ni Juanito.
"Ako nalang ang bi—"
"Malinis ba mga pagkain niyo sa labas?" Napatingin kami sa papalapit na katawan ni Klaxon.
Mabilis na tumayo si Manang Sales habang si Juanito naman ay bakas ang pagkairita. "Papansin talaga." Bulong niya na ako lang nakakarinig. Mas malapit kasi siya sa akin.
"Ah, oo naman, Sir!"
"No need. Ako na ang bibili ng pagkain niya. Huwag niyo na siyang pakainin dito, I can provide her needs." Gusto kong umapila dahil sa ugaling pinakita niya. Alam kong hindi siya mabait pero sumusobra naman yata 'to.
Umasim ang mukha ni Manang Sales. "Sanay siya sa mga pagkain dito, Sir." Sagot ni Juanito. Nabaling sa kanya ang tingin ni Klaxon.
"Huwag kang sumagot kung hindi ka kinakausap." Mainit na naman ang kanyang ulo.
Padabog akong umalis sa puwesto ko. Inis kong binigay sa kanya ang mga tsokolate at nagpasya na umakyat na muna sa sarili kong kwarto. Kapag kasi tumagal ako dun ay talagang sasabog na naman ang inis ko sa kanya. Lagi nalang siyang nakikialam sa buhay ko. Bakit hindi niya pakialaman ang nanay ko na nasa bahay niya ngayon? Argh bwesit!
Humiga ako sa kama. Malinis ang kwarto ko, nandito parin ang lumang mga gamit ko. Mga litrato namin noon ni Daddy at Mommy ay nandito. Hindi ito binubuksan ni Manang Sales kapag wala ako rito.
Dahan-dahan kong pinikit ang mga mata. Magpapahinga na muna ako, nakakastress kasi si Klaxon. Sunod ng sunod na parang aso. Hindi ba siya nag-aalala sa mama ko? Baka kanina pa 'yon naghahanap sa kanya. Akala ko ba mahal niya?
Bukas nalang din siguro ako uuwi. Wala namang pasok. Kakausapin ko nalang mamaya si Jenie pagka-gising ko. Inaantok kasi ako.
Kinuha ko ang kumot na nakatapi at nilagay sa katawan ko. Walang aircon ngayon sa loob dahil nasira. Tanging electric fan lamang ang nagsisilbing hangin ngayon sa loob. Sanay naman ako kaya komportable akong natulog.
Naalimpungan ako nang may naramdaman akong mainit na bagay sa aking hita. Tumagilid ako para iwasan kung kamay ba 'yon or ano. Antok na antok pa ako kaya sinawalang bahala ko.
Ngunit hindi parin tumigil. Mas lalo pa nitong hinaplos ang legs po pataas sa pagkababae ko. Mabilis akong bumalikwas at nanlaki ang mga mata sa pigura ni Klaxon.
"Anong ginagawa mo rito?!" Umatras ako. Inayos ang uniform kong suot. Shuta naman talaga.
"Its time to eat, Kelra." Ito na naman ang pagkain na gusto niya.