CHAPTER 28

7.1K 49 3
                                    


"Mommy, tita, tito. You should go home and rest, ako nalang po muna ang magbabantay kay Stella hanggang sa makarating si Red."

We're at my cousin's room, and it's already 5 in the afternoon and they look tired. Halos limang oras na kaming nakabantay sa kanya. Nakahiga si Stella sa hospital bed nya wala pa syang malay habang kami naman kanina ay nagkekwentuhan sa mga bagay bagay at mga kaganapan sa aming mga buhay.

"Are you sure hija, is it okay with your husband?" tanong pa tito Darius. Naalala ko bigla si Zeke. Sigurado naman akong walang paki alam yon kahit anong oras pa ako umuwi.

"Yes tito, and besides, susunduin naman ako ng asawa ko mamaya dahil nag taxi ako papunta dito" sagot ko nalang kahit wala namang alam si Zeke sa nangyari. Sinabi ko lang iyon para matapos na ang usapan at para makauwi na sila upang makapag pahinga.

Tumango naman sila at tumayo bago isa isang nagpaalam nagpaalam. Niyakap nila ako ay humalik sa pisngi ko. Humalik din ang mga tito ko sa noo ni Stella bago tuluyang nagpaalam.

"Bye take care on your way po" paalam ko at kumaway pa.

Nang makalabas na sila ay lumapit ako sa bed ni Stella at pinagmasdan ang maamo nyang mukha. Walang kahit anong sugat sa kanyang mukha pero may nakapalibot na bandage sa kanyang ulo. Her lips become pale but it doesn't even lessen the beauty she has. Naawa ako sa kalagayan nya. Ang dating mataray na mukha ni Stella ay naglaho, walang kahit na anong bakas ng tapang, nu hindi ko makikitaan ng kahit anong pagkataray ang kanyang mukha ngayon.

Huminga ako ng malalim bago umupo sa upuan, sa tabi ng kanyang bed. Inabot ko ang kanyang palad, hinawakan ko ito ng magaan habang ang aking mga mata ay nakatingin lang sa kanyang mukha.

Sa ganong posisyon ay narinig ko ang pagbukas at ang pagsara ng pinto, hindi na ako lumingon dahil alam ko kung sino iyon, maya maya pa ay nagsalita ito.

"Im sorry, ngayon lang ako nakarating, how is she?" Nilingon ko sya at tumayo bago lumapit sa kanya. Hinihingal ito at habol ang hininga, para bang tinakbo nya ang daan mula Baguio hanggang Manila. Huminga ako ng malalim, humawak ako sa magkabilang balikat nya bago sya sinagot.

"Comatose ang pinsan nati----" hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin dahil bigla itong yumakap sa akin umiyak na parang bata.

"hey!" suway ko dito at hinatak ang kanyang damit sa likod para pigilan ito.

"Cuz, Yong pinsan natin, marami pang plano yan. Marami pang dapat tapusin yan. Paano na nya mapapaamo yong lalaking yon kung comatose sya?! She'll be asleep for how many months? or maybe years? omyghad! couz! hindi ko sya kayang tignan!" saad nya habang umiiyak at pumapadyak pa. Para syang isang baklang nagrarant dahil iniwan ng lalaki nya.

Over acting na sya! myghad Red mas babae kapa sa babae!?

"Red, relax! Ilang araw lang syang magiging si sleeping beauty, okay?! baka bukas gising na sya, masamang damo yan eh." Sigaw ko sa pagmumukha nya ng sa wakas ay naihiwalay ko sya sa akin. Natauhan sya sa sigaw ko. Natahimik sya at para bang napahiya dahil sa sinabi ko, Gusto kong matawa sa itsura nya pero hindi ito ang tamang panahon para tumawa. Tumingin ako sa mukha nya, Wala man lang ni isang patak ng luha.

"How did you cry without any tears?" natatawang tanong ko.

"a-ah b-bakit hindi mo agad sinabi na magigising naman pala sya kaagad?" sagot nito imbis na sagutin ang tanong ko. Hindi parin makatingin sa akin ng deretso, tila ba nahihiya.

"hindi ko kasalanan kung sobrang OA mo at hindi mo ako pinatapos magsalita kanina." nameywang ako habang nakaturo ang aking hintuturo sa kanya.

"okay, okay, it's my fault" pagsuko nito, kaya gumulid ako para makadaan sya palapit kay Stella. Naglakad ako papunta sa sofa para maupo. Umupo. naman si Red sa inuopuan ko kanina. Pinagmasdan ko lang sila.

"Stella, wake up, maybe he's waiting, they're waiting, baka sabihin non na hindi wala kang isang salita. Sigi ka, baka mas lalong magalit yon sayo." Rinig kong kinakausap nya sa pinsan namin. Hindi ko masyadong narinig pero na curious ako kaya lumapit ako para marinig ko ang sinasabi nya. Hindu naman sa chismosa ako, pero curious lang talaga ako, and besides they are a family members naman.

"Gumising ka na, prove him that she deserve you"

what is he talking about? may hindi sila sinasabi sa akin. Maybe he's talking about her work, someone that is related to her work. Hahayaan ko na pero, ang sabi na utak ko ay tanungin ko.

"Sino yon? Anong sinasabi mo?" tanong ko nang hindi ako nakapag pigil

"search mo." sagot nito nang hindi tumitingin sa akin. Kumunot ang noo ko.

What? san ko isesearch? Huli kong natealize na pilosopong sagot iyon.
Napapikit ako sa inis at gusto kong sapakin ang lalaking ito ng three hundres sixty degrees! But of course it's just a joke, hindi ko kayang manakit ng iba.

Inirapan ko ito. at kahil gusto kung malaman ay tinungo ko ang pinto.

"Bantayan mo yang pinsan natin ah. Babalik ako bukas. Uuwi na ako, bye!" Paalam ko bago hinila ang seradora ng pinto upang mabuksan ang pinto.

"yea, take care." rinig kong sagot nito bago ko tuluyang masara ang pinto.

Dumeretso ako sa parking lot para maka uwi na rin dahil ramdam ko ang pagod ko para sa araw na ito.

*****

Pagkarating ko sa bahay ay wala pa ang sasakyan nya, hindi pa sya nakakauwi, sabagay, six palang naman. Masyado pang maaga para umuwi sya, dahil kadalasan nga ay ginagabi na syang umuwi, hindi ko alam kung sa opisina sya nananalagi o kung may iba pa syang pinupuntahan. Sa dalawang buwan naming pagsasama ay nasanay na ako sa ganoon. Hinayaan ko nalang at bumaba ng sasakyan. Pumasok ako sa loob, binuksan ko ang ilaw, bago tinungo ang hagdan hanggang sa marating ko ang kwarto ko. Binuksan ko ang pinto bago pumasok. Tinanggal ko lang ang stelito ko at naglakad patungo sa bathroom para makapaglinis na ng katawan.




UNWANTED VOWS [LaurierSeries#1]Where stories live. Discover now