Chapter 5
--------
Lee's Pov
Paglabas ko ng locker room, sumunod agad si Alexis dala yung mga gamit niya.
"Uy Lee! Wait! Matapos mo kong pag-antayin iiwan mo lang ako?"-sabi nya. Tumigil naman ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Sorry na ho."-sabi ko.
"Eh san ka ba kasi galing? Ang tagal mo."-tanong ni Alexis. Sasabihin ko ba? Hindi pwede! Sasama ang loob sakin ni Alexis. Baka sabihin niya sya nag-aantay tapos ako kumakain lang kasama ang iba. Wow! Para naming kami ha? As if!
"W-wala. Teka. Maiba tayo. Totoo ba?"-tanong ko. Kumunot naman yung noo nya.
"Yung hindi na daw yung pamilya mo ang may-ari nitong school?"-tanong ko.
"Bakit? Ayaw mo na ba sakin?"-tanong niya.
"Anong tingin mo sakin? Gold digger? At tsaka bakit? Tayo ba? Hindi naman ah? At tsaka hindi rin naman ako nagpapaligaw sayo. Kaya walang 'TAYO' mmp!"-sabi ko sabay patuloy na sa paglalakad.
Narinig ko lang syang tumawa at sumunod sakin.
"Kanino mo nalaman?"-tanong nya. Tiningnan ko sya. Hindi sya nakatingin sakin.
"D-dyan lang. Sa mga chismosa nating schoolmate."-sagot ko pero the truth is kay ms. Dianne ko nalaman.
"So ano? Totoo nga?"-tanong ko. Nagnod naman sya.
"May kakatransfer lang dito last week. Galing sya sa isang branch ng Elite. Binili ng pamilya nya kay papa ang lahat ng branch ng Elite kasama tong main branch."-explain ni Alexis. Oo nga pala. Etong school namin ang main branch ng Elite.
"Yung transferee, isa syang gangster."-pagkasabi nun ni Alexis, bigla akong kinilabutan. Confirm! Si Sojirouh nga! Huhuhuhu.
"Lumipat sya dito kasama yung mga kagrupo niya. Kaya sila lumipat dito dahil marami na ang napapatay ng transferee na yun sa lugar kung saang branch ng Elite sya galing. Hindi pa sya nakukulong o nakakasuhan dahil iba ang nagagawa ng pera. Kagabi, pumunta ka ba sa E-Bar?"-tanong ni Alexis. Nanlaki lalo yung mga mata ko pero hindi ko pinahalata kay Alexis. Naalala ko na naman yung pinaggagagawa ko sa E-Bar. T.T
"Ah. H-hindi. Hindi ako pumunta. Bat naman ako pupunta dun."-pagsisinungaling ko.
"Buti naman. Dahil nagkagulo daw dun. Si Mark..."-banggit ni Alexis. Ramdam ko yung awkwardness nung binanggit ni Alexis yung pangalan ni Mark. Haler? Remember? War issue.
"Kinalaban daw ni Mark si Sojirouh. Bugbog sarado daw si Mark. Kaninang umaga kakasugod lang daw sa ospital ni Mark. Kritikal. Binalikan daw kasi sya ni Sojirouh."-nagulat ako sa sinabing yun ni Alexis.
"ANO?! Pero kanina lang---"-pinutol ni Alexis yung sasabihin ko.
"Si Mark. Bihira lang ang may makatalo sa kanya."-sabi ni Alexis. Alam mo yung nafefeel ko? Syempre hindi. Haha. Basta! Nafefeel ko na kahit may war issue sila Mark at Alexis ramdam ko pa rin yung pagwoworry ni Alexis kay Mark. Parang kapatid nya na rin kasi yun.
"Bihira talaga. Ikaw nga lang ata eh."-sagot ko.
Sandaling tumahimik...
"Alexis..."-pagtawag ko sa kanya.
"Mmh?"
"Bakit?"-tanong ko. Kumunot ulit yung noo nya.
"Bakit iniwan mo yung pagkagangster mo at tumutok ka sa pagbabasketball?"-tanong ko. Halos tatlong taon na din since nakilala ko yung Alexis na gangster.
"Tinatanong pa ba yan? Syempre kung ako pa din ang leader nila Mark, malamang laging nasa panganib yung babaeng sobrang mahal ko."-sagot nya. Yup. Gangster dati si Alexis. Sya ang leader nila Mark. Pero ngayon, si Mark na ang leader dahil umalis na si Alexis sa grupo and besides sya naman ang sumunod na magaling kay Alexis eh kaya walang duda na sya yung magiging kasunod na leader.
"Bakit mo ba kasi nagustuhan ang babaeng yun?"-seryosong tanong ko.
"Dahil iba sya sa lahat. Sa lahat ng babaeng nakilala ko."-sagot niya.
"Alexis pano mo nagive-up yung lahat lahat sayo? Yung mga kaibigan mo, yung mga kagrupo mo, sina Mark. Yung pagiging gangster mo. Pano mo nagive-up yun lahat para sa isang babaeng di naman kayang masuklian lahat ng ginagawa mo?"-tanong ko na medyo naiinis. Hindi ako naiinis kay Alexis. Naiinis ako sa sarili ko.
"Hindi naman ako naniningil eh kaya ayos lang. Basta hayaan lang ako ng babaeng yun na mahalin sya."-sagot niya ng sobrang lapad yung ngiti. Naiinis talaga ako sa sarili ko. Kung pwede lang kasi na si Alexis na lang eh.
"Alexis..."-sambit ko.
"Lee. Pwedeng favor?"-tanong nya.
"Ano yun?"-tanong ko.
"Payakap..."-nanlaki yung mga mata ko.
"Nababaliw ka na ba? Gusto mo atang gerahin ako ng mga fangirls mo eh."-sabi ko.
"Please? Please? Just only a hug? Please? For the last time."-sabi niya. Parang kinabahan ako dun sa sinabi nya.
"Ha? For the last time? Bakit? Mamamatay ka na ba?"-prangka kong sabi. Pero ang totoo, kinakabahan ako sa sinabing yun ni Alexis.
"Yeah. Soon. Hahahahaha---"-napatigil sya sa pagtawa nung bigla ko syang niyakap.
"Alexis..."-sambit ko. Gusto ko sanang magsorry at magthank you sa kanya sa lahat ng ginagawa niya para sakin. Sa lahat ng pasakit nya. Ako, wala man lang akong nagawa para sa kanya. Pero sya... halos ibigay nya na yung buong buhay nya sakin. Iba pala sya magpahalaga. Kung pwede ko lang utusan yung sarili ko na sana sya na lang. Ayoko namang paasahin sya. Sobra na para saktan ko pa sya.
"Lee..."-sambit nya din sa pangalan ko.
Mga ilang segundo din kaming ganun bago kami kumalas sa isat isa.
"Lee. Alam mo bang sobrang saya ko?"-halos walang mapaglagyan yung ngiti niya. Napangiti din naman ako. Sa isang simpleng yakap sobrang saya na nya.
"Lee. Favor ulit. Payagan mo ko na ihatid kita sa inyo."-offer niya. Yung ngiti nya... sobrang saya niya talaga.
"Mmp! Wag na. Baka hindi ka na naman pauwiin ni mommy."-natatawa kong sabi.
"Boto kasi si mama sakin."-mayabang nyang sabi. Langyang to. Pinangatawanan niya na talaga yung pagtawag ng 'mama' kay mommy. Haha.
"So tara na?"-aya niya.
"Tara---"-naputol yung sasabihin ko ng may tumawag kay Alexis.
Sinagot nya na muna yung tawag. Ilang sandali pa, bumalik din sya agad.
"Lee. Sorry. I need to go home. Some important matter. Kung gusto mo papahatid na lang kita."-offer niya.
"Hindi na. Ayos lang. Pupunta na lang ako sa room nila Pin. Sige na. Pumunta ka na."-sabi ko.
"Sure ka?"-tanong nya. Nagnod lang ako. Pero syempre disappointed. Akala ko kasi makakalibre ako ng pamasahe pauwi. Haha. XD
"Sige."-sabi nya at akmang aalis.
"Alexis."-pagtawag ko. Lumingon naman sya.
"Ingat."-sabi ko. Ngumiti naman sya. As in sobrang lapad.
"I LOVE YOU TOO LEE!!!"-nanlaki yung mga mata ko. Nagtinginan tuloy yung mga tao. Napayuko na lang ako. Abnormal talaga yun.
Pagtingin ko sa kanya, malayo na sya. Para syang batang sumasayaw at nagtatatalon sa sobrang saya habang natakbo. Parang kala mo nanalo sa lotto eh. Haha. Ang kulit nya lang tingnan.
Napabuntong hininga na lang ako at akmang maglalakad na papunta sa room nila Pin nang...
0________________________0
"What's up?"-sambit nya.
======
A/N: Si Lee ------>
BINABASA MO ANG
Never Play With The Gangsters
Teen FictionLahat naman ata ng mga babae nangangarap ng isang maganda at mala-fairy tale na lovelife diba? Eh pano kung taliwas sa pinapangarap mong lovelife ang ibigay ni kupido? Magulo Walang katahimikan Laging nasa panganib ang buhay mo Papayag ka ba? Kung g...