Virus na kumakalat sa Pilipinas Lumala na, Mayroon lamang Isang oras upang matuligsa ang mga taong naapektuhan.
Ayan ang headline ngayon sa mga balitang makikita mo sa Telibisyon. Madaming Channel na sa Telebisyon ang offline. Ang Channel na aktibo na lang at patuloy na nakapagbibigay ng update ay ang TV-5.
"Ang Virus ay ma tratransmit sa pamamagitan ng: Kagat ng apektado sa Kahit anong parte ng katawan. Pagsalin ng laway, sa pamamagitan ng paggamit ng baso o anumang ginamit ng apektado bago mamatay ito mamatay.Huwag na itong gamitin, dilaan at isubo. Maaring ikaw ay maapektuhan din ng virus. Isarado lahat ng pintuan at bintana at huwag ng lumabas ng mga Kabahayan. Lahat tayo ay manalangin na sana ay Matapos na ito at gabayan tayo ng Maykapal" Makikita sa Reporter ang takot at panginginig. Sila ay na trap daw sa mismong building at hindi daw nila alam na may virus na kumakalat at akala mismo nila ay Lagnat lamang ito na nakukuha sa pagkagat. Ngunit nagulat sila ng Kagatin at habulin sila ng mga kapwa nila officemates at nilock nila ang sarili nila sa studio.
"Let us all pray to God. In the name of the Father, of the son, and of the holy spirit. Amen. Our Father in Heaven, Hallowed be thy name...."
Boogssssh.
"AHHHHHHHHHH!...."
"WAAAAAAH"
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH"
"IN JESUS NAME, I GIVE UP MY LIFE TO YOUU!"
Tila ata na nabalot ang buong katawan ko ng sobrang takot na hindi ako makagalaw. Nabuksan ng mga zombie ang studio. Hindi ako makapaniwala na ang mga sikat na reporter na iniidolo ko ay ganito na ang itsura. Mga matang matatamlay. Lakad na pasuraysuray ngunit mabibilis.. Bibig na nagkukumahog lapain ang sariwang laman ng tao.
Makikita sa Camera kung paano sila pag-agawan ng zombies ang laman ng mga reporter. Hindi na kinaya ng sikmura ko ang aking pinapanod kung kaya pinatay ko na ito.
Paano ko makalalabas ng bansa? Makakaligtas pa kaya ako? Buhay pa ba ang pamilya ko? Ang dami kong tanong... Bakit pa kasi ito nangyari sa Pilipinas. Ang Zombie Apocalypse.