RAMDAM ni Cruzette ang bayolenteng pagkabog ng dibdib niya. Para iyong nasa karera sa sobrang bilis ng kabog niyon. She's nervous. Ngayon ang unang beses na magagawa niyang traydurin ang kaibigang si Farage kapalit ng katahimikan ng mundo. Kailangan niyang patayin ang babae sa lalong madaling panahon, labag man iyon sa loob niya.
She loved the woman and she knows that she feels the same thing, yet she felt so quilty. Pakiramdam niya'y siya na yata ang pinakamasamang tao sa mundo. She felt terribly useless and quilty. Pakiramdam niya'y ng araw na iyon siya lilitisin.
Isa siyang walang kwentang kaibigan. Kung nagawa lang sana niyang protektahan ang nakababatang kapatid ng babae hindi sana ito mapupunta sa ganoong sitwasyon. She's a big useless.
Marahas siyang napakawala ng malalim na buntong-hininga.
𝘞𝘩𝘺? 𝘞𝘩𝘺 𝘥𝘰𝘦𝘴 𝘪𝘵 𝘩𝘢𝘴 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘺𝘰𝘶, 𝘍𝘢𝘳𝘢𝘨𝘦? 𝘈𝘯𝘥 𝘸𝘩𝘺 𝘥𝘰𝘦𝘴 𝘪𝘵 𝘧𝘦𝘦𝘭𝘴 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘴𝘶𝘪𝘤𝘪𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘥 𝘐'𝘮 𝘧𝘢𝘭𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘱𝘢𝘳𝘵?
"Oh, bat parang ang lalim naman yata ng iniisip mo. Cruzette, Are you alright? May masakit ba sayo? " kapagkuwan ay tanong ng kung sinumang nasa harapan niya.
Naroon siya sa pribadong lugar niya sa head quarters ng Magnus Red Python. Medyo masakit pa rin ang katawan niya buhat kahapon pero wala rin naman siyang pakialam.
Napakurap-kurap siya at napabalik sa kasalukuyan dahil sa tanong na iyon ng lalaki.
Mabilis siyang nagangat ng tingin upang harapin ang lalaki. Si Prescott iyon, mamumungay ang mga mata nito habang seryosong nakatitig sa kanya.
"Don't mind me, Agent Apollo. Ayos lang ako, Medyo kinakabahan lang. " simpleng sagot niya sa lalaki, at pilit na nginitian ang kausap.
Inagap ng lalaki ang mga kamay niya pagkatapos ay pinisil-pisil nito iyon at deretsong tumitig sa kanyang mga mata.
"Sigurado ka, Chaos? I'm here to listen if you ever need to talk about something that's bothering you. Don't worry, anything you say is safe to me. " puno ng pagaalala ang boses ng lalaki.
Umiling siya pagkatapos ay suminghot.
"Wala to, ayos lang talaga ako. " walang buhay ang boses na sabi niya.
She smiled bitterly as he looks at her with pity and quilt. Sigurado namang alam na rin ng lalaki ang dahilan kung bakit siya nagkakaganon, kinailangan lang nitong siguraduhin iyon. Pero wala siyang lakas ng loob na magkwento at magsalita.
"At least can I hug you? " he said.
Tumango siya bilang pagsangayon sa suhesyon ng lalaki.
Mabilis siyang niyakap ng lalaki, mahigpit iyon at talagang ramdam niya na pinapagaan ng binata ang mabigat na dinadala sa damdamin niya.
"There's nothing to worry about, Chaos. After all you already warned her. At anuman ang mangyari sa pagitan ninyong dalawa tandaan mong labas ron ang pagkakaibigan ninyo, at wala kang kasalanan. " mahabang sabi nito pagkatapos ay mabilis na pinunasan ang butil ng luha sa gilid ng kanyang mga mata, gamit ang hintururo nito.
Nang tuluyang mahimasmasan mabilis niyang binawi ang mga kamay na hawak-hawak ng lalaki.
He looked at him with a frustrated expression.
"Iwan mo na muna ako. Besides, both you and me still have to prepare for our mission. Hayaan mo na muna ako, mawawala rin to. Leave and prepare yourself. " matigas ang boses na sabi niya.
Walang salitang lumabas sa bibig ng lalaki, na agad namang tumalima sa sinabi niya at pagkatapos ay iniwan siyang magisa sa kanyang silid sa head quarters.
BINABASA MO ANG
Deceivable Temptation Series 1: The Great Seductress
RomanceSynopsis: Creed Draviane Becker a ruthless, cold-blooded and overwhelming businessman. After the death of his girlfriend, Maureen in an unwanted accident. He lost his trust to everyone. The perfect world he had became useless and miserable. Para s...