Chapter 9
"Saved"
Natahimik ang paligid nang linisan na ng mga bampira ang lugar. Maputik at malansang amoy ang siyang dama ko habang nakatitig sa rehas. Anumang oras ay mawawalan na ako ng malay dahil sa lugar. Batid ko'y nasa ilalim kami ng lupa.
Nakakatakot. Ayoko pang mamatay. Nanginginig ako sa takot nang biglang may humawak sa aking kamay.
"Alice." Nanginginig ang boses nito at parang patay na ang temperatura ng kanyang katawan sa lamig.
"Pasensiya ka na. Nadala lang ako sa emosyon ko...... Alice, gusto ko silang magdusa katulad natin."
Hindi ako gumalaw. Walang lumabas sa aking bibig. Desperado na kaming mga tao. Posible nga ba?
Hindi na nagtagal ang katawan ko at ilang oras ay nawalan ako ng malay. Sobrang sakit ng aking katawan pagkagising ko. Nasa ganoong estado parin ako.
Napakatahimik ng paligid na magdududa ka kong ligtas ka nga ba. Tahimik na nakakatakot pakinggan.
Kumakalam na ang sikmura ko, namimilipit ako sa sakit. Pilit na nilalabanan na huwag kainin ang sarili..
Napatigil ako sa pag-iisip nang napansin kong wala na ang kasama ko. Tumaya ako para tingnan ang kabuoan ng silid ngunit hindi nahagip ng aking paningin si Ria.
"Ria!" Kinakabahang tawag ko, nagbabakasakali na may sumagot ngunit dumating na lamang ang ilang oras at segundo ay walang boses na sumagot sa aking gulong isipan.
Pinantay ang dalawang paa habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko na naisip na nagugutom na ako.
Si Ria.
Nasaan siya?
Natatakot ako sa mga posibilidad ngunit pilit kong pinapakalma ang sarili dahil hindi ito nakakatulong sa sitwasyon. Kailangan ko lamang maghintay na balikan nila ako.....o baka naman kahit maglaho na ako ay talagang nasa ilalim na ako nitong lupa at binabaon na.
Muli na namang bumigat ang aking paghinga dahil sa malansang paligid. Hindi na nakatiis ang katawan ko at muling nawalan na naman ng malay. Sobrang bigat at sakit ang naramdaman ko habang nakahiga sa malamig at maputik na lupa.
Sa tingin ko'y ito na ang katapusan ko. Ngunit umaasa parin akong may sumagip sa akin.
Pagkagising ko'y ubos na ang kandilang nabibigay ilaw sa paligid. Sobrang dilim.
Dahil nga sanay na akong mangapa sa dilim ay hindi ako natakot. Ngunit mas natakot akong baka walang anino ang magpakita sa akin ngayon. Ibig lamang sabihin noon ay ipadispatsa na nila ako.
Nananalangin akong May tumulong sa akin. Ayoko pang mamatay. Naririndi ako sa katahimikan ng paligid.
"Alice."
Isang boses.
Maamo ngunit nakakatakot pakinggan. Bakit nandito siya? Ano ang gagawin niya?
"Patawad mahal na prinsipe." Batid ko'y ubos na ang dugo sa aking katawan sa sobrang takot.
"Ano ba ang ginawa mo?" Tanong nito. Bakas sa boses niya ang galit.
"Patawad."
Hinawakan ko ng mahigpit ang sarili at handa na sa magiging kapalaran ko.
"Sabihin mo. Ano ba ang ginawa mo para magdusa ka ng ganito?" Dahan dahang lumapit ang kanyang paa papunta sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
Bakit nga ba ako kinakabahan?
Tao ako. Dapat tanggap ko na ang kapalaran ko. Isa akong pain.
"A-anong gagawin mo?" Tanong ko sabay lunok ng aking laway. Hindi ito sumagot at patuloy sa paglakad.
"What have you done?"
Namalayan ko nalang na bukas na pala ang rehas. Hirap ako sa pag atras dahil sa mga natamong sugat ko.
Lumiwanag ang mapula nitong mata sa dilim na paligid. Halos hindi na ako makahinga sa halong nararamdaman.
"Patawad po. Hindi na mauulit." Naiiyak kong sambit at agad na lumuhod sa harapan niya. Nagsilabasan ang luha sa mata ko.
"It's not your fault." Sambit niya at pinantayan ang aking tingin. Inangat nito ang aking tingin. Malambot at mainit ang kanyang palad na nakaramdam ako ng ginhawa kahit sandali.
Naramdaman kong bumigat ang kan'yang paghinga. Doon pa lang ay alam ko nang hindi niya kayang lumapit sa akin ng ilang minuto.
"Prinsipe Evette?" Patay malisya kong tawag sa kan'ya habang siya naman ngayon ang nakayuko.
"Fuck I can't take it longer." Sambit nito habang humihinga ng malalim.
"Ano'ng gagawin ko?" Kinakabahan kong tanong.
"Huwag. Tumahimik ka lang." Sagot niya at binitawan ang aking baba.
Tumango ako at pilit na umaatras...
Pero papaano kong hindi niya kakayanin?
Paano kong kailangan niya din ako?
Paano kong hindi namin magawang makaalis dito?
Pero kailangan ko nga bang tulungan siya. May pagkakataon pa para makaalis ako at iwan siya dito. Ito na ang tyansa para naman makahiganti kaming mga tao sa kan'ya.
Pero bakit?
Bakit iba ang nararamdaman ko?
Bakit mas gusto ng isip kong tulungan siya at hayaan ang sarili kong itapon na lamang sa lupa. Nakakainis.
Humakbang ako at pilit na tumatakbo papalayo sa kan'ya. Dapat lang.
Nahagip na lamang ng isip kong humakbang pabalik ang aking mga paa pabalik sa kan'ya. Hindi kaya ng konsensya kong iwan siya.
"Evette." Saad ko at muling lumapit sa kaniyang nakayuko parin. Pilit na iniinom ang sariling dugo.
"Bakit ka bumalik?" Galit na tanong nito at hindi man lang binigyan pansin ang presensya ko.
"Patawad."
Agad akong lumapit sa kan'ya at hinawakan ang kamay niyang nagdurugo. Inangat ko ang aking tingin. Nagkatagpo ang aming mga tingin.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Biglaang lumakas ang tibok ng puso ko na parang kakawala na ito sa katawan ko. Anong nangyayari?
"I'm sorry." Saad nito.
Dahan dahang lumapit ang kanyang mukha sa akin at ilang dangkal nalang at magkakatagpo na ang mga labi. Hindi ko magawang makahinga.
Malambot ang kaniyang labi nang madampi ito sa labi ko. Parang tumigil ang lahat. Parang kampanti na ako sa mangyayari sa akin at parang ipinagkakatiwala ko na ang sarili ko sa kan'ya.
Pinikit ko ang aking mga mata habang patuloy kaming naghahalikan. Bakit ang gaan sa pakiramdam?
Dahan dahang lumihis ang labi niya sa labi ko. Papunta na ito sa aking leeg. Hindi ako mapakali at gulong gulo ang isipan ko. Naramdaman ko ang pangil nito na pilit pinipigilan na kagatin ang leeg ko.
Banayad niyang binaon ang kanyang pangil sa akin na parang takot siyang masaktan ako. Bumigat ang paghinga ko nang maramdaman ko ang hapdi. Hinawakan ko ang balikat nito habang ang dalawang kamay niya naman ay nakahawak sa aking beywang.