Chapter Twenty-Seven:

6 4 0
                                    


"Bumalik na si Darkness," sabi ni Arthur sa mga kaibigan niya habang hawak nila ang kanilang mga baso na may lamang alak habang nakatayo sa isang gilid sa loob ng reception.

"Alam ko," tugon ni Johan saka ito napayuko.

"Paano?" Kunot-noong tanong ni  Tyson dito.

"Kailan pa? Bakit hindi mo manlang sinabi sa amin?" Tanong din ni Dave.

"Kanina ko lang nalaman," sagot ni Johan tapos isa-isang tinitigan sa mata ang mga kaibigan niya. "Hindi aksidente o sinadya ang kulay ng gown ni Valerie,"

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Arthur.

Ilang sandali natahimik si Johan, saka ito huminga ng malalim. "Sa tingin namin pinadala ni Darkness ang abo ni Valetta kay Valerie para sabihin na isusunod niya si Valerie,"

Dahil sa sinabi ni Johan, nanlumo ang mga balikat ng mga kaibigan niya at halata sa mga mukha nila ang gulat at pagkadismaya sa mga maaaring mangyari.

"Anong gagawin mo?" Tanong ni Dave.

"Hindi ko alam," sagot ni Johan habang umiiling.

"Hindi na tama ang ginagawa ni Darkness kung idadamay pa niya si Valerie," sambit ni Tyson.

"Sandali," sambit ni Arthur kaya napunta sakanya ang atensyon ng mga kaibigan niya. "Bakit isusunod ni Darkness si Valerie kung wala namang nagawang masama si Valerie sakanya?" 

"Para makaganti sa akin?" Sagot ni Johan na hindi sigurado.

"Kung ganoon, dapat ikaw ang pinadalhan niya ng babala. Dapat sa iyo niya pinadala ang abo ni Valetta," sagot ni Arthur kaya napatango sila Dave at Tyson.

"Ang gulo, hindi ko maintindihan," sambit ni Johan.

"Ganito, nangako si Darkness na poprotektahan niya si Valetta at sakanya si Valetta, kaya kung mapupunta sa iyo si Valetta mas magandang mamatay na lang si Valetta," simula ni Arthur.

"Wow. Hindi ko alam na nag-iisip ka pala," bulong ni Tyson dito kaya kunot-noo nila siyang tinitigan.

"Tsk." Sambit ni Dave. "Arthur, ituloy mo ang sinasabi mo," baling nito kay Arthur.

"Okay, sa madaling sabi, bakit gagawin ni Darkness ang ginawa niya kay Valetta kay Valerie kung si Valetta lang naman ang gusto ni Darkness at hindi si Valerie. Isa pa si Johan lang naman ang may atraso kay Darkness, at silang dalawa lang naman ang may mainit na dugo sa isa't isa, kaya bakit madadamay si Valerie sa alitan nilang dalawa?" 

"Wow." sabay-sabay na sambit ng tatlo pagkatapos sabihin ni Arthur ang kanyang mahabang paliwanag sa nangyayari.

Napailing lang naman si Arthur tapos mariin na ipinikit ang kanyang mga mata.

"Kung ganoon, ano ang gusto mong iparating?" Tanong ni Dave dito.

Ilang sandali tinitigan ni Arthur si Dave ng walang emosyon sa kanyang mukha. "Nakikinig ba kayo?" Tanong nito.

"Oo naman," sabay-sabay na sagot ng tatlo kaya napabuntong hininga si Arthur at nakita ang anino ni Francisco na pinagmamasdan ang galaw ni Valerie kasama ang mga kaibigan nito.

"Ang gusto ko lang malaman ay kung ano ang ginawa ni Valerie kay Darkness para isunod siya ni Darkness," sambit ni Arthur habang nakatingin sa kawalan. "Gusto ko lang din ipaalala na kinasal ka sa araw na ito kay Valerie at hindi kay Valetta, dahil patay na si Valetta at ang abo niya ay nakakapit sa gown ng asawa mo," dagdag nito tapos saglit na sinulyapan si Johan.

Walang masabi sila Johan kaya lumakad na paalis si Arthur at iniwan silang tatlo. Napalingon naman si Johan sa asawa niya at tinitigan ang gown ni Valerie na nababalot pa din ng abo.

Her MysteriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon