Mga Lihim ng Apartment

24.8K 70 7
                                    

Bagong salta lamang ako dito sa Maynila. Sa edad na 17 anyos ay natuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa. Ulila na ako sa aking mga magulang sa probinsya. Naiwan lamang ako sa pangangalaga ng aking lola sa probinsya namin. Nang mamatay ang lola ko dalawang buwan na ang nakararaan, nagpasya akong sumama sa aking matalik na kaibigan na sa Maynila ngayon nag aaral. Matapos ang ilang linggo nang pagtira sa kanilang bahay sa Taguig ay nagpasya akong mag renta na lamang nang isang apartment dahil na rin sa nahihiya akong makituloy sa kanila. 

Nag aplay ako bilang isang academic scholar sa Polytechnic University of the Philippines sa kursong AB Mass Communication at maswerteng natanggap naman ako. Umaga ang duty ko at sa gabi naman ako nag aaral. Malayu layo rin kasi ang bahay ng bestfriend ko sa pinapasukan kong school kaya nag decide ako na mag rent na lamang ng apartment na mas malapit lang sa PUP.

Sa paghahanap ko ay nakahanap rin ako. Ginamit ko ang kaunting perang naipon ko sa probinsya bago paman ako nagpunta nang Maynila. May nagustuhan akong isang apartment kung saan isang ride lang patungo sa aming eskwelahan. Mas makakatipid ako kung dito ako mag rerent, sabi ko sa sarili ko. Wanted bedspacer kasi ang nakalagay sa may gate. May kalakihan din ang apartment na ito. Kinuha ko ang telephone number na nakalagay sa karatula at kinontak ang may ari nang pinauupahang apartment. Isang babae ang sumagot. Kinaumagahan ay bumalik ako sa apartment at nagkita kami ng babaeng tinawagan ko. Siya si Aling Thelma, isa pala siyang byuda sa edad na 58 anyos. Medyo matanda na rin pero masayahin at mukhang napakabait. Naalala ko tuloy ang lola kong namatay kumakailan lamang.

Nagulat ako dahil mura lamang ang singil niya sa akin. Hindi ko iyon inakala dahil mukhang malaki laki rin ang espasyo nang apartment. Nagtanong ako kay aling Thelma kung bakit mura lamang ang singil niya sa akin. Bihira lang kasi ang umuupa sa apartment niya, sabi niya sa akin. Kaya daw binabaan niya ang singil. Libre na iyon sa ilaw at tubig. At may isang palikuran. Nagtanong ako kung bakit konti lang ang mga boarders niya. Malimit kasi sa mga kapitbahay niya ay may mga kaya at sa condo nag rerenta ang mga anak nitong nag aaral sa mga unibersidad at private schools sa downtown city. Kaya madalas ay mga katulad niyang mga estudyante lamang ang nag rerenta. Yung mga taga province daw karamihan. Sinabi sa akin ni aling Thelma na apat ang kwarto ng apartment. Tig dadalawa sa itaas at ibaba kasi dalawang palapag iyon. Noong isang linggo daw ay umalis ang dalawang boarders niya kasi nag iba na ng trabaho kaya lumipat sa ilang mas malapit na mga paupahan. Yung isang kwarto sa itaas lamang ang okupado. Isa raw construction worker ang nag rerenta doon.

Marami pang ikinuwento sa akin ang matanda kaya naging magaan agad ang loob ko sa kanya at naging interesado ako sa apartment na uupahan ko. Bukod kasi sa nasa loob ito ng isang compound ay tahimik ang paligid. Mas makakapagconcentrate ako sa aking pag aaral.

Ilang blocks mula sa apartment at bahay ni aling Thelma. May dalawa pala siyang anak na puro lalaki. Ang bunso niya ay 15 anyos pa samantalang ang panganay ay nasa abroad at nagtatrabaho sa Qatar bilang isang civil engineer.

Kung me mga kailangan ka magpunta ka lang sa bahay namin, yung may gate na asul sa unahan, sabi niya sa akin. Dinala ako ni aling thelma sa ikalawang palapag kasi sinabi ko sa kanya na mas gusto ko sa second floor nang apartment kasi malayo sa main road. Hindi masyado maingay at maalikabok. Binuksan niya ang isang bakanteng kwarto at pumasok kami doon. Medyo may kadiliman sa loob pero okay na rin sa akin. Kulay dark blue kasi ang pintura kaya nagmukhang madilim tingnan. 

May kaluwangan naman ang apartment. May maliit na kama na kasya ang dalawang katao. May maliit na lamesa na tamang tama sa pag aaral ko kapag gabi. Maliliit ang bintana kaya medyo maalinsangan pero may isang ceiling fan na naroroon. May maliit na lababo pero hinanap ko ang palikuran.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Lihim ng ApartmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon