#1- Mr.Badboy

22 2 0
                                    



From: LadyInLove, 15, Cavite


Confession:

       Hi DJ Brie, siguro ako ang first na nagconfess d2, sana mapost po ninyo ito. May isang boy na nang-iistalk sakin, sa una hindi ko siya nagugustuhan dahil sa ugali niya, bali-balita kasi sa campus namin na badboy ang attitude niya dahil sa fierce looking niya. Then one day nagkabanggaan kami dahil narin sa pagmamadali ko. He told me na ang lampa ko raw then bla bla bla, aray na trashtalk ako doon dre, ni hindi man lang niya ako tinulungan tumayo. Na turn off talaga ako sa kanya, tama nga ang hinala ko na badboy siya. I don't like his attitude.

Then one day, habang hinihintay ko yung friend ko, I suddenly saw him (si badboy guy) papalapit ang tingin niya sakin, iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanya dahil siguro mapapasama nanaman ako sa kanya at ako pa ang pagbuntungan ng badtrip niya. Pero nagkamali ako, lumapit siya sakin hawak yung panyo ko, naalala ko na lang bigla na iyon pala yung nawawala kong panyo last time. Humingi siya ng sorry sakin dun sa banggaan scene namin and he told me that it's just an accident at sinisi niya ang sarili niya. Binalik niya sakin yung panyo at bago siya umalis, he told me

"Alam mo matagal na kitang crush kaso nahihiya lang ako sayo, Is there a chance to be in your heart?" 

Sa tingin niyo DJ Brie, should I give him a chance? Thank you for posting my advice :) 


DJ Brie's Advice: Hi LadyInLove, 

Sa totoo lang nakakatawa yang lovelife mo,  ini-stalk ka lang pinagkamalan mo nang badboy, huwag kang maging racist. Sa love, puso at ugali ang pinapairal diyan hindi ang pagmumukha, kaya lang siguro ganun yung reaction ni kuya nung nagkabanggaan kayo is may pinagdadaanan siya or siguro nagmamadali lang siya nung time na iyon. Huwag kang mag-iisip ng kung ano ano sa kapwa mo, so now you realize that na nag confess siya ng nararamdaman niya sayo, just give him a chance, ang tao kapag tumatanda nagbabago ang ugali niyan, magiging mabuti rin siya, kung mahal ka niya talaga magbabago siya para lang sayo pero alam ko naman na hindi naman siya ganyan. So good luck sayo ate. 


Dedicated Song: Kailan by MYMP 

Wattpad ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon