CHAPTER FIVE
SABADO pa lang ng hapon ay umalis na si Andoy dahil kinabukasan ng Linggo ay day-off nito. Siya man ay day-off rin bukas pero saan ba naman siya pupunta?
Binuksan niya ang ilaw sa silid niya at tulad kahapon ay ayaw na namang magsindi ang flourescent bulb. Kahapon ay ginalaw-galaw lang ni Andoy ang starter at nagsindi na. Maluwag lang daw.
Kinuha niya ang lamesita sa tabi ng kama at itinapat sa daylight. Pagkatapos ay ang stool na ipinatong naman niya sa mesita. Si Andoy ay gumamit ng aluminum na hagdan kahapon pero hindi niya kayang buhatin iyon. Madilimna sa silid niya at ang tanging liwanag ay nanggagaling sa sala sa nakabukas niyang pinto.
Tumuntong siya sa mesita. Pagkatapos ay nanimbang patuntong uli sa stool. Kinabahan siya nang bahagya itong umuga. Muling nanimbang, tumayo. Pilit inaabot ang starter.
Hindi niya narinig ang sasakyan ni Anthony dahil hindi naman ito bumusina at alam na wala si Andoy. Ito na mismo ang nagbukas ng gate at muling nagsara.
Inikot-ikot niya ang starter at dahil hindi naman siya marunong ay humulagpos ito at natanggal.
"Oh no!" aniya. Akmang muling ipapasok nang bumungad sa pinto niya si Anthony.
"Ano ang ginagawa mo! "
Nagulat ang dalaga sa sigaw na iyon. Nawalan ng panimbang at kumabisala ang paa. Kasabay ng tili ay natumba siya mula sa stool na tinutuntungan.
Sa loob ng dalawang malalaking hakbang ay nasa loob na si Anthony at mabilis na inagapan ang pagbagsak niya. At dahil bigla ay nawalan din ng panimbang ang binata at bumagsak silang dalawa sa sahig. Siya sa ibabaw ng binata at nakasubsob sa dibdib nito.
"G-ginulat mo ako..." may akusasyon sa tinig niya nang mag-angat ng ulo. "Hindi ako mahuhulog kung...Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil ang mukha niya'y gahibla lang ang layo sa mukha ng binata. Ang mga braso nito'y tila bakal na nakasalikop sa likod niya.
I was scared you'd fall...'' bulong ni Anthony. His ragged breathing fanning her face. "And... you did fall..."
"D-dahil... sumigaw ka..." nagkakandautal siya sabay sa panlalaki ng mga mata niya. May nararamdaman siya sa ibabang bahagi ng katawan ng binata. And her thighs was settled right on top of it!
Hindi sumagot si Anthony. Nakatitig lang sa mga labi niya. He was rock-hard! At alam nitong nararamdaman ni Jenny iyon. Tumaas ang isang kamay nito patungo sa batok ng dalaga. He'd die if he won't kiss her now.
Ang unang dampi ng mga labi ng binata ay nagdulot ng shock wave through her. Sinikap niyang umalpas sa pagkakadapang iyon sa binata but he wouldn't let her go. His lips were firm against hers, feeling the warmth of his mouth.
Wala sa loob, she parted her lips. At ang mga kamay niyang nagtangkang magpumiglas ay nanatili sa mga balikat ng binata.
Humigpit ang pagkakahawak nito sa katawan niya, urging her closer. His kiss became more demanding and insistent. Sinikap pa rin niyang huwag gumanti ng halik and murmured a protest then felt the tip of his tongue to hers.
Sapat na iyon up ang manlambot ang mga buto niya na parang jelly. May kuryenteng nanulay sa mga kalamnan niya. Then she was answering his kiss, holding him as he held her. Then he kissed her hungrily and fiercely.
She had never been kissed like this na tila walang lakas ang buong katawan niya. Nanghihina siya sa mga bisig nito. Ang sumunod niyang naramdaman ay nang mapasailalim siya ng binata. Very obvious ang arousal nito at wala itong pakialam He was even pressing his thighs to hers.
Kung paano natanggal ni Anthony ang butones niya sa harap ay hindi niya matandaan. She moaned softly nang maramdaman niya ang kamay nito sa dibdib niya.
"Anthony," she whispered a plea against his lips nang maramdaman niyang itinaas nito ang damit niya. His hand so hot against her skin. "Please, Anthony..."
He wanted her. He wanted to make love to her... with her. Gusto nitong gawin sa dalaga ang lahat ng dapat gawin para sa isang babae. He kissed her again with a passion he could no longer stop. Dinamang muli nito ang dibdib ng dalaga and ran his thumb over the tips.
Napasinghap si Jenny. She has to stop this bago mahuli ang lahat. Bago kahit ang sarili niya'y hindi na niya kayang sugpuin.
"Anthony... gusto kong ipaalala sa iyong... maid mo lang ako."
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang binata sa sinabi niya. Kumawala ito at inilatag ang sarili sa sahig sa tabi niya. Naghahabol ng paghinga.
Unti-unting isinasara niya ang mga natanggal na butones nang tumayo ang binata. Tinunghayan siya nito sa pagkakahiga roon sa sahig.
Halos ipako nito ang sarili upang huwag muling bumaba at muling hagkan at yakapin ang dalaga. She was so seductively lying down there, hair dishevelled. He already have memorized her scent, her taste, the softness of her body. Her breast, firm and small but perfect na para bang hinulma para sa mga palad niya.
Tumikhim ang binata na tila inaalis ang bara sa lalamunan. "Jenny... I... I'm.."
"Huwag kang hihingi ng sorry," agap niya. Tumalikod ang binata. "If... it's any consolation, I don't sexually harassed my hired help."
"Salamat kung ganoon, sir!" tuya niya na sinabayan ng tayo. "Ang susunod mong sasabihin ay nagawa mo iyon dahil tinulungan kita doon, 'di ba?"
"Didn't you?" hamon ng binata na humarap sa kanya.
"Ganoon naman lagi, di ba? Tinukso ng katulong ang guwapong amo niya. Nagpakita ng motibo," sarkastikong wika niya.
Nagdilim ang mukha ng binata. Hinawakan siya sa braso. "Hindi ko sinabing tinukso mo ako! Tinulungan mo ako, yes, by kissing me back. By moaning softly against my touch. And I stopped on time!"
"Salamat uli," naroroon pa rin ang panunuya sa tinig niya. At ano ba naman ang pinagsisintir niya? Di ba at talaga namang gusto niyang huminto ito? Ano ba ang inaasahan niya? Romansa mula kay Anthony? Lord, the man wanted sex and she wanted romance and... love.
Natigilan siya sa huling naisip. Love? Napailing siyang bahagya. She's getting crazier everyday sa piling ng lalaking ito.
"Ihahanda ko na ang pagkain ninyo," malamig niyang sinabi na lumakad patungo sa pinto subalit naunahan siya roon ng binata.
"Don't bother! Lalabas ako uli. Isara mo ang kabahayan at hindi ako dito uuwi." Tuloy-tuloy na itong lumabas ng sihd.
Ang sumunod niyang narinig ay ang paglabas ng kotse nito sa garahe.
Nasasaktan siya. Natitiyak niyang sa ibang babae tutuloy si Anthony. Gusto niyang maiyak sa pangyayari. She wanted him, ached for him. Pero nakahanda ba siyang tanggapin ang consequences kung sakaling patulan nga siyang totohanan ng binata? Ganoon ba siya katapang para pumayag na mapabilang sa mga pinaglalaruang babae ni Anthony?
NAGTULOY sa condominium niya si Anthony. Kinuha ang alak sa bar at nagsalin sa kopita.
Damn that girl!
The little witch isn't just a dynamite. She's a bombshell! Nang makita niya itong naka-bikini ay agad ang epekto sa kanya. And Lord, kanina, he wanted to take her right there on the floor. Make wild love to her. Love her to exhaustion.
Calm down, Anthony, saway niya sa sarili. She's nothing but a pretty and educated housemaid. Wala nang iba pa.
Nakadalawang shots na siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Angelo. Nagsalubong ang mga kilay nitop agkakita sa kanyang umiinom mag-isa sa bar.
"Hi, big brother," bati ni Anthony. "Help yourself"
"Tumawag ako sa mansion, kaaalis mo lang daw. I was thinking you had an early date pero nakita ko sa parking ang kotse mo, so I dropped by."
Sinalinan ni Angelo ng alak ang isang kopita. Sinulyapan si Anthony. Hindi ito umiinom nang nag- iisa kung walang bumabagabag.
"Bakit ka nandito?" si Anthony.
"Para ipaalala sa iyo na bukas ng umaga ay dadalawin natin ang site na pagtatayuan ng isa pang branch."
"Linggo bukas."
"Iyon lang ang araw na available ang may-ari ng lote. He will be leaving for the States next week kaya nga pinaapura ko na lang ang long term lease contract."
"Kailangan pa ba ako roon? Bakit hindi ikaw na lang."
"Anthony, this is a family business and should be decided by both of us. Naroon din si Mr. Potenciano," na ang tinutukoy ay ang isang stockholder. "May problema ka ba?"
"Nothing that I can't handle."
"Mind telling me?"
"Back off Angelo!"
"We never had secrets with each other, Anthony," banayad na wika ni Angelo. Tumalikod sa bar si Anthony at itinukod ang mga siko dito.
"What about loving Wilna secretly?" paalala niya.
"I didn't realize it first."
"Pagtatawanan mo ako," wika niya na inubos ang laman ng kopita.
"Try me."
"I just ravished my maid."
"Si Jenny!" No wonder she sounded so strange sa telepono. "What did you mean by ravish? Did you... did you...?"
"I almost did."
Patuyang tumawa si Angelo. "Really, Anthony. Have you ran out of socialites and models o nagsawa ka na sa kanila at gusto mo namang subukan ang maid natin?"
"This is not a joke, Angelo! "
"It surely isn't. I can't imagine my twin sexually harassing the pretty housemaid," may galit sa tono nito.
"Hindi mo naiintindihan," inilahad niya ang mga kamay.
"Ipaintindi mo kung ganoon. Umpisahan mo sa umpisa."
"Walang umpisa. She just gets into my nerve. She attracts me like no one ever did. I just go rock-hard everytime she's near."
Doon natawa si Angelo.
"Huwag mo akong pagtawanan! "
"Bakit ba, eh, pulos ka kalokohan. Sasabihin mong you go rock-hard when she's near, eh, hindi ba at ganoon naman usually ang dating ng mga babae sa iyo lalo na kung sexy at maganda?" amused na wika ni Angelo.
"You're talking as if I'm some kind of a sex maniac," naiiritang sagot ng binata sa kapatid. "I do not bed every girl I met, Angelo. And I don't get aroused that easy."
Huminga nang malalim si Angelo. "Nagpapakita ba ng motibo si Jenny sa iyo?" At hindi ito magtataka kung ganoon nga. He has to admit that his brother's charm is irresistible.
"That is the irony of it dahil hindi nga. Ginugulo lang niya ang isip ko. Those big dark eyes haunting me na para bang lagi na lang akong may atraso. She amused and irritated me at the same time. She's funny and witty. For all I know she could be a witch."
"You sounded as if you're in love with her."
"Be still, my heart!"
"Lust then?"
"That is more like it. I saw her in bikini dahil niyaya siya ng asawa mong mag-swimming. Imagine, isang housemaid na naka-bikini sa pool ng amo niya!"
Nababahala si Angelo sa inaasal ng kapatid. Nagbiro. "Gusto kong dumaan sa bahay and shake Jenny's hand. Ang kaisa-isang babaeng nagpagulo sa isip ng babaero kong kapatid. And it's very ironic na among the socialites and beauty titlist na napasakamay mo, isang magandang maid lang ang nagpagulo sa iyo."
"This is crazy, Angelo. And you are right, what I'm feeling is lust. It will be over soon," makahulugang wika nito.
"Don't do anything foolish, Anthony. Huwag mong pakialaman si Jenny! Makakalaban mo si Wilna at Nana Inez doon. They like the girl,'' paalala nito. "Find some nice girl and settle down. It's high time you do it."
"I promised you before na hindi ko aalukin ng kasal ang isang babae kung wala akong pag-ibig dito. At wala akong pag-ibig sa mga babaeng nakaka-date ko."
"Paano kang makadarama ng pag-ibig kung ang nasa isip mo ay ang madala sa kama ang bawat babaeng makatagpo mo?"
"They wanted it. Even before I open my mouth. Inaalis ng mga babaeng iyon ang thrill ng chasing and wooing. At sabi ko nga sa iyo, I didn't bed all of them"
"Just a piece of advice, Anthony, at seryoso ako sa sinasabi kong ito. Huwag mong pakialaman si Jenny. Kung ikatatahimik mo, send her toTagaytay. Makakakuha ka ng ibang maid sa agency," huling bilin ni Angelo bago umalis.
Siguro nga. Kung wala sa mansion ang babaeng iyon ay hindi na nito magugulo ang isip niya.
Tinawagan niya si Yvette upang magpunta sa condominium Hindi naman nagtagal ay dumating ito. Nakahiga siya nang sumungaw ito sa pinto ng silid. Kumot lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya.
Ngumiti ang babae provocatively. Sa pinto pa lang ng silid ay unti-unti na nitong tinatanggal isa-isa ang suot. At luko-luko lang ang hindi papatol sa magandang katawan nito. She was totally naked nang umabot sa kama.
'You're very unpredictable, darling," malambing nitong sinabi na lumabi. "Noon pa sa pool ko hinihintay na gawin natin ito. Pero kahit yata ano ang gawin ko noon ay para kang bato."
"You cannot expect us to have sex sa mansion, Yvette?"
"Eh, ano ang masama doon? We could have done it sa guestroom ikaw lang itong ayaw," she started kissing him
Hindi sumagot si Anthony. He tried to respond sa pamamagitan ng marahas na paghalik dito. Sa pagsisikap na mabura sa balintataw ang mukha ni Jenny.
He was hurting the woman in the process pero lalo lang niyang napupukaw ang passion ni Yvette sa savage ways niya. Halos nagmamakaawa na itong angkinin niya.
Tumayo ang binata in frustration. Dinampot ang sigarilyo sa side table at nagsindi.
"What's wrong, Anthony?"
"I'm sorry, Yvette, pagod lang siguro ako." Nagbuga siya ng usok paitaas.
"You can't leave me like this, darling," sinabi nito na tumayo at nilapitan siya. "Let me do it, honey, like I used to," she whispered kasabay ng paghalik sa leeg ng binata patungo sa dibdib at pababa pa...
"Ano ba talaga ang nangyayari sa iyo?" naiiritang tanong ng babae makalipas ang ilang minuto. "Hindi ka naman dating ganyan, eh. "
Itinaas ni Anthony sa ere ang kamay. Gustong matawa na gustong mainis. Pinaghihirapan ng babaeng ito na pukawin ang damdamin niya na nauwi rin sa wala.
"Natitiyak mo bang pagod ka lang, Anthony?" naghihinalang tanong ni Yvette.
"Positive. I'll take a shower at pagkatapos ay idadaan na kita sa inyo," aniya na pumasok ng banyo.
"Don't bother. Dala ko ang kotse ko," inis na sigaw ng dalaga na nagbihis. Pagkatapos ay sinilip ang binata sa banyo. "I'll call you."
Narinig ito ni Anthony pero hindi lumingon. Nilunod ng binata ang sarili sa shower.