C H A P T E R 3

383 23 1
                                    

AKALA ko ay tuluyan na akong makakalayo. Nang bigla may mainit na kamay na sumakop sa aking palapulsuhan.  I quickly turned my head to face it and my mouth fell open.

Oh, fuck! He caught me!

Naningkit ang maitim niyang mga mata sa akin. My heart  is beating so fast. Kahit binabalot ako ng matinding kaba sa dibdib ay hindi ko ipinahalata iyon sa harap niya. Hindi ako puwedeng magpasindak sa madilim niyang tingin. Later on, he pulled me out of the bar.

“Ano ba Vincent, bitawan mo ako!” I protested. Mariin ang hawak niya sa palapulsuhan ko at hindi sapat ang lakas ko para makakalas sa hawak niya.

Ngayon ay nasa parking lot na kami ng bar. Hindi niya pa rin ako pinapakawalan. I'm like a prey caught by a predator. Mayamaya padabog niya akong binitiwan nang huminto kami sa isang itim na Ashton Martin. Kotse niya yata ito.

“Ano'ng ginagawa mo rito?” malamig niyang tanong, madilim pa rin ang tingin niya.

“Ano naman ngayon sa'yo kung nandito ako?” I said sarcastically.

“What did you see earlier?”

Labas sa ilong akong napatawa. Kaya niya ba ako dinala rito para lang pag-usapan namin yung nakita ko kanina?

“Is that it? Huwag kang mag-alala, kung ano man 'yong nakita ko kanina. Sa akin nalang 'yon. Don't worry, hindi kita isusumbong kina Mommy at Tito. Magbubulag-bulugan ako.”

“That's not my point! Bakit ka pumupunta sa ganitong lugar? You should not go to this place!” mariin niyang usal.

Humahukipkip ako. “At bakit? Hawak mo ba ang desisyon ko? Hindi Vincent. Kaya wala kang pakealam kung pumunta man ako sa ganitong lugar.”

I heard him groan. Why is he acting like this? It's funny to think that he is doing this to act like a big brother to me. The fuck! I don't need that. O baka naman ginagawa niya 'to para hindi ko makita ang mga kagaguhang ginagawa niya sa bar.

“I don't want to see you here again,” mataman niyang sinabi.

Nagpataas naman ang kilay ko. “Sino ka para pagbawalan ako? Atsaka kakasabi ko lang kanina hindi kita isusumbong dahil wala akong pakealam kung ano man ang kagaguhang ginagawa mo rito, labas ako ro'n!”

Napaatras at natikom ko ang aking bibig nang kainin ng paa niya ang distansya namin. Napaigtad ako ng malakas niyang hampasin ang kotse at mabilis niya akong kinulong sa kanya. Abo't-abo't ang kaba ko sa mga oras na 'to, pero hindi ako nagpatinag. Kitang-kita ko ang galit na lumulukob sa mata niya. I want to slap myself because there's a part of me that regrets saying that.

“Sa oras na malaman ko na bumalik ka ulit rito. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo. Don't make me mad Ace.” May bahid ng pagbabanta ang boses ni Vincent.

“Bakit? Ano'ng gagawin mo? Satingin mo ba natatakot ako?” Buong tapang kong tugon.

I noticed he was holding back. C'mon Vincent, hindi ako natatakot sa'yo.

“I will punish you when I see you here again,” He authoritatively said.

Subalit imbis na makaramdam ako ng takot ay nasabik pa ako sa sinabi niya.  Damn it! This is wrong! Bakit nakakaramdam ako ng ganito.

Napasinghap ako nang kabigin niya ako papalit sa kanya para buksan ang pinto ng shotgun seat.

“Get in,” He command.

“Ayoko,” I answered fastly while still folding my arms.

Nagtiim-bagang si Vincent. “Huwag muna akong pahirap Ace, pumasok kana.” Pinanatili niyang kalmado ang boses.

Our Sinful Love [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon