Chapter Seventeen

20 9 0
                                    

It's been a months, actually, years. I thought i would only stay in my Nanay’s place for a month or two but then something happened. I ended up studying here at my Nanay’s place. I'm gonna be a senior high school student next month but this time, I will study back at Escalante. I miss that place, it's been years. I miss my mom and sister and papa and i'm excited to come home. Nakasakay ako ngayong sa bus at malapit na ako sa City namin.

I smile. It's been a while. Kamusta na kaya sila? ‘Yung pamilya ko? Mga kaibigan ko? I miss them.

Bumaba ako ng bus at napangiti ng makita ang pamilyar na plaza ng Escalante. Wow, ‘yung fountain gumagana na. I smiled even more. Sumakay ako ng tricycle. Sabi ni mama sa may likod daw ako ng bahay dumaan dahil wala na raw mga sugarcanes doon. Mas mabuti narin, shortcut. Agad akong pumara at nakarating na ako. Bakante na talaga.

Nakita kong tumatakbo ang isang babae—kapatid ko! Naiiyak ako ng makalapit si Iska. Agad ko siyang niyakap. “Namiss kita, bunso.” umiyak naman ang kapatid ko. “I’ve missed you, Ate.” naiyak ako ng tuluyan dahil sobra ko talaga siyang namiss. It's been years.

“Ang tangkad mo na.” sabi ko. Sobrang tangkad niya na, sobrang layo niya na sa huling pagkakita ko sa kanya.

“Ikaw ate, pumayat ka at ‘saka sobrang puti mo ate, eh hindi ba mainit sa Ilog?” tumango ako. “Nag d-diet po kasi ako pero hindi ko naman pansin na pumuti ako.” sabi ko. Naglakad kami papuntang bahay at pansin kong medyo nagbago ang bahay namin ‘saka sa mga kapitbahay namin. Hindi naman talaga lahat pero may nabago at may bunga narin ang puno ng aming buko e dati walang bunga ‘yun kahit na sobrang taas na nito.

Pagkarating ko sa bahay ay niyakap ako ni Mama. Naiyak ulit ako dahil sobra ko ring namiss si Mama. Hindi rin nagtagal ang pagkakamustahan namin dahil pagod ako sa byahe. Nagpahinga ako at nagising ng kinabukasan na.

“Good morning, Ate!” napangiti ako ng marinig ang boses ng kapatid ko. Parang lahat ng sakit sa dibdib ko ay nawala. Lahat ng problema at pagkamiss ko sa pamilya ko ay sobrang bilis napalitan nang saya no’ng makauwi ako at nakita sila.

“Good morning.” niyakap ako ng kapatid ko.

“Kain na, ‘Te. Nagluto si Mama nang paborito mong sinigang.” tumango ako. Tumayo ako at napagdesisyunan na maligo muna.

Meron na kaming ref at ‘saka gripo. Napangiti ako, mabuti naman at meron ng gripo dahil sobrang mapapagod si Mama kung wala lalo na’t nagt-trabaho pa siya. Naligo ako at kumain.

Nakita kong meron bluetooth speaker kaya naman ay in-on ko ito at pinatugtog ang kasalukuyan kong paboritong kanta, ang “cruel summer” ni Taylor Swift.

Habang nagpapatugtog ay naglinis ako. Pansin kong maraming dahon sa labas kaya naman inayos ko ang buhok ko para hindi maging sagabal kung magwawalis ako. Kinuha ko ang walis at dustpan at nagsimula ng magwalis sa labas ng bahay.

Ibang kanta naman ang nag-play. It's “brown eyes”. Natigilan ako. Biglang lumakas ang ihip ng hangin dahilan para malaglag ang mga dahon. Napatingala ako at ang taong bumungad sa akin ay walang iba kundi ang lalaking pinilit kong kinalimutan at iniwasan sa social media.

He was looking at me. Tinitigan ko s’ya sobrang laki ng pinagbago niya. Mas lalo siyang tumangkad at mas naging mature ang pangangatawan. Anong ginagawa niya dito? I mean dito sa harap ng bahay namin.

“Nicholai!” narinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa kanya. Nakita kong papalapit si Mae sa kanya, nagbago na ito, ang pananamit nito ay sobrang iksi. Dalaga na siya.


Napansin yata ni Mae sa kung saan nakatuon ang atensyon ni Nicholai kung kaya't napatingin ito sa gawi ko. Mukhang nagulat ito ng makita ako pero ngumiti ito. “Naka uwi kana pala, Cole.” ngumiti ako. “Oo, kahapon lang. Kamusta?” tanong ko.

“Okay lang,” makahulugan na ngumiti si Mae at hinawakan ang braso ni Nicholai. Hindi ko mapigilang mapatingin doon pero inangat ko rin agad ang mata ko sa kanila at sobrang titig ni Nicholai sa akin. Parang binabasa niya ang reaksyon ko.

“Aren’t you gonna ask me how I was doing since you left?” para akong nawalan ng lakas sa tanong niya.

“B-bakit naman gagawin ni N-Nicole ‘yun. Eh diba hindi na kayo close bago s’ya umalis?” tanong ni Mae. Sila ba? Bakit parang nagseselos siya?

“Mae’s right. As far i remember we weren't close. Anyway, good to see you again. Sige, may gagawin pa ako.” binitbit ko pauwi ang walis papasok sa bahay at napaupo ako agad.


Bakit mas lalo yata akong naapektuhan nang makita ko siya ulit? Akala ko ba, wala na.



“TAO po?” may bagong tindahan na malapit sa amin, tindahan nina Tita Jean sa harap ng bahay nina Nicholai. “Ano ‘yun? Cole? Nakauwi kana pala?” ngumiti ako.

“Opo. Kahapon lang. Pabili po isang litro ng coke ‘saka fudgee bar po lima.”

“Kamusta na, Cole? Pumuti at pumayat ka.” tanong ni Tita. “Okay naman po. Hindi po kasi ako masyadong lumalabas do'n ‘kay Nanay. Kayo po kamusta na?” tanong ko.


Pagkatapos magkausap ng ilang minuto ay aalis na sana ako kaso nalaglag ang isang pirasong fudgee bar. Yuyuko sana ako ng may kumuha na nito. “Salamat—”


“I don't need a thank you.” medyo galit niyang usal. I bit my lip and took the fudgee bar from his hand and left. Ba't ba siya nagagalit? Siya naman ang may gustong mag iwasan kami dati diba? At ‘saka totoo naman, hindi naman kami naging magkaibigan.


“Kainis!” sabi ko pagkatapos mailagay ang pinamili ko sa mesa. Umupo ako at pinanggigilan ko ang fudgee bar. Tinapos ko lahat ng trabaho ko sa bahay bago napag desisyonan na maligo dahil pupunta ako sa Libo dahil fiesta doon at bibisitahin ko sina Lola, Lolo, Ate Ruth, Kuya Reymar at mga anak nila. Nandoon na din sina Mama at si Iska. Sabi ni Mama manonood daw siya ng liga.

Half pony tale lang ang ginawa ko sa hair ko. I wore a black and white striped shirt matching it with a black maong shorts. I just wore my black slippers. Sinuot ko rin ang kwentas na na-order ko sa orange app. Nag spray ako ng kaunting vanilla perfume at naglagay ng lipbalm ‘saka lumabas ng bahay. I lock the door at naglakad patungo sa kalsada. I scroll through facebook as I walk towards the highway. Bigla namang tumunog ang notification ko at nagulat ako ng makita na in-add friend ako ni Nicholai.


Nicholai Herrera
Confirm | Delete

Natigilan ako sa paglalakad. Should i accept this? Ayoko... hindi dahil ayaw ko sa kanya kundi gusto ko parin siya. Ayoko ng umasa at masaktan.


I deleted his friend request and i turn off my phone. I was about to take a step when my phone suddenly make a sound.


Someone wants to send you a message.

I tap it. “Accept me or accept me.” it's Nicholai. Kumabog ang dibdib ko at mas lumakas pa ito ng bigla ulit tumunog ang notification ko.

Nicholai Herrera
Confirm | Delete



Why is he doing this?


A/N: Starting to get inspire to continue this story.🤍 Hope someone genuinely reads this🥺

OUR ENDLESS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon