EYEGLASSES

49 1 4
                                    

Isang maganda na araw ngayon para kay Iris. Unang araw ng pasukan nila ngayon. Freshman kaya medyo kinakabahan siya. Kasama niya ang ate niya. Hindi na freshmen ang ate niya kasi 2 years na siyang nag aaral sa STU o Saint Thomas University.

Papunta na sila sa school ngayon. Syempre dahil baguhan at freshmen medyo nahihiya pa si Iris. New environment nga daw sabi niya.

Kakababa lang nila sa kanilang school bus. Syempre wala pang alam si Iris kung saan siya pupunta at hindi pa niya alam kung saan ang magiging classroom nila at wala pa rin siyang ibang kakilala dito maliban sa ate niya kaya palagi lang siyang nakasunod sa ate niya. Hanggang sa nag ring na ang bell, hudyat na magsisimula na ang Flag Ceremony.

Habang nag Fa-flag ceremony bigla na lang siyang napatingin sa kaniyang gilid. Nakita niya ang isang lalaki na naka glasses. Gwapo, hindi masyadong matangkad at naka braces. Love at first glasses nga raw sabi niya dahil nakasuot rin ng glasses si Iris.

Bigla siyang napasabi na "He's the one. Magiging masaya tong school year nato." excited na sabi niya.

Natapos ang Flag ceremony at hindi pa rin niya malimutan ang lalaking yon.

"Ano kayang pangalan niya?"

"Anong grade kaya siya?"

"Mabait kaya siya?"

"O suplado?"

Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ni Iris.

Natapos ang 1st day nila at umuwi na sila sa kanilang bahay kasama ang ate niya.

Habang nagpapahinga siya hindi parin niya malimot-limot ang itsura ng lalaking yon. Bigla siyang bumangon at pumunta sa kwarto ng ate niya. Habang busy na busy ang ate niya sa pag fa-facebook ay bigla niyang tinanong ang ate niya.

"Ate kilala mo ba yung lalaking naka salamin,may braces, hindi masyadong matangkad, at naka brush yung buhok niya?"sabi ng inosenteng dalaga sa ate niya.

Biglang napatingin ang ate niya sa kaniya na nagtataka.

"Saan siya naka line kanina nung flag ceremony?"sabi ng ate niya.

"Sa bandang right po namin"sabi niya.Nagiisip ang ate niya kung sino nga ba yun.

"Kung sa bandang right niyo, Grade 8 yun kasi nasa bandang left namin yun, tapos section B kami tapos yung sa bandang left namin section a."sabi ng ate niya.

"Ah grade 8 na pala siya at section A so mas matanda siya ng isang taon sa akin." sabi niya sa mind niya.

Pagkatapos sabihin ng ate niya parang may hinahanap siya na picture sa fb.Hanggang sa nakita na at ipinakita niya sa kaniyang kapatid.

"Ito ba siya?"sabay pakita nung litrato sa phone niya kay Iris.

"Oo siya nga."Biglang nagliwanag ang mga mata ni Iris.Para bang na starstruck siya dun.

"Ah siya si Angelo,Angelo Buenavista." sabi ng ate niya.

"Ah ok." Sabi ni Iris habang natutulala parin.

Bumalik na siya sa kaniyang kwarto at kinuha ang kaniyang cellphone. Sinearch niya sa fb ang pangalang Angelo Buenavista. Tinignan niya lahat ng photos at kung ano2 pa. daig nga imbestigador sa pagiging stalker niya. Minemorize niya ang bawat detalye ng kaniyang binabasa na tungkol sa kaniya. Minamasdan niya ang kaniyang mukha.

Lumipas ang mga araw at nagkaroon na ng mga kaibigan si iris. araw2 ay palagi niyang nakikita si angelo. Sa simpleng pag tutok niya kay angelo ay kinikilig na ang dalaga. sa simpleng pag sulyap sa kaniya ay nabubuo na ang kaniyang araw.

Marami pa siyang nalaman tungkol sa binata. Hanggang sa naging crush niya ito. Masaya na siya kahit sa malayo lang niya nakikita ito.

Hanggang sa naisipan niyang mag usap sila kahit sa chat lang. kaya siya ang gumawa ng 1st move. nag chat siya. kahit sa simpleng hello lang niya ay napapa ngiti na si Iris. kahit ang liit lang ng convo nila at minsan lang sila nag cha-chat ay masaya na siya.

Hanggang sa nalaman niya na may crush pala itong si Angelo sa isang babae. matagal na niyang crush ito. medyo nasaktan siya. Pero alam niya naman yun eh at tanggap niya yun na kahit anong gawin niya ay hindi ito mahuhulog sa kaniya dahil may mahal itong iba. Mas
sumakit ang puso niya nung nalaman niyang nung valentines day ay binigyan niya ng chocolate ang crush niya. biglang nalungkot si Iris, napaisip siya na "Eh kung tiggilan ko na kaya ito,wala naman akong mapapala dito eh". perokahit anong limot ang gawin niya ay naalala parin niya ito. Hindi niya mapigilan ang sarili niya na bago siya matulog ay mang ii-stalk siya sa fb niya. naging routine na niya yun eh.

Ang bilis ng mga pangyayari. Summer na.  At meron nanaman siyang nabalitaan tungkol sa kaniya. lumipat na siya ng paaralan at yung crush niya. lumipat silang dalawa sa iisang skwelahan. Mas nanlumo ako sa nalaman ko na . . . . . . . . . .

.

.

.

.

.

Nililigawan niya yung crush niya at hindi nagtagal

.

.

.

.

naging SILA na.

Grabe ang sakit na naramdaman ni Iris. Kahit crush niya lang ito ay grabe ang epekto nito sa kaniya. Pero sabi nga niya life must go on. Kasabay ng pag move on niya ay ang  pag palit ng kaniyang salamin. Pinalitan niya ito ng bago. Dahil sa salamin na yon, marami ang kaniyang nakita. Dun nagsimula ang lahat sa isang EYEGLASSES. Minsan kailangan nating mag let go sa isang bagay dahil alam mo naman na wala kang madadatnan dun. Move on din pag may time kasi WALANG FOREVER!! HAHAHA JOKE LANG.

THE END.

-------------------------------------------------------

OO nga WALANG FOREVER hahaa joke lang. I DON'T BELIEVE IN FOREVER FOR I BELIEVE IN ETERNITY.

short storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon