Mission 27
Hindi pa din ako kuntento sa sagot ni Aristotle sa akin. I think he's still hiding something. And his existence is very damn strange for me.
"Dito ang gym" turo ko sa kanya.
"Okay"
Pang labindalawa na niyang 'ok' yon. Hindi ko alam kung naiintidihan niya ba ang sinasabi ko o hindi. Kasi sa tuwing napapatingin ako sa gawi niya sa akin lang siya nakatitig. I wonder kung nag iilusyon lang ako pero bakit parang ang pakiramdam ko bawat kilos ko ay sa akin siya nakatitig. Am i being paranoid?
Hindi naman ako ganito sa kanya dati. At kung ganito pa nga ang kinikilos niya noon pa man malamang hindi na ako napakali sa kilig. This particular guy behind me is my ex crush nga ba? Well I used to admire him pero kung tatanungin ako ngayon kung meron akong kahit anong nararamdaman sa tuwing makikita ko ang mga titig niya sa akin. I can only felt weird. Weird to the extent na naasiwa ako.
Sa huli ang kaya ko na lang gawin ay iiwas ang mga titig niya sa akin just to ease any awkward feeling. I'm confused, halos sabay kaming lumaki ni Raje though hindi naman kami close sa katunayan magkaway kami nito noon pa man.
I wonder how did I admire this man? Probably the looks? Well I can say that he has a nice secretive attitude. A silent caring guy, I felt that before.
"I think, the tour is over. Welcome sa GyroNella University" saka ako humarap sa kanya. Sinalubong ako ng mga titig niya. Raje? Why acting like this? I'm not used it. Umayos ka Aristotle. He's still looking at me and he is not bothered kung makita ko man kung paano niya ako titigan.
"Nope we're not yet done. What about the clubs here? Don't you have any interesting clubs here? Can you enumerate and explain each one?"
Bakit pakiramdam ko pinapatagal nya ang community service ko? Na I tour ko na siya sa lahat ng lugar dito. Hindi naman mahirap magtour, maliit lang naman kasi ang school na to. And I know this kind of community service will only last for 35-45 mins, hindi ko na kailangan pang patagalin besides parang hindi naman siya interesado sa kabuan ng school na to.
"Yes may mga clubs dito but as far as I know hindi na yon kasama sa Community Service ko" mataray na sagot ko sa kanya. The usual Florence Almero.
"I mean. How about you? Do you have a club here?" tanong niya sa akin.
"I don't have one. You know I don't have any interest on that kind of thing"
"Haha yeah. So I won't join any too" pinakatitigan ko si Aristotle Raje. Ang supladong inaanak ni Daddy.
I liked him before. Sobra. Napakagwapo niya sa paningin ko sa kanya dati, siya na ata ang pinakagwapong lalaki na nakikita ko noon. Oo magkaaway kami sa umpisa but when I noticed that he really cared for me, I started to like him. Pero nawala 'yon nang naging sila ni Gabriella, he likes a native type of girl 'yong mga babaeng hindi makabasag pinggan. At hindi ako ganon kaya tinanggap ko na lang sa sarili na we are not meant for each other though medyo bitter ako kasi feel ko na mas nagagandahan siya kay Gabriella kaysa sa akin, yon ang hindi ko matanngap. Hindi matanggap ng ego ko na may mas maganda sa akin. Wala na akong magagawa sa kanya, may mali ata sa mata niya.
BINABASA MO ANG
Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)
Roman d'amourFormer title: In the Arms of Five Hot Jerks Ferell Series #1 - Dove She's like a beautiful dove, dressed in white feathers...caught by lies and secrets. Book 1 of Arms Trilogy Covers are not mine, credits to rightful owner.