"Ate, masakit po" I look at her na nakabusangot na ang mukha. I'm fully aware that my sister is kind, pero ayaw ko namang pati siya napapahamak dahil sa pagtulong niya. Look at her now. She got bruised all over her face. Sobra pa siya sa nakipagbugbugan.Kasalukuyang ginagamot ko ang putok niyang labi. May sugat din ito banda sa cheek niya. I've been silent since earlier. Nasa office kami ngayon ni zav. Lumabas lang ito at may kinausap. It's still bothering me lahat ng nangyari kanina. It's just too much..
I want to ask her. Andami kong gustong itanong sa kanya, pero parang wala akong lakas ngayon.
"I'm sorry, ate lala.." nakayuko siya ngayon. Her hands are now interlocked, as she always does when she's nervous. It's her manarism when she's nervous, una ko tong napansin kapag pinapagalitan siya dati ni mama.
"Wala na bang masakit sayo?" I asked her. I heard her sob na ikinabahala ko. I lift her head to make her look at me. Umiiyak na ito.
"Why are you c-crying?" Ayoko sa lahat ang nakikita siyang umiiyak dahil maiiyak din ako.
"I-it h-hurts po.." hawak niya sa gilid ng labi niya kung saan ang parte na may sugat. I know for sure kanina niya pa pinipigilan ang pag iyak. That's how my sister is. She act brave but when it comes to me she's like a big softie.
"Don't cry, you're making ate cry din" pinahid ko ang mga luha niya sa mata. Singhot lang ito ng singhot. My sister is a cry baby.
"Give me your hand" Inabot niya sakin ang mga kamay niya. Namumula ang knuckles niya ngayon. May bahid din ito ng mga sugat. Gosh. She really hit that kid earlier.
"I didn't know po, this is ate Zav's school po" I stopped for a second ng marinig ko ang sinabi ng kapatid ko. I didn't say anything.
I have no idea too..
Napatingin ako sa kanya ng marinig ko ang tunog ng tiyan niya. Nakalabi na ito sa akin ngayon.
"I'm hungry po.." natatawa akong nakatingin sa kanya. Tumayo ako ng matapos para tingnan ang nakita kung fridge kanina.
Natuwa naman ako ng makita may laman ito. Kumuha lang ako ng tubig, at ang apple na nandon. Ayos lang naman siguro kung kukunin ko 'to.
Binalatan at hinati ko na din, at bumalik sa kapatid ko. Naabutan ko itong kasama na si zav, at may mga pagkaing nasa table. Kumakain na din ang kapatid ko. Lumingon sa akin si zav. Lumapit ako at nilapag ang apple na prenipare ko para kay ally. Tumingin ito sa akin na punong puno ang bunganga. Pinahid ko ang kalat niya sa bibig. Kahit kailan talaga. May paiyak iyak pa kanina pero tamo ngayon parang hindi man lang nasasaktan kumain na halos punong puno ang bunganga.
Dumako ang tingin ko sa inusog na pagkain sa akin ni zav.
"You need to eat"
"Hwidi pwo @#$/@$#" rinig ko sa sinasabi ni ally. Pinaningkitan ko siya ng mata. I told her not to talk when her mouth is full. Nilunok muna nito ang kinakain bago siya nag salita.
May hinahanap ito sa bucket of chicken.
"Hindi po kumakain si ate ng thigh part" nilagay niya sa plato ko ang wing part na kinuha niya. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil she's not supposed to say that.
I look at zav. She was already looking to my plate kung saan pinalitan ni ally ang chicken na nilagay niya don. Tumingin siya sa akin.
"..I'm sorry..."
"A-ayos lang kumakain naman ako ng kahit ano.."
"Talaga ate? Try mo nga 'to?" Nilapit niya sa bibig ko ang chicken na hawak nito.