Intro:
Ako ang inyong taga pagligtas..
Ako ang sasagot sa nasaktan nyong puso..
Ako ang tutulong sa naghihingalo nyong puso...Ako ang iyong Fairy Godmother...
Pero minsan, nagkakamali rin ang Fairy Godmother...
Panu kung ang pagkakamaling iyon ang maging dahil sa sawiang puso ng inyong Fairy Godmother?
Sino ang tutulong sa kanya?
Sino ang maghihilum sa sawian nyang puso?
Will she find her Fairy Godmother and have her happy ending?
O
Talagang ang mission lang nya ay bigyan ng happy endings ang iba?
A/N: At talagang nawiwili na ako sa paggawa ng mga One Shot Stories!! Bwahahaha!! Good Luck nalang kela Mina (Mina: The Cold-Blooded Heiress) At Celestine (Clandestine) na on going pa rin. For sure galit na ang dalawang iyon. Hahaha
Anyway Hope you'll enjoy the story of Antoinette na best friend ni Tyler sa The Jerk's First and Only Love. If hindi nyo pa to nabasa. You can read all my One Shot stories in my fb account Zaileigh Kawaii o sa watty. Search mo lang yung pen name ko na Zaileigh.
Enjoy!!! (‐^▽^‐)
Broken Hearted si Ms. Fairy Godmother
Malungkot na napangiti ako sa nakikitang dalawang masayang tao na ngayo'y nasa harap ng pari. Sa wakas, ikinasal na rin sila..
Si Tyler at Cassie..
Naalala ko tuloy noong napagdesisyonan kong makialam sa lovelife ng best friend ko..
***Flashback
"Ano ba Hans! Magpapakalunod ka nlng ba jan? Panu na ang business ng parents mo! Do you think babalikan ka ni Cassie pag nakita nyang ganyan ka? Come to your senses Hans!""Shut up Antoinette and stop calling me Hans!!" He glared at me.
Galit na talaga ang isang ito. Hindi na kasi Baby ang tawag nya sa akin. Sssshhhh! Wag malisyoso guys! Baby Antoinette Suson ang full name ko and I really hate it. Ayaw namang magpatawag ng maarting Tyler na yan ng Hans dahil si Cassie lang daw ang pwede at ang pinayagan nya.
See? Ang arte! Hahaha
Pero seryoso! Nakakainis na ang kaartehan ng isang ito. Ilang buwan ng ganyan yan simula ng iwan ni Cassie dahil sa isang malaking as in BIG na BIG na misunderstanding kaya ayun lumipad (syempre sakay ng airplane ha? Wag pilosopo mga ate (>‿◠) ) paibang bansa ang prinsesa at ang prinsipe ay naiwang sawian kasama ang kanyang Fairy Godmother (at ako yun ha? Wag pumalag! Suntok gusto nyo? Haha)
Kaya si Fairy Godmother (ako pa rin iyon. Wag na ulit pumalag dahil unli ako. Haha) ay on the task ngayon para igrant ang kahilingan ng puso ng ating prinsipe.
"Tssss. Alam mo ang arte mo! Kung sundan mo kaya at the same time gawin mo ang reponsibilidad mo bilang ataga pagmana ng business ng parents mo." Nagliwanag naman mukha nito at napatitig sa akin.
"Hoy Tyler Hans Salazar! Hindi ko gusto ang mga titig na yan kaya kung ano mag pinaplano mo. Exit na ako jan." Pero syempre joke lang noh. Mag-iisip pa ako ng paraan para magkatuluyan ang dalawang iyan.
"Samaha-"
"A.Y.O.K.O!! BOW!" Hinawakan ko ang imaginary saya ko at maarting nagbow sa harap nya.
Haha Ano sya siniswerte? Ayokong sumama ano. May buhay rin ako at marami pa akong tutulungan mga sawing puso. Mission ko yun mga sistah.. haha
"So hindi ko ako tutulongan?" Kunot noong tanong nya. Errr Baliw lang? Mag-iisip pa nga diba? Excited? Excited?
BINABASA MO ANG
Broken Hearted Si Ms. Fairy Godmother
RandomIntro: Ako ang inyong taga pagligtas.. Ako ang sasagot sa nasaktan nyong puso.. Ako ang tutulong sa naghihingalo nyong puso... Ako ang iyong Fairy Godmother... Pero minsan, nagkakamali rin ang Fairy Godmother... Panu kung ang pagkakamaling iyon ang...