"Kuya, ang laki naman ng medal mo" sabi ng babae kong kapatid
"Masaya bas a Disneyland kuya?" tanong naman ng lalaki kong kapatid
Mayroon akong 2 kapatid, isang lalaki at isang babae. Ako ang panganay.
"Sobrang cool ng mga rides dun, lalo na yung roller coasters nila nakakatakot tapos...."
Kinuwento ko lahat ng ginawa ko sa Disneyland.Maganda doon, maraming masasayang rides. Halos mapaiyak pa ako kapag nakikita ko yung mga characters ng Disney, naaalala ko ang mga childhood days ko. Parang doon nga lang ako ulit naging isip bata eh, tuwang tuwa sa cartoons at rides. Pero sa kabila nun, nanghinayang ako onti, di ko nabati si Carly. Di na ako umabot sa actual birthday niya.
Kinabukasan, pumasok na ulit ako. Dami kong na-miss kagaya ng quizzes, lessons, assignments etc. Pero may kailangan muna akong gawin; ibigay ang regalo kay Carly.
Tinignan ko ulit yung relo. Silver siya, at kagaya ng sinabi ni Teri, simple pero maganda.Lunch na namin, sabay lunch namin ni Carly ngayon, pero di ko siya mahanap, kaya hinanap ko na lang si Marie
"Marie, pakibigay na lang kay Carly, birthday gift ko sa kanya"
"Wow, sweet mo naman, ikaw na kaya magbigay" aniya
"Eh, nahihiya pa ako, atsaka marami pa akong gagawin, 3 days ako absent kaya"
"Ok sige sige, goodluck sa mga hahabulin mo, haha"
Umalis na ako para pumunta sa teacher ko, para mag special test ako for my absence.Nagulat na lang ako nakasalubong ko si Carly. Nag-init ang pisngi ko kaya yumuko ako at naglakad palayo. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Marie at Carly. Nakita ko na kay Carly na yung regalo ko. YES! SUCCESS!
Nakita ko na tinuro ako ni Marie at tumingin sa akin si Carly. Lalong uminit ang pisngi ko at umalis. Bakit ba ako nagkakaganito? F*ck! Hindi naman ako mahiyain. Grabe talaga epekto sa akin ni Carly. She is just so cute.
"So may pasalubong si Carly pero kami wala?" pabirong sinabi ni Sander
"Di pa ba sapat na nandito ako para sa inyo?" sagot ko
And as usual, nagkwentuhan ulit kami kaming magbarkada. Nakaka-stress ang araw ko. Dami kong ginawa at hinabol. Nahihilo na nasusuka na ewan ang pakiramdam ko.
Pagka-uwi ko ay chinat ko si Carly."Belated Happy Birthday"
After 3 days lang siya nagreply, baka busy lang siya kaya di makapag-online. Di ko rin naman mabati sa school, sobrang nahihiya ako, nanglalambot tuhod ko kapag nakikita ko siya, kahit sa malayo.
Kaya ako nawawalan ng self-confidence eh.
"Thank you" reply niya
Sa wakas! Makakapag-usap na kami. Ngumiti ako at parang di ko na mapigilan ngumiti. Ngayon lang ata ako nagkakaganito, grabe ka Carly. I have never met a girl like you, ever.
"Hello po" reply ko naman
"Hello"
"Kaw po ba yung friend ni Marie?"
BINABASA MO ANG
Worth Waiting
Teen FictionSome people are just worth the risk, worth all of the hurt and pain in the world. Someone worth making unrecognized sacrifices and someone worth giving your time, worth giving your love There are people worth understanding, even though they are uncl...