She

28 1 0
                                    

ang saya, ang saya-saya ko noong mga panahong iyon.

noong sabay tayong pumapasok at umuuwi.

"Sienna tara na mahuhuli pa tayo sa klase!"- sigaw niya habang nasa ibaba ng hagdan, at ako nama'y nasa kwarto ko pa at nagsusuklay.

everything seems perfect at that time. perfect kasi nasa tabi kita lagi.

walang araw na hindi tayo magkasama.

pero unti unti iyong naglaho

"Sienne, sa Maynila ako magkokolehiyo. Ikaw? Sana'y sa iisang unibersidad tayo mag aral."

"Hindi ako sigurado dyan Ryan. Sa tingin ko ay hindi ko kakayaning mag aral sa Maynila, lalo na ngayon na si Ate Meding na lang ang nagpapaaral saakin."

nagsimula iyon noong nagkolehiyo tayo, magkaiba kasi ang kurso na gusto natin. nalayo ako sayo dahil magkaiba ang eskwelahan na pinasukan natin.

nakakalungkot, nakakapanibago... wala ka sa tabi ko

noon, magkaklase tayo. 3rd year lang tayo hindi magkaklase pero sabay parin tayo pumapasok at umuuwi.

ngayon, napakahirap..

wala ka..

wala ka na susundo saakin sa bahay para sabay tayo pumasok..

wala ka na susundo saakin sa gate ng eskwelahan para sabay tayo umuwi..

noong una ay talagang naninibago pa ako, kasi nga.. wala ka sa tabi ko.

unti unti akong nasasanay.

pero iba parin talaga kapag nasa tabi kita.

marami akong nakilala, iba't ibang klase ng mga tao

at may nakilala din akong halos katulad mo

Si Chris.

pangalan at hitsura lang halos ang pinagkaiba niyo

nakikita talaga kita sakanya

alam kong mali, pero naibabaling ko sakanya ang pagtingin ko sayo

pero nawala rin iyon, dahil ikaw parin talaga ang tinitibok ng puso ko

maaaring naguguluhan lang ako, o sadyang namimiss lang kita,

halos kada linggo na lang tayo nagkikita.

I appreciate it, humahanap ka ng time at pinupuntahan mo parin ako.

busy ka, busy din ako

at isa pa, malayo tayo sa isa't isa.

gustuhin ko mang dumalaw sa tinitirahan mo, hindi ko magawa.

bukod sa kapos ako sa pera, hindi ko maisingit sa schedule ko ang pagpunta sa tinitirahan mo.

at.. ayaw mo akong pumunta.

"Wag na Sienna."

Yan lang ang iyong nasabi nang tanungin ko kung pwede akong bumisita sa tinitirahan mo.

hindi ko alam kung bakit..

ayaw ko mang mag-isip ng masama pero hindi ko mapigilan.

bakit ayaw mo akong papuntahin?

marahil ay iniisip mo ang kaligtasan ko.

babae ako, at malayo iyon. yun na lamang ang iniisip ko.

Pilit ko na lang iniintindi ang sitwasyon natin.

Malapit na ang graduation ko, sa isang linggo na. Ikaw, sa isang taon pa.

Sabi mo hindi ka makakapunta dahil may gagawin kang napakaimportante. Inintindi ko na lang dahil baka magalit ka kapag pinilit kita.

Heto na. Araw na ng pinakahihintay kong pagtatapos. Ito ay bunga ng aking mga puyat.

Isa sa pinakamasayang araw ng aking buhay, ngunit may kulang,..

..wala ka.

Sa tingin ko ay hindi na tayo magkikita pang muli.

Ilang oras bago ang aking graduation, nakatanggap ako ng text sa iyong kapatid.

/Ate, alam kong ngayon ang araw ng iyong graduation pero kailangan mo nang malaman ito

Wala na si kuya./

Halos maibagsak ko ang hawak kong cellphone.

Hindi ko matanggap.

Wala ka na? Bakit ganoon? Sabi mo'y hindi mo ako iiwan.

Wala na, wala na ang aking mahal.

Nagkalayo [Two-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon