Nang dumating ka, buhay ko ay nag iba.
Nagkaroon ng kulay at sigla.
Nais ko'y huwag matapos ang saya na
sayo ay nadarama.
Sapagkat hindi alam kung kakayanin pa.Sa dami ng sakit at hirap na nadama,
sa buhay na puno ng balakid at panlilinlang,
puso ay winasak ng paulit ulit pagkatapos ay iniwan.
Hindi ko alam anong nga ba ang dahilan.Hiling kay Bathala na sana ay ikaw na,
Ikaw na ang huli at pang habang buhay na!
Sapagkat sa puso ko, ikaw ay sapat na.
Sapat na dahil hindi ko na kailangan ng iba.
