"Kanina pa kita tinatawanan. HAHAHA!" chinat sa akin ni Carly.
"Bakit?" reply ko naman
"FB Pictures mo" na may kasmang happy face
"SHIT! GRADE 4 LANG AKO NIYAN! Kalimutan mo na lang lahat ng nakita mo"
"HAHAHA, makulit ako eh, sorry"
Nagchachat kami every time na mayroon kaming chance na mag-usap. Hanggang chat pa lang kaya ko, nahihiya kami pareho eh. Tuwing nagkakasalubong kami ay lumalayo ako dahil napapansin kong nagwawala mga kaibigan niya tuwing nakikita ako, kawawa naman si Carly tadtad siguro ng asar, kaya lalayo lang muna ako. One day I'll be brave enough. Patience lang. In short, ako ay isa sa mga lalaking hanggang chat lang kasi masyadong bakla para kausapin yung crush nila. Tatanga namin noh? C'est la vie; 'That's life'.
"Pre ang torpe mo, kausapin mo kaya" sabi sa akin ni Mike
"Timing kailangan pre, nahihiya kaya kami ni Carly pareho, makakahanap rin ako tsempo. Trust me, I'm a pro" proud kong sinabi
"Wow, KAW BAHALA!" sabi nila pareho, at patuloy kaming naglakad
Habang naglalakad ay nakita ko mga kaibigan ni Carly at nakatingin sila sa akin. Nagulat ako nang nahulog ni Carly ang phone niya. Kumunot noo ko at napangiti pa ako ay lumayo na lang.Pag-uwi ko nag-online agad ako. Chinat naman agad ko ni Carly.
"Sorry" chat niyaKumunot noo ko, may ginawa ba siya?
"Bakit?" reply ko
"Basta!" aniyaBigla akong kinabahan.
"Nasira ba yung relo?"
"Hindi!"
"Eh ano? Seryoso ka ba diyan o mababaw lang yan?"
"Mababaw lang"
Wews. Gulo ng babaeng ito. Siguro kapag tumagal, napakumplikado nito kausap.
"Ang saya saya pala ng barkada mo" chinat ko
"Oo naman, nakita mo nahulog cp ko noh" Napatawa ako.
Ganun ba ako kagwapo Carly at napahulog ko pa cp ko? Tas yun pala nagulat lang sa kapangitan ko, haha, di naman siguro.
"Maayos pa ba?"
"Oo naman, nahulog kasi dahil sa iyo!"
Gwapo ko talaga
"Nagulat ka ba sa kapangitan ko?" pa-humble kunwari"Kilala ka nila kasi"
Yes. Kilala na ako ng friends niya at mukhang nasa panig ko sila. Smooth play Kevin. Going with the flow.
"Sorry hah"
Patuloy kaming nag-usap buong gabi. Ewan kung bakit sobrang saya ko kahit kachat ko lang siya. Nakangiti ako palagi na parang tanga. Di naman ako nagkaganito kay Frances o kay Liza. Mangkukulam ata ito si Carly.
Nagsimula ulit ang Saturday Trainings ko. Namimiss ko na mga classmates ko dito. Sina Nicolas at Chris. Kasama ko rin sila noong Summer Training, kaso Singapore sila nag-contest.
"Pre grabe, nag-iiba ka kapag si Carly na pinag-uusapan. In Love ka na niyan" sabi ni Nicolas
"Kay Carly lang ata yan bumabait" sabi ni Chris
"Grabe kayo, namiss ko nga kayo. Iadd niyo siya ah" sabi ko
"Sige sige" anila
"Chachat ko siya mamaya, makilala ko nga" sabi ni Chris
"Patanong na rin kung gwapo ako" pabiro kong sinabi.
"Sige sige"Pag-uwi ko nagpahinga ako at kumain. Grabe ang hirap talaga ng Math, nahihilo ako kapag may lesson.Pagka-online ko, chinat ko agad si Carly. Ang active naman niya sa fb.
"...yup na-accept ko na sila" sabi ni Carly
"Brb. Tinatawag ako ni Mama" reply ko at umalis.
Tinawag ako para maglinis ng pinggan. Tinapos ko agad para makausap ko pa si Carly. Pag-akyat ko ay kinuha ko agad phone ko. May sinend siya sa akin.
"Wala lng po. Swerte ka, kahit crush ng bayan (I mean crush ang buong bayan kasi lahat nililigawan niyan lol) si Kevin. Pag ganyan na sya gumalaw. Seryoso na siya. Dalawa pa lang kayong nakita kong ganyanin ni Kevin. Si Samantha yung dati, kaklase niya noong Summer Training." Finorward ni Carly
GAGO KA CHRIS! ANONG CRUSH KO LAHAT? ATSAKA DI KO NGA NAGUSTUHAN SI SAM, SINABI KO LANG MAGANDA SIYA! ABNORMAL KA CHRIS.
"Di ko po crush lahat, at di ko crush si Sam nagagandahan lang ako, iyon ang kinuwento ko kay Chris"
Chinat ko si Chris
"Chris umayos ka, at di ko nga nagustuhan si Sam and you know that"
"Chill, ako bahala"
Nag-forward pa siya ng mga sinesend ni Chris. Yung iba totoo pero yung iba sobrang barbero na."
Di totoo lahat ng sinasabi niya, barbero yan" sabi ko
"Ok, I know the truth from not" aniya
"Tinatanong mo rin daw kung gwapo ka" dugtong niya
"Luh? Di ah" sabi ko namanPatuloy kaming nag-away at nagkwentuhan. Ininterview pa ako tungkol kay Sam at patuloy siyang nagfo-forward ng messages ni Chris. Sinakyan ko na lang trip niya.
Pagtapos magpaalam sa akin si Carly, ay nag-offline na siya.
"Happy pre?" chinat sa akin ni Chris
Nag-send siya ng printscreen sa akin. Convo nila ni Carly.
Chris: Gwapo ba daw siya? Pinapatanong niya
Carly: YesHAHAHA!
CONFIRMED!
"Thanks pre" sabi ko naman.
So far, everything is going smoothly. Kailangan ko lang talaga magkaroon ng lakas ng loob para kausapin siya sa personal.
Timing is everything.
One day, I will be the guy just right for you.
BINABASA MO ANG
Worth Waiting
Teen FictionSome people are just worth the risk, worth all of the hurt and pain in the world. Someone worth making unrecognized sacrifices and someone worth giving your time, worth giving your love There are people worth understanding, even though they are uncl...